Nandito pa rin sa bahay namin si Bryan. Hindi siya umaalis lalo na nung nalaman nyang nasa bahay lang namin si Kuya Adam at mamayang hapon pa pupuntang kompanya.
Syempre magugulo na naman ang aking tahimik na buhay.
Lagi si Bryan at si Kuya Adam nag-uutos kasi naglalaro sila ng video games sa kwarto ni Kuya Adam.
Sarap buhusan ng pagkaing punong-puno ng sili ehh! Nilapag ko na nga lang lahat ng pagkain sa kwarto ni Kuya Adam para di na ako pabalik-balik.
Nakakahiya naman sa kanila diba? Baka kasi mabitin sila sa kinakain nila.
Bored na bored na ako kasi nandito lang ako sa kwarto ko buong araw.
Hala oo nga pala! Nagkaroon ng event sa S.F.A.! Hindi manlang ako nakapunta! Sayang naman!
Nang dahil sa arrange marriage na hinaharap ko ngayon, nakalimutan ko tuloy!
Hayst. Makapunta na nga lang dun.Wala naman akong ginagawa dito sa bahay ehh!
Naligo na muna ako at nagsuot ng fitted na black shirt at sinuot ko rin yung favorite kong jeans na noon ay hindi ko masuot-suot. At pinartneran ko ng white shoes na may 1 inch na takong.
Perpekto!
Syempre dahil nga kailangang presentable ako? Naglagay na rin ako ng liptint sa labi at pisngi ko. Para manlang hindi ako mukhang namumutla. At sinuklayan na lang ng maayos ang pinatrim kong buhok na hanggang bandang kili-kili ko nalang. At syempre mawawala ba ang sling bag? Syempre hindi!
Okay medyo corny ako dun ahh!
Hay nako. Makaalis na nga lang.
Bumaba na agad ako pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin sa sarili ko. Syempre hindi lang naman sila Bryan at Kuya Adam ang nagsasaya! Dapat ako rin!
"Ohh hija? Saan ka naman pupunta? Magtatanghalian na ahh?." nagtatakang tanong ni Manang Letty, isa sa mga kasambahay namin
Oo nga nohh! Bakit di ko napansing magtatanghalian na ako aalis?
"Ahh hehe. Pupuntahan ko lang po yung S.F.A., Manang." nakangiting sagot ko naman kay Manang Letty
"Ahhh, sige mag-iingat ka. Bali ba'y nagluto ako ng paborito mong ulam. Ay! Nakalimutan ko! Nagdidyeta ka nga pala!." umiiling-iling na sabing muli ni Manang Letty
MENUDO?! AAAACCKK! SAYANG NAMAN! BAWAL NA AKO NUN! HUHUHU!
"Sayang naman, Manang. Sa susunod na lang po siguro. Mauna na po ako." nakangiting tugon ko naman muli kay Manang Letty
"Mag-iingat ka, hija." nakangiting habilin naman ni Manang Letty sakin
"Opo, kayo rin po." nakangiting tugon ko
Marami akong kaclose na kasambahay namin rito kasi hindi naman kami pinalaki nila Mommy't Daddy na dapat ay pagmaltratuhan ang mga katulong sa bahay. Ang itinuro nila sa amin ay itrato namin sila na parang isa naming kapamilya kaya kahit saang event ay nakakasama rin sila pero syempre yung pili lang. Kapag mga pang business hindi sila nakakasama, at ganun rin ako hehe. Ayoko nga kasi ng business pero yun yung course ko dati. Education talaga ang gusto ko, ang kaso ayaw yun nila Mommy kaya ayun nagdouble course ako. Hindi ko lang magamit since tamad akong magsalita ng sobrang haba. Diba ganun kapag teacher? Mahaba kung magsalita?
Hindi pa ako pinapayagang magdrive gaya nga ng sinabi ko noon. Kaya ayun buti nalang nandito sa garahe si Kuya Bitong at hindi ko na sya kailangan pang tawagan.
"Kuya Bitong!." masayang bati ko kay Kuya Bitong na kasalukuyang kumakain ng chocolate
Sanaol nakakakain ng chocolates! Aaacckk! Nakakamiss na kumain!
"Ohh, Amber? Saan tayo?." masayang bati rin naman ni Kuya Bitong
Alam na nya agad nohh? Advance yan mag-isip ehh! Hahahaha!
"Sa S.F.A., Kuya Bitong." nakangiting tugon ko naman kay Kuya Bitong na dali-daling inubos yung chocolate na kinakain nya
Nang maubos nya na ito ay binuksan nya agad yung kotse na pagmamay-ari ko pero hindi pa ako pwedeng magdrive dahil nga raw sa ang clumsy ko.
Sad diba? Gusto ko rin sana magroad trip mag-isa! Kaso di ako pinapayagan ehh!
Feeling highschool student lang ako?
Sumakay na rin naman ako dahil gustong-gusto ko ng makarating sa S.F.A. Nakakapanghinayang nga talaga at hindi ako nakapunta sa event nila.
Agad na pinaandar naman ni Kuya Bitong ang makina ng sasakyan pagkapasok na pagkapasok nya pa lamang. Kaya siguro bago magtanghalian ay makakarating na rin kami sa S.F.A.
Syempre iniisip ko rin kung ano ang nangyari dun sa event. Naging successful ba? O hindi? Pero alam ko namang magiging successful yun! Ang gagaling kaya ng mga teachers dun!
Halos lahat naman yata ng mga teachers na kinuha ko ay magagaling. Syempre hindi lang ako sa skills tumitingin pati sa pag-uugali. Ekis agad kapag maarte at hindi marunong makisama.
Pero meron akong nakuha na maarte pala? Tapos biglang bumait sya nung nagstay na sya sa pagtuturo sa S.F.A. Galing nohh? Syempre tinulungan nya rin yung sarili nyang magbago.
Kaya marami ang mga taong gustong-gusto mag-aral sa S.F.A. Kasi nga hindi kami tumitingin sa kung anong estado ng isang mag-aaral. Yung kesyo mayaman ba sya o mahirap ba sya? Walang ganun! Kaya nga public school ehh!
May pagkakataon rin namang may isang magulang na gusto kaming perahan para sa mababang grades ng anak nya.
Anong aanhin namin sa pera kung ang anak nya ay hindi naman talaga nagsipag sa pag-aaral? Diba? Useless lang rin ang paghihirap ng magulang na iyon kung hahayaan naming bayaran nalang kami para tumaas ang marka ng anak nya.
Kahit nga nagkaroon ako ng line of 7 noon? Hindi ako nagbigay ng pera para lang tumaas yung grades ko. Kasi nga hindi ka matututo kung hindi mo pagsisikapan lahat ng markang gusto mo. Sa pag-aaral rin naman natututo ka, hindi lang dahil sa kagustuhan mong makakuha ng magandang marka. Para rin saiyo. Para kung sa future? May anak ka? Maaari mo ring ipasa sa kanila ang mga natutunan mo noon.
Nagmala-MMK na ako mga siz! Hahahaha!
I may not be a teacher but I can be a good adviser! Chos! Hahahaha!Dahil sa pagkukwento ko ay hindi ko namalayang nasa S.F.A. na pala kami. Ang daming tao ngayon ahh? Infairness!
Bumaba agad ako matapos maipark ni Kuya Bitong yung kotse at dumiretsong opisina ko sa S.F.A. Paborito ko nga yatang lugar yung opisina ko ehh! Lagi kasi ako ditong dumidiretso! Hahahaha!
Maraming mga tao ang nakakilala sa akin at isa-isa nila akong binabati. Panay tango at ngiti lang naman ang ginagawa ko since karamihan sa kanila ay hindi pamilyar sakin.
Nang makarating na ako sa opisina ko ay maraming mga teachers ang nagpupulong-pulong sa isang gilid.
Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok at bigla naman silang nagulat sa pagdating ko.
Surprise mga behh! Chismis pa more!
"Magandang tanghali, Ms.Amber!." sabay sabay nilang pagbati sa akin at halatang halata na kabado sila
"Magandang tanghali rin naman." striktang sagot ko sa kanila at naglakad na papuntang opisina ko
Good thing at hindi na sila nagchismisan pa. Nakakaloka kung itutuloy pa nila. Ayoko pa naman sa lahat ay yung nandito na ako tapos makikita ko pa kayong nagchichismisan sa harap ko. Ekis yon!
May ilang nakatambak na pipirmahan ko pero hindi naman na ganoong karami kaysa noong nakaraan.
Makakauwi ako ng maaga nito. Pero tanghalian na pala!
Nagugutom na yung mga alaga ko!
----------------------------------------------------------------
Goodevening sparkles! Grabe! Sabog sabog na utak ko! Hahahaha!Kindly suggest some things for the flow of the story. And comment din kayo if boring ba or may gusto kayong makita sa flow ng story.
Salamat!
Enjoy reading!
Blessings!
Love,
sparkly_white
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...