34

17 1 0
                                    

Napakaraming tao ang nagsasabing bagay na bagay daw kaming dalawa ni Bryan. Na pilit namin dalawa na nginingitian.

Kahit sa loob-loob namin ay humihindi kaming dalawa.

Panay hawak pa rin nga ng mga kamay ko, nakakainis kahit di na nakatingin yung mga tao.

"Hoy Bryan. Umayos ka ahh? Kung ayaw mong hindi magkablack eye ng di oras. Bitawan mo nga kamay ko." mataray na sabi ko kay Bryan at pilit na iniaalis ang malaki nyang kamay sa kamay ko

Mas hinihigpitan nya pa lalo yung pagkakahawak.

Nananaket na ahh!

"Just be patient please. May media sa likod natin nakatingin sa ating dalawa." naiiritang sagot naman ni Bryan

Nilingon ko kung ano yung tinutukoy nya.

Nasa likod nga namin yung media! Naiinis pa naman ako kapag ganun, yung tipong nananahimik ka tapos may mangunguha ng larawan sayo o kung hindi man ay vivideohan ka.

"Badtrip." mahinang bulong ko

"Badtrip talaga. Kaya wala akong choice kundi umaktong magcouple talaga tayo." mahinang bulong rin ni Bryan

Sa pagkakataong ito ay nagkakaintindihan kami.
Pero hindi pa rin mawawala yung katotohanang ayaw ko pa rin sa kanya!

"Akala mo naman gusto ko itong ginagawa natin." mataray at mahinang bulong ko naman

May mga nagbubulungan na kesyo ang sweet naming dalawa ni Bryan.

Hindi nila alam malapit na kaming magpatayan! Hahahahaha! Syempre hindi naman aabot sa ganun. Suntukan lang! Hahahaha!

"Arte mo. Hindi ka naman maganda." mahinang sagot naman ni Bryan

Abat?! Maasar nga! Wahahahaha!

"Ehh ikaw? Akala mo naman gwapo ka? Sus! Mas gwapo pa nga sayo yung pinsan mong si Blue." nang-aasar na sagot ko kay Bryan na mahina lang

Tinitigan nya naman ako ng maigi at sinabing...

"At least ako hindi ko hinahayaang masaktan ako ng kung sino-sino." sagot naman ni Bdyan na confident pa pero mahina lang

Ha? Hatdog! Sinasabi nento?

"Ikain mo na lang yan huy." mahinang sabi ko sa kanya sabay abot ng pagkain na nasa mesa naming dalawa

Kinuha naman ni Bryan yung pagkaing iniabot ko.

Uto-uto! Hahahaha!

Habang busy sa pagkain si Bryan ay kinuha ko nalang yung phone ko at nagFacebook. Nakita kong nakaonline si Anica pero wala sya dito sa event na ito.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Chinat ko nalang si Anica at ang sabi nya ay nagkaLBM daw sya kaya hindi sya makakapunta ngayon.

Minsan lang sya magkaLBM ahh?

Matapos kaming mag-usap ni Anica sa Facebook ay muling nagsalita na naman yung emcee na nakumpirmado kong bakla ngang talaga.

Habang nagsasalita kasi sya kanina si Bryan yung tinititigan nya. Hahahaha!

"Once again ladies and gentleman to close this event, I call on the couple for the exchange of rings to be pronounced that they are already engaged. Please kindly stand up again Ms.Amber Louise Lee and Mr. Bryan Go. Please give them around of applause!." masigla pa ring sabi nung emcee

Syempre wala tayong choice kundi ang sumunod.

Parehas lang naman kami ni Bryan na napipilitan lang gawin lahat ng ito. Kaya quits lang.

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon