Naging maayos naman yung workout sessions ko ng sumunod na mga araw. Sa katunayan nga ay natapos ko na ang tatlong buwan na workout sessions at hindi ko man lang namalayan na pumapayat na nga ako. Lahat ng mga damit na hindi ko masuot noon ay nasusuot ko na ngayon. Tuwang-tuwa pa nga si Mommy kasi nagawa ko yung 3 months of having some workouts ng walang kapalya-palya.
Kasi nga walang Bryan Go na nanggugulo.
Pero dahil nga lahat ng iyon ay panandalian lamang. Ngayon na daw ang engagement party namin ni Bryan.
Na ang sarap takbuhan.
"Louise, this is what you're gonna wear later okay? I don't accept a NO for an answer." striktang sabi ni Mommy sa akin
Hate na hate ko pa naman yung dress syaka mga palda ganon! Kaso wala akong choice ngayon ehh!
White dress yung pinapasuot ni Mommy. Hindi naman sya ganon kaikli like mga above the knee lang naman and body con din sya na may pagkaoff shoulder.
Mas bet ko pa nga yung mga jumper or jumpsuit ehh! Pero ayaw ni Mommy na iyon yung isuot ko.
Kaya sige go lang ako!
"Yes, mom." agad na sagot ko kay Mommy
Sa nagdaang mga araw na natuto akong magworkout ay nakita ko yung progress sa sarili ko. Even by choosing something to wear? Grabe! Ni hindi na nga yata ako nagsusuot ng mga bagay na hindi sexy ehh!
Pero syempre gusto ko pa ring ibalik iyon.
Kaso... alam nyo na? May bantay ako ehh! Si Mommy!Nahirapan pa akong magsuot ng dress kasi nga off shoulder sya and sobrang fit nya sa katawan ko.
Buti nalang talaga at nagreduce ako.
Lumabas na ako ng comfort room at nakita kong nakablack and white na dress si Mommy na which is body con rin. Tapos nakawhite stilletos pa sya.
Bongga diba?
"Here wear this white pumps that I bought awhile ago." nakangiting sabi ni Mommy sa akin
Sa pagkakaalam ko? 3 inches yung white pumps na tohh.
Ang sakit pa naman sa paa!
"Mom, can I just wear something that isn't that so high? Masakit sa paa yan ehh!." nagrereklamong sagot ko naman kay Mommy
Tinaasan naman ako ng kilay ng magaling kong Mommy.
"Nagrereklamo ka ba?." nakataas ang kilay na tanong sakin ni Mommy
Oo, Mommy! Oo!
Pero syempre di ko sasabihin yan. Sasaket ulo ko ehh! Lakas pa naman mambatok ni Mommy!
"Hindi, mommy. Okay na okay na nga tohh ohh! Okay na okay na." agad na sagot ko kay Mommy at nagmamadaling isinuot yung white pumps sa mga paa ko
Oo nga pala kasama sa 3 months workout sessions ko ang mga pagpapractice na magsuot ng mga matataas na heels, pagsuot ng mga pambabaeng mga damit, pagkain ng mga bagay na pangdiet at pag-inom ng mga fresh juice na ako na mismo ang gumagawa, at lastly ang pagmamakeup na natutunan ko kay Anica.
Pero syempre dahil sa kagustuhan kong mas mukhang natural pa rin ang mukha ko? Nagpulbos lang ako at naglagay ng liptint sa labi at pisngi. Para hindi ako magmukhang maputla.
Ayoko ng sobrang kapal! Na halos magmukha akong clown! Ekis yon!
"Perfect!." tuwang-tuwa na sabi ni Mommy ng makita nya akong naglagay ng liptint sa labi at pisngi
Sus! Perfect lang kasi nagagawa ko na yung mga bagay na gustong gusto nyang ipagawa sakin.
"What time we'll go there, mom?." tanong ko kay Mommy habang sinusuklayan ko yung pinatrim ko na itim na buhok ko
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...