49

21 1 6
                                    

Matiwasay na natapos naman yung celebration ni Bryan na ngayon ko lang nalaman. Grabe talaga! Ako lang yung walang regalo kasi hindi ko nga alam na birthday nya kanina.

Ganun ko na ba sya talaga kinamumuhian? Na pati pagregalo sa kanya? Hindi ko manlang nagawa?

Feeling ko ang bad ko! Ewan ko ba? May something na nagsasabi sakin naitigil ko na yung pangit na pagtrato ko sa kanya?

Weird.

Never in my life that I felt this way.

Maagang umalis sila Mommy since sa Cavite pa sila uuwi at baka maabutan sila ng rush hour. Sinabihan naman na sila ni Bryan na dito na magstay sa bahay nya--- hindi naming dalawa kasi sya naman talaga ang nagpagawa. Kumbaga parang housemate nya lang ako.

Ano? Parang bahay lang ni Kuya? PBB Teens?

Pero tumanggi sila Mommy kasi daw marami pa silang gagawin bukas.

Sana all may ginagawa!

Ako kasi kapag nandito lang ako sa bahay ni Bryan? Grabe lang! Wala akong ginagawa kundi ang tumunganga. Nadagdagan pa yung pagkawala ng ginagawa ko nung may mga katulong na dumating na dito.

Wala talaga akong pakiramdam minsan ehh.

Hindi ko alam kung may mga taong dumadagdag sa paligid.

Na feeling ko may mali sakin. Tapos sila Mommy? Alam nila tapos ako lang yung hindi nakakaalam.

Nakakaloka naman!

Anyways, kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga bagay-bagay ngayon. Wala na si Bryan. Pinaakyat ko na sa kwarto nya kasi naglasing bigla.

Oo sya? Naglalasing.

Ako? Hindi.

Mabait ako ehh! Hahahaha!

Pero sabi ni Kuya Adam may reason daw si Bryan kung bakit sya naglasing.
Nacurious naman ako.

Hindi sa pag-aano ha?

Wala lang nakakacurious lang kung ano yung reason ni Bryan. Hahahaha!

"Ate Amber, kami na po ang bahala dito. Akyatin nyo nalang po si Kuya Bryan. Baka kailangan nya po ng tulong." mabait na sabi sakin ni Pia na syang kasama ko sa pagliligpit ngayon

May point sya.

Hindi naman ako ganoon kasama na tao na kahit hate kita? Ehh papabayaan nalang kita.

Hindi yun si Amber Louise. Iba na yon.

"Ahh sige. Salamat, Pia ahh? Pasensya na rin kung hindi ko kayo matutulungang magligpit ngayon." pagpapaumanhin ko kay Pia

Binigyan nya naman ako ng isang matamis na ngiti.

"Ano ka ba naman, Ate? Trabaho namin ito. At hindi mo naman ito trabaho. Kami na po ang bahala dito." nakangiting sagot naman ni Pia

Ang bait nya talaga.

"Sige, salamat ahh? Tingnan ko lang kung ano pumasok sa isip ni Bryan bakit naglalasing sa mismong birthday nya pa. Hay nako." namomoblemang sagot ko naman kay Pia

Natawa naman sakin si Pia.

"Ang sweet mo naman ate. Oh sya sige na. Puntahan mo na doon si Kuya. May towel na rin dun at may batya para punasan mo sya para mahimasmasan sya." natatawang sagot ni Pia

Bigyan ko kaya toh ng bonus nohh?

"Sige salamat ulit." nakangiting sagot ko kay Pia at iniwan na muna sila

Umakyat na ako sa taas at pumuntang kwarto ni Bryan. Ewan ko ba? Feeling ko? Alam ko yung pass code nya sa kwarto nya?

Sobrang weird diba?

May nakita akong note na nakalagay sa mismong lock ng kwarto ni Bryan.

Nakalagay:

The date that is the best day of my life!

Hindi ko alam pero yung pumasok sa isip ko ay yung araw ng bukas?

816

August 16

Nagulat ako kasi bumukas yung pinto. Anong meron bat alam ko itong mga bagay na ito? Kahit hindi ko naman kilala si Bryan ng husto?

Balewalang pumasok na lang ako sa kwarto ni Bryan.

At mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

BLACK AND PINK yung loob ng kwarto nya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ewan ehh.

Pero may mas nakakagulat pa dyan.

Nandun yung wedding photo naming dalawa. Tapos may mga picture na nandun tapos masaya kaming magkasama.

Anong meron?

Sumasakit yung ulo ko!

"Amber Louise, love." rinig kong sabi ni Bryan habang natutulog

Ano daw? L-love?

Bakit nya ako tinatawag na love?

Nagulat ako kasi umiiyak si Bryan habang tulog.

"I miss you, love." umiiyak na sabi nya habang tulog

Anong miss? Miss nya ako? Pero bakit may love?

Ano ba talaga ang totoo?

Gulong-gulo na ako!

"Can we please go back to the days that we are filled with happiness? Can you please remember me?." nagsusumamong sabi ni Bryan habang tulog sya

Ano? Bakit kailangan ko syang maalala?

Ang sakit na ng ulo ko sobra!

Hindi ko na kaya!

Lumabas na lang ako ng kwarto ni Bryan at hinayaan nalang syang nakabulagta sa kama nya. Hindi ko na kayang humarap pa sa kanya at tingnan pa sya.

Kasi mas lalo lang sumasakit yung ulo ko.

Dumiretso nalang ako ng kwarto ko at binalewala nalang ang lahat ng nalalaman ko.

Siguro pagod lang tohh. Itutulog ko nalang toh.

_______________________________________

Hello sparkles! Muli na naman kayong dumadami! Yieeee! Maraming salamat sa suporta't pagmamahal ninyo!

Mahal ko rin kayo!

At maagang update para sa inyo!

Enjoy reading!

Blessings!

Love,
sparkly_white

Ways To Workout Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon