Chapter 35

133 49 1
                                    

Ram's POV

Matapos ang mga selebrasyon ay bumalik na naman kami sa pagsusunog ng kilay dahil malapit na ang final exam namin na siyang magiging batayan kung makakapasa ba kami o hindi. Halos buong araw ay nasa mga libraries kami para mag-aral ng mag-aral. Hindi rin muna kami lumalabas nang mga kaibigan ko dahil lahat kami ay nakatutok sa paghahanda para sa exam.

Masaya naman ako dahil nagkaayos na sina kuya Ton Ton at Keigne. Pagkatapos nang graduation ay nakatakdang umuwi nang Korea si Keigne habang si kuya naman ay nagpasiyang dumito na lang at tulungan si paps sa pagmamanage ng mga businesses namin. Si Via naman ay busy rin sa trabaho nila ni Misty.

Ang pahinga lang nang utak namin ay kapag magmemeryenda kami o kapag lunch break pagkatapos ay muli na naman kaming babalik sa library at magpapakalunod sa mga libro. Nag-aaral din ako mag-isa sa gabi at talagang nakapokus ako sa pag-rereview dahil matapos ang graduation ay haharapin ko na ang misyon ko. I'm going to America to find Venice dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong makikita ko siya.

"Hey! Magpahinga ka naman baka ma-over study ka na riyan," napalingon ako kay Yahen nang abutan niya ako nang bote ng gatas.

"Thanks,"

"RAMMMMMMM!!" napalingon ang lahat kay Iyen nang umalingawngaw na parang ambulansya ang boses niya.

Minsan napapaisip ako kung kailan kaya tatanda ang isip nang kaibigan kong ito. Hanggang ngayon isip-bata pa rin kahit napakatangkad na tao.

"Ano ba, popcorn, wala ka sa palengke!" saway sa kanya ni Maki na kararating lang galing cr kasama si Jayden.

"Bakit ba? Eh sa excited akong kausapin si Ram eh!" banat naman nito sa makatatanda.

"Bakit? May mahalaga ka bang sasabihin sa akin, Yancyn?" tanong ko kay Iyen nang makaupo siya sa tabi ko.

Nasa school park kasi kami ngayon. Dito namin naisip mag-group study dahil nakakasawa na sa library at saka laging nasasaway si Iyen nang librarian dahil sa labis na kaingayan. Parang hindi siya mabubuhay sa isang araw ng hindi sumisigaw o sumisinghal.

"Narinig kong candidate for suma cumlaude ka!" excited na ani Iyen.

"Talaga? Pero hindi ba si Maki naman ang highest sa lahat ng activities at exams natin," kunot-noong sambit ko ngunit may halo ring saya at excitement.

"Ewan ko, 'yon kasi ang narinig ko, pero narinig ko rin na posibleng mag-tie kayong tatlo nina Yahen at Maki dahil halos pare-pareho naman kayong magagaling sa klase," aniya pa.

"I don't care about the honors, I, graduating is more than enough," sabat ni Maki habang nakatutok sa libro.

"Well, kung sakali mang makuha nga tayo as suma cumlaude or what ipagpasalamat na lang natin at ituring na kabayaran sa hard work na ipinakita natin habang nag-aaral," nakangiting ani Yahen.

"Kris' right, kaya mag-aral na ulit tayo dahil next week na ang final exam. Sabi nang council ay Valentine's day lang ang magiging break natin tapos ay uumpisahan na ang unang araw exam kaya dapat mag-aral tayo ng mabuti para makapasa tayo at makuha ang grado na inaasam natin," pang-mo-motivate pa ni Jayden kaya nagsimula na ulit kaming tumutok sa kanya-kanyang libro.

Ilang oras din kaming nag-aral lang nang nag-aral hanggang sa sumapit ang dapit hapon. Matapos naming ayusin ang mga gamit namin ay sabay-sabay na kaming nagtungo nang parking lot para sa mga sasakyan namin.

"Paano? Mauna na ako sa inyo dahil kailangan ko pang daanan si Misty dahil sira 'yong kotse niya at ayaw naman niyang magpasundo kay Miro. Tss! Arte," si Maki ang unang nagpaalam saka sumakay sa kotse.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon