Chapter 62

110 36 2
                                    

Mia's POV

Wala sa sarili akong napangiti habang pinanonood ko ang bride na naglalakad papunta sa groom niya. Sa totoo lang ay wala sana akong balak na pumunta dito dahil hindi ko naman sila gaanong kilala. Pinilit lang ako ni Yaster kaya wala na akong nagawa kasi kuya niya naman yung ikakasal. Habang pinanonood ko ang bride ay nabaling kay Ram ang paningin ko. Nakatingin din siya sa bride pero may kakaibang lungkot sa mga mata niya na kahit hindi ko itanong ay alam ko kung ano at sino ang dahilan. Ang sakit namang makita kang nasasaktan, Ram. Naramdaman ko ang kaunting kirot sa puso ko dahil alam kong kahit wala na si Venice ay hindi ko pa rin magagawang magkaroon ng puwang sa puso niya.

Habang abala siya sa pagtitig sa bride at groom ay abala naman ang mga mata ko sa patitig sa mukha niya. Hindi pa rin nagbabago ang gwapo niyang mukha. Napapanood ko ang bawat ekspresyon at emosyon sa mga mata niya maging ang matipid niyang pagngiti. Napangiti din ako kahit may bahid ng lungkot ito. Walang-wala na talaga siya sa Rameigh na unang nakilala ko noon sa probinsya. Wala na yung sigla at kulit sa boses niya kapag nagsasalita dahil napalitan na iyon ng malamig na tinig niya. Yung mga mata niyang puno ng pag-asa at saya na isa sa naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya ay puno na ng lungkot na kadalasan at blangko ngayon.

Sa loob ng mahigit limang taon ay hindi ko inakalang ganito na kalaki ang pagbabago ng Ram na kilala ko. Hindi man kami nagkasama ng matagal, pakiramdam ko ay nakilala ko siya ng lubos noon. Kahit na malungkot ang naging paghihiwalay namin ay umasa akong magiging masaya ang muli naming pagkikita. Inisip ko na baka sa susunod naming pagkikita ay pwede na. Na baka kahit hindi ako si Venice ay pwede na kaming dalawa. Kahit na alam kong posibleng magkasama na sila ni Venice kapag nagkita kami ulit. Nakakapanghinayang lang dahil hindi  niya kasama si Venice pero tuluyan naman ng nagsara ang puso niya. Mas mabuti pa nga sanang kasama niya na lang si Venice para hindi siya nalulungkot ng ganyan ngayon.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako susuko hangga't hindi ko naibabalik yung dating Ram. Na hindi ako susuko hangga't hindi ko siya natuturuang muling magmahal. Na hindi ako susuko at gagawin ko ang lahat para mabuksan muli ang puso niya. Nang sa gayon ay makita ko na ulit siyang masaya. Pero minsan sobrang sakit maramdaman na wala lang ako sa kanya. Na kahit magkamukha kami ni Venice ay wala akong epekto sa kanya. Akala ko advantage ko na kamukha ko si Venice para mahalin niya.

Ikaw lang naman kasi ang nag-isip n'on, Mia.

Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay nasisiraan na ako ng bait dahil nandito ako para um-attend ng kasal pero kung saan-saan na nadako ang isip ko. Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Malinaw kong naririnig ang music sa buong simbahan pero tanging mukha lang ni Ram ang sumasakop sa paningin at atensyon ko.

"Quit staring," nagulat pa ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin habang sinasabi iyon.

"Hindi naman," nahihiyang palusot ko.

Hindi ko man lang napansin na nakatingin na pala siya sa akin habang ako naman ay abalang nakatitig sa kanya. Nakakahiya ka, Mia!

"Tss! I already caught you and you're still denying," bulong niya matapos muling tumingin sa harapan.

Umayos na lang din ako ng upo at nagfocus sa harapan. Nakatayo na sila ngayon sa harapan ng pari habang binabasahan ng bible verse. Nakangiti ko silang pinagmasdan hanggang sa isawika nila ang wedding vows nila sa isa't isa. Nakakatuwa silang tingnan dahil mababasa ang pagmamahal sa mga mata nila. Kahit na may halong pang-aasar ang ngiti nung lalaki ay kitang-kita doon sa nga labi niya na masaya siya sa taong nakatayo ngayon sa harapan niya. Sana maranasan ko ring tingnan sa ganyang paraan nang lalaking mahal ko. Palihim kong sinulyapan si Ram na ngayon ay nakatutok na ang atensyon sa harapan.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon