Chapter 34

140 52 4
                                    

Yahen's POV

Matapos ang pasko ay bagong taon naman pero gan'on pa rin. Wala pa rin ang parents ko dahil abala sila sa medical mission nila sa Africa. Naiintindihan ko naman na gusto nilang tumulong sa kapwa at wala akong reklamo doon, pero kasi minsan pakiramdam ko mas may oras pa sila sa iba kesa sa akin na anak nila.

Mabuti pa ang mga kaibigan ko dahil kasama nila ang pamilya nila sa ganitong selebrasyon. Si Maki naman kahit hindi kasama ang parents niya ay kasama naman niya ang mga kapatid niya.

Napapabuntong-hininga na lang akong napaupo sa sofa at inobserbahan ang nakakabinging katahimikan sa paligid ng bahay namin. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at inalala ang pasko at bagong taon noong bata ako na hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago. Napamulat ako nang may marinig akong katok sa pintuan.

Knock! Knock!

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Keisha kaya ngumiti rin ako.

"Love, gusto mo bang samahan kita mamayang gabi?" tanong niya nang makapasok sa loob.

"You should stay with your family, love. I can take care of myself at isa pa, pwede naman akong pumunta kina Ram mamaya," sambit ko.

"Don't be mad, love ah, pero hindi ba talaga uuwi ang parents mo? Parang ang irresponsible naman nila. They're just going to let you spend the new year without them," usal niya.

Natawa naman ako ng bahagya.

"They are too much responsible to go home, love. Responsable sila sa mga may sakit sa Africa kaya hindi sila makakauwi dahil kumpara sa mag-isang anak na katulad ko, daan-daang tao ang matutulungan nila doon. One compared to many, anong pipiliin nila? Those people are sick while I am just their lonely son," sinubukan kong magtunog nagbibiro but my emotions betrayed me.

I am sad.

I am a bit disabled.

Hindi ko itatanggi na minsan ay nagtatampo na ako sa kanila pero ang mali lang naman nila ay hindi nila ako mabigyan ng oras dahil sa paggawa ng kabutihan para sa iba, kaya pinalalampas ko na lang. Hindi ako malapit sa kanila dahil nga lumaki ako nang wala sila lagi sa tabi ko. Si yaya Goreng ang halos naging magulang ko noong bata ako hanggang ngayon pero syempre dahil may pamilya pa rin siya umuuwi siya sa mga ganitong pagkakataon kaya naiiwan ako. Madalas ay kina Ram ako nagpapasko at nagbabagong taon. Minsan nahihiya na rin ako but tito Ramil insisted na magtungo ako doon kapag wala sila mommy at daddy.

"Love, kailan ba uuwi ang parents mo?" tanong ni Keisha na nagpabalik sa katauhan ko.

"Hm... Sabi ni dad sa graduation na lang daw sila uuwi," sagot ko.

"Talaga?"

"They told me they'll try."

"Paano kung hindi sila makauwi sa graduation mo?" tanong ulit niya.

"I don't know. I can't say I'll be mad pero hindi naman na yata pwede 'yon, but if they have valid reason I think I'll let it pass over again," napangiwi ako.

"You are very understanding, love, masuwerte ako sayo," nakangiti niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya.

"But I almost lost my friend because of having you," bulong ko.

"Anong sabi mo, love? Hindi kita narinig," kunot-noo siyang tumingin sa akin kaya ngumiti na lang ako at umiling.

I love Keisha pero alam ko na gusto pa rin siya ni Jairus. I love her but I love my friends too. Hindi ko talaga inasahan na mahuhulog ako kay Kei habang inilalakad ko si Jairus sa kanya. Kahit sinabi na sa akin ni Jairus na naiintindihan niya ako at ang nararamdaman ko para kay Kei, may takot pa rin ako na baka may sama ng loob sa akin ang kaibigan ko.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon