Chapter 60

109 30 2
                                    

Ram's POV

Why are you doing this to me, Mia?

Napabuntong-hininga ako matapos kong matanaw ang kotseng sumusunod sa akin. Sigurado akong si Mia iyon dahil wala naman ng ibang aaligid sa akin bukod sa kanya. I don't understand her. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. I already told her to stay away from me. I told her to leave me alone pero hindi ako pinakikinggan. What the hell is your purpose, Mia? Are you playing with me? Bakit kung kailan siya ang pinakagusto kong iwasan ay lalo naman siyang lumalapit sa akin? Bakit noong nasa probinsya ay ipinaintindi niya sa akin na hindi siya si Venice tapos ngayong alam ko ng hindi nga siya si Venice ay saka siya lumalapit sa akin? Please don't make it hard for me.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumungo ako sa lugar na madalas naming puntahan noon. Back in those days na lagi akong excited gumising at palipasin ang araw dahil gustong-gusto ko ng simulan ang misyon ko. Back in those days na umaasa pa akong makikita kong muli si Venice. Lahat ng iyon masakit ng alalahanin para sa akin ngayon. Lahat ng pag-asang meron ako noon ay nagdudulot na lang ng kirot sa puso ko ngayon. When I met Mia at the province, she gave me hope but now, nadudurog ako sa tuwing nakikita ko siya dahil alam kong kailanman ay hindi siya magiging si Venice. Dahil wala na si Venice at kailanman ay hindi ko na siya makikita pang muli.

"Please, Mia, don't make it hard for me. Maglaho ka na lang sa buhay ko dahil nahihirapan ako sa tuwing nakikita kita," I mumbled as I parked my car.

Alam kong huminto rin siya pero hindi ko siya nilingon. Pumasok na lang ako sa bar saka ako naupo sa dating pwesto namin. Halos walang nagbago sa Robin's Garden. Maganda pa rin ito at ibang-iba sa mga karaniwan na bars. Kilala pa rin ako ng mga waiter kaya hindi ko na kailangan pang um-order dahil alam na nila kung ano ang gusto ko.

"Thank you," wika ko ng ilapag ng isa sa mga waiters nila ang beer sa lamesa.

Tahimik lang ako habang umiinom pero ramdam kong may nakatingin sa akin. Hindi ko na kailangan pang lingunin siya dahil alam kong si Mia iyon. Napabuntong-hininga na lang ako saka ko kinalikot ang cellphone ko. Sa totoo lang ay walang nangyari sa pagpunta ko sa park dahil tanging title lang ng bagong libro ko ang naisulat ko. Muli akong tumungga sa baso saka ako sumandal sa upuan at ipinikit ko ang aking mga mata. I don't regret going to America and searching for Venice pero hindi ko rin maitatanggi na hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin because everything that I've been dreaming of just came into nothing. Lahat-lahat ng bagay na naging dahilan ng paggising ko noon ay siyang dahilan kung bakit parusa ang paggising ko sa araw-araw ngayon.

Alam ko sa sarili ko na imposible nang maibalik ko pa ang dating ako dahil durog na durog ang puso ko. Hindi ko alam kung darating pa ba yung araw na muli akong magiging masaya. Lalo na't yung taong gustong-gusto kong kalimutan ay siyang sunod ng sunod sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong plano niya at kung bakit niya ito ginagawa? Kung bakit bigla na lang—

~My song is love,
Love to the loveless shown,
And it goes on,
You don't have to be alone~

What the hell is that?

~Your heavy heart,
Is made of stone,
And it's so hard to see clearly,
You don't have to be on your own,
You don't have to be on your own~

~And I'm not gonna take it back,
And I'm not gonna say I don't mean that,
You're the target that I'm aiming at,
And I'll get that message home~

Natigilan ako at dahan-dahang napalingon sa harapan kung nasaan ang stage. Mia. Hindi ko alam kung bakit siya ang pumasok sa isip ko matapos kong marinig ang kantang ito.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon