Chapter 21

233 107 0
                                    

Mia's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa bahay dahil sabi ni Ram ay tanghali siya pupunta ngayon. Napagod siguro sila kahapon dahil para silang mga batang naghahabulan doon sa Kasabsabungan kahapon. Masayang-masaya sila na dinala ko sila roon. Mabuti na lang at naisip kong magtanong kay lolo Isko kung anong lugar ang magandang puntahan tapos sinabi niya sa lupain daw ni Indigo.

Nakakatuwa silang panoorin kahapon. Pati si Kian ay nakipaghabulan din.

"Mia, sorry medyo late ako," napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses niya.

"Ayos lang, hindi naman ako nabagot," sagot ko.

"But it's not nice making a beautiful girl like you wait for a man like me,"

Napapailing naman akong ngumiti sa kanya. Mukhang nahawa na yata siya kay Iyen sa pagiging ingliserong makata niya.

"Hindi naman pwedeng mga lalaki na lang lagi ang maghihintay para sa mga babae dahil nagmumukha namang mang-iiwan ang mga babae 'pag gan'on," biro ko.

"That's the sense of waiting, Mia, dahil kapag walang umalis, walang maghihintay. Kung walang nangakong babalik, walang aasa at maghihintay," nakangiti siya pero alam ko na sarili niya ang tinutukoy niya.

"Pero hindi naman kailangan na maghintay habang buhay dahil hindi lahat ng umaalis ay bumabalik," makahulugang sambit ko.

Ngumiti lang naman siya at hindi na sumagot. Alam ko na kahit anong sabihin ko sa ngayon ay hindi niya pa magagawang makalimot at bumitaw. Syempre hindi naman kasi 'yon madali. Sa totoo lang, siguradong mami-miss ko siya at ang pagsasama namin kapag umalis na sila.

Pero syempre, wala namang permanente sa mundo kaya kahit na gusto mong manatili ang isang bagay o isang tao, hindi pwede. Kahit nga ang alaala ay maaring mawala. Kaya hangga't maari ay gusto kong alagaan at ingatan ang bawat alaala na nasa utak ko at sa puso ko dahil alam ko na ito lang ang maiiwan sa akin kapag nawala na ang lahat.

"Bakit bigla kang natahimik diyan?" napalingon ako sa kanya ng magsalita siya.

Nakangiti naman akong umiling. "Wala naman, tara na?"

"Saan tayo ngayon, kamahalan?"

"Hindi mo talaga ititigil ang pagtawag mo sa akin ng kamahalan 'no?" nakangiwing sabi ko.

"Ititigil ko lang 'yon kapag natapos na ang isang linggo at nabigay ko na sayo yung last command mo," sagot niya.

Napailing na lang ulit ako. Ala-una pa lang nang hapon pero hindi na gaanong mainit ang sinag ng araw dahil malapit nang mag-november. Inilagay ko sa likuran ang mga kamay ko at sinabayan siya sa paglalakad.

"Magkwentuhan muna tayo kasi wala akong maisip na pwede nating puntahan," sabi ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.

"Ano bang gusto mong pagkwentuhan?" tanong niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya.

"Ikaw, kahit anong gusto mong ikwento, pakikinggan ko," nakangiting saad ko, napaisip naman siya.

Napatitig naman ako sa kanya. Natitigan ko naman na dati ang mukha niya pero ang gwapo pa rin ng dating niya sa akin. Nakasuot siya ng simpleng black shirt na medyo malaki sa kanya saka cream na pants na maraming bulsa. Nakaslippers lang din siya pero mukha pa rin siyang prinsepe o celebrity.

"Wala naman na yata akong makukwento sayo kasi nasabi ko na ata sayo lahat ng pwede kong ikwento," napapakamot pa siya sa batok niya habang sinasabi yun.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon