Chapter 56

98 29 0
                                    

Ram's POV

"Do you want to eat first bago tayo umuwi, Ashren?" my brother asked me the moment we got off the plane.

"I just wanna rest for now because I have an event to go tonight," sagot ko.

"Okay. Anyway, where's mimi and paps?" tanong niya ulit habang nagpapalinga-linga.

"There they are," tinatamad na turo ko nang makita ko sina mimi at paps.

Sabay kaming naglakad palapit sa kanila. Agad napangiti sina mimi nang makita nila kaming dalawa ni kuya.

"Ashton! Ashren!" maluha-luhang sigaw ni mimi sabay yakap sa amin.

"We missed you so much mga anak," si paps naman ang yumakap sa amin.

"Na-miss din po namin kayo," sagot ni kuya.

"Kumain na ba kayo? Are you hungry?" tanong naman ni mimi.

"No, I'm not hungry," walang emosyong sagot ko.

Sandali namang natigilan silang tatlo bago muling nagsalita si paps. "Kung ganoon umuwi na tayo para makapagpahinga na kayong dalawa dahil siguradong napagod kayo sa biyahe," sabi ni paps.

Nauna akong naglakad patungo sa kotse. Ipinikit ko ang mga mata ko nang makaupo ako. I'm so tired. I can still remember how excited I am the moment I left the Philippines to find Venice but everything was for nothing. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hanggang ngayon ay nadudurog pa rin ang puso ko. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho pero sa tuwing pipikit ako ay malinaw kong nakikita ang pangalan ni Venice sa lapida.

This world is so cruel, Venice. Kinuha ka niya sa akin without giving me the chance to be with you or even just to say goodbye.

Agad kong pinahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Kahit anong pilit ko ay hindi mawala-wala yung sakit. Kahit ilang beses kong saktan ang sarili ko para maging manhid na lang wala pa ring epekto. Hindi na yata mawawala yung sakit hanggang sa mamatay din ako. At mas lalo akong nasasaktan dahil hindi man lang ako nagawang sabihan nina tita Violet tungkol sa nangyari. Mas lalo akong nasasaktan dahil napakaramot ng mundo. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala na ang babaeng minamahal ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay inilihim talaga nila sa akin ang mga nangyari sa babaeng mahal ko. Alam nila kung gaano ko kamahal si Venice pero binalewala nila iyon. They're so selfish! Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. Pero hindi nga naman nila responsibilidad na sabihin sa akin.

"Ashren, are you alright?" dinig kong tanong ni mimi.

"I'll never be alright again, mimi. The only thing that could keep me away from pain is when I fall asleep," mapait ang ngiting usal ko. "And if possible I would choose to sleep forever because I couldn't endure the pain anymore—"

"Anak, don't say that. Sinasaktan mo na ako," malungkot na ani mimi.

"I'm sorry," usal ko na lang.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mimi pero hindi na siya nagsalita pa hanggang makarating kami sa bahay. Nang maipark ni paps ang sasakyan ay kinuha ko na ang mga gamit ko saka ako dumeretso sa kwarto. Nagpahinga lang ako saglit bago ako naligo at nahiga sa kama. Tumitig ako sa kisame pero naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga bagay na gustong-gusto ko ng kalimutan. Damn it! Sa ilang taon kong pamamalagi sa America ay umikot lang sa trabaho at pag-aaral ang buhay ko. Kung pwede lang na doon na lang ako sa America ay hindi na ako babalik pa dito sa Pilipinas dahil maalala ko lang lalo si Venice. Kaso naging sikat ang librong isinulat ko kaya kinailangan kong bumalik. Nag-aral at nagpaturo din ako kay kuya tungkol sa kumpanya at sa pamamalakad nito. Wala pa rin akong planong makialam sa company ni paps because that's for kuya but I planned to build my own company. Iyon na lang siguro ang pagtutuunan ko ng pansin para makalimot sa sakit kahit na saglit lang.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon