Mia's POV
Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang mga bituwin sa kalangitan. Paulit-ulit kong pine-play sa isipan ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Ram kanina.
"Mahal niya ako," maluha-luha at nakangiting usal ko.
"Lolo, naririnig niyo po ba ako? Masayang-masaya po ako ngayon dahil mahal na mahal daw ako ng lalaking pinakamamahal ko," puno ng saya ang puso ko ngayon.
"Hindi bilang si Venice, kundi bilang ako mismo."
Kahit na ilang oras na ang lumilipas mula ng makauwi ako bahay, nakaligo na ako't ano ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Parang kahapon lang ay nalulungkot ako dahil akala ko ay hindi siya um-attend sa wedding reception kaya hindi ko siya nakita pero pumunta pala siya.
Hindi nga lang kami nagkita. Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa mga bituwin na pinupuno ang kalangitan.
Madaling araw na nang makaramdam ako ng antok kaya pumasok na ako sa bahay at nahiga sa kama. Nakangiti pa rin ako hanggang sa ipikit ko ang mga mata ko. Maging sa panaginip ay dinalaw ako ng maganda at masarap na pakiramdam.
~~~
Paggising ko kinaumagahan ay nakangiti na naman akong muli. Hindi kasi maiwasan dahil nag-uumapaw pa rin ang sayang nararamdaman ko. Tumatalon pa rin sa tuwa ang puso ko.
Ring! Ring!
"Hello?"
"Good morning," bungad ni Ram a kabilang linya, napangiti naman ako lalo.
"Good morning din," bati ko.
"Kakagising mo lang?"
"Oo eh, late na kasi akong nakatulog kagabi,"
"Susunduin kita within a while, magbihis ka na," aniya pa.
"May sarili naman akong sasakyan eh," sagot ko.
"Baka nakakalimutan mong ako ang naghatid sa iyo pauwi kahapon kaya nasa school pa yung kotse ko," natawa na lang ako dahil nakalimutan ko nga iyon.
"Oo na, sige. Maghahanda na ako tapos ay hihintayin kita, bye,"
"I love you, Mia."
"Mahal din kita, Ram."
"Bye, see you."
Matapos kong ibaba ang linya ay dumeretso na ako sa banyo at naligo. Matapos maligo ay pinili ko ang pinakamagandang damit na meron ako saka ko hinintay na dumating siya. Nang marinig ko ang busina ng kotse ni Ram mula sa labas ay nakangiti akong lumabas at sinarang mabuti ang bahay.
"Naghintay ka ba ng matagal?" bungad niya pagbaba sa kotse para pagbuksan ako ng pinto.
"Mm. Hindi naman," tugon ko.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang nagsusuot ng seatbelt, napalingon naman ako sa kanya.
"May pasok ako,"
"Don't worry ipinagpaalam na kita at pumayag sila,"
"Talaga?"
"Mm. Don't forget, Jayden is my friend," natawa na lang ako dahil sa asta niya.
"Baka naman magselos sa akin yung mga co-teacher ko dahil sa ginagawa mo?" natatawang usal ko.
"Hayaan mo, magpapaliwanag ako sa kanila para hindi sila magselos sayo," nakangiting aniya saka sinimulang paandarin ang kotse.
"Ano namang sasabihin mo sa kanila?"
"Sasabihin ko sa kanila na hindi sila dapat magselos dahil ikaw ang future wife ko at sila naman ay workmate mo lang," sabay kaming natawa dahil sa sagot niya.
"Sira."
Masaya kaming pareho habang nasa biyahe. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya. Nang makarating kami sa park ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ganoon kahigpit ngunit hindi rin ganoon kaluwag. Tila ba ipinararamdam niya sa akin na kailanman ay hinding-hindi niya ako sasaktan.
Naisip ko noon na baka hindi na kami muling magkita pa ngunit dinala ako ng tadhana dito sa Maynila. Nagkaroon ako ng pag-asang muli siyang makita at nangyari nga iyon. Kaso nga lang ibang-iba na siya sa Ram na nakilala ko noon. Kasing lamig siya ng yelo at walang makitang ekspresyon sa mukha niya bukod sa malungkot niyang mga mata. Halos mawalan na ako ng pag-asa ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Kahit walang kasiguraduhan ay sumugal akong subukang muling buksan ang puso niya. Hindi man naging madali ang proseso ngunit nagtagumpay ako. Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko dahil ngayon ay tinatamasa ko ang magandang kinalabasan nito. Ngayon ay hawak ko ang kamay ng lalaking unang nagpatibok sa puso ko. Ang lalaking unang minahal ko at habang-buhay kong mamahalin.
Gaya kahapon ay buong araw kaming nagsaya at namasyal kung saan. Bawat minuto ay pinupuno namin ng masasayang alaala. Alam naming pareho na ang relasyon naming ito at hindi magiging palaging masaya ngunit batid din namin na gagawin namin ang lahat upang panatilihin itong matatag.
"Mia, napagod ka na ba?" tumabi siya sa akin ng maupo ako sa tabi ng lawa.
"Kanina pa tayo naglalakad pero ayaw mo namang sabihin sa akin kung saan ba tayo pupunta," nakangusong ani ko.
"Dapat sinabi mo sa akin na pagod ka na para binuhat sana kita," nakangiting sabi niya, napangiti din ako.
"Mas gusto kong maglakad kasama ka," sabi ko naman.
"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ako ang kasama mo sa paglalakad,"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero sa halip na sumagot at inalalayan niya akong tumayo.
"Ibig kong sabihin hindi sa lahat ng pagkakataon ay ako ang kasama mong maglalakad," aniya saka dahan-dahang lumuhod, nanlalaki naman ang mga mata kong napatakip sa bibig ko. "...dahil sa kasal natin ay kakailanganin kitang hintayin sa altar at si Kennedy ang kasabay mong maglalakad patungo sa akin," habang sinasabi niya iyon ay inilabas niya ang isang kulay pulang kahon na naglalaman ng isang napakagandang singsing.
"Ram..." hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko ng sunod-sunod ang naging pagtulo ng mga ito.
"Mia Jeign Lazaro, will you marry me?" tanong niya habang maluha-luhang nakatingin sa mga mata ko.
Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko. "Yes, Ram, I will marry you," matapos n'on ay isinuot niya sa akin ang singsing at ibinigay ang pinakamahigpit na puno ng pagmamahal na yakap niya.
"I love you so much, Mia,"
"Mahal na mahal din kita, Ram,"
Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko ngunit nakangiti ako. Masayang-masaya ang puso ko dahil sa singsing na nasa daliri ko. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay hindi ko na nanaisin pang gumising mula sa panaginip ko.
•••
Please don't forget to Vote, Comment and Follow.
Thank you for reading my story.
[MisterYoos_06]
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomansaAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...