Ram's POV
Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa kama ko pero hindi ko magawang makatulog. Simula nung ihatid ko si Mia sa bahay nila ay dumeretso na ako dito sa kwarto at hindi lumabas. Nalasing naman sina Maki at Yahen pati na sina Jayden at Iyen kaya agad din silang nakatulog.
Nakatitig lang ako sa kisame. Dahan-dahan kong inangat yung kamay ko papunta sa labi ko.
I kissed her.
Pero bakit sa halip na si Venice ay si Mia ngayon ang naaalala ko?
My heart is telling me she's Venice but my eyes saw her as Mia...
I sighed and close my eyes trying to sleep pero ayaw talaga makisama ng antok sa akin!
Kaya bumangon na lang ako at kinuha yung laptop ko. Mabuti na lang at hindi nilobat nina Iyen at Yahen kanina. Binuksan ko iyon at tinitigan ko yung mukha ni Venice na nakatago sa files ko. Ito lang ang nag-iisang picture na nasa laptop ko. This was taken the day before they flew to America.
"Venice... Mia... are you really the same person?" tanong ko sa litrato na para bang sasagot ito.
Hinawakan ko yung tapat ng puso ko at..
Tug! Dug! Tug! Dug!
Normal naman ang tibok nito ngayon.
Samantalang kanina pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso dahil sa bilis ng pintig nito habang hinahalikan ko si Mia.
I never expected myself to kiss her pero mas hindi ko in-expect na hahalikan niya din ako pabalik..
That time I said to myself that she was Venice..
But my heart was against me now.
This is crazy!
Bakit ngayon nagdududa na ang puso ko?
Hindi na buo ang paniniwala nito na si Venice at Mia ay iisa.
Dahil sa halik na iyon.
"Arrrggg!" ginulo-gulo ko buhok ko saka ko isinara yung laptop ko at tumayo.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita kong nakabukas yung ikaw kaya sigurado ako na may gising doon sa apat. Doon kasi natulog si kuya Miro kina Ken eh. Masyado ng lasing para makauwi at iuwi nitong mga lasing din.
Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa may ilog. Nakita ko naman si Maki na nakaupo malapit doon kaya nilapitan ko siya.
"Makz, bakit gising ka pa?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Nilingon naman niya ako.
"Nakatulog ako kanina kaso bigla akong nagising at hindi na ako makatulog," sagot niya habang nakatingin sa tubig.
Naupo ko sa tabi niya.
"Gan'on ba?" usal ko. Tumango naman siya.
"Ikaw, bakit gising ka pa?" tanong naman niya sa akin.
Ewan bakit ako kinabahan ng magtanong siya.
"Huh? A-Ah... w-wala lang, h-hindi din kasi ako m-makatulog eh,"
Shit! Ba't ako nauutal!?
"You don't have to lie, Rameigh," aniya. Napalunok naman ako.
"I-I'm not lying, Makz," palusot ko pero ngumisi lang siya.
"Not lying huh?" nanghuhuli pang aniya.
"H-Hindi nga!" tanggi ko.
"I followed you and Mia when I saw you both leave..." natigilan ako dahil sa sinabi ni Maki.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...