Chapter 22

219 95 2
                                    

Ram's POV

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko kahit na kakagising ko lang. Para na akong baliw na bumubungisngis dito habang papunta sa banyo. Paano ba naman kasi ako hindi matatawa eh naalala ko yung nangyari sa amin ni Mia kagabi.

Bakit ba naman kasi ako nakatulog doon sa tabi ng ilog?

Napapailing na lang ako habang nakangiting naliligo. Hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti dahil sa sobrang pamumula ni Mia kagabi. Nahiya talaga siguro siya, pero at least nginitian niya ako bago siya pumasok sa bahay nila.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako. Bahagya pa akong napangiwi dahil masakit pa rin 'yong nangawit na braso kong hinigaan niya kagabi. Gaya ng dati ay ibinulsa ko na naman yung kwintas saka ko kinuha yung phone ko, sakto namang tumunog ito dahil may tumatawag kaya agad kong nasagot.

"Hello?" dinig kong sambit ng nasa kabilang linya.

"..."

Kunot-noong tiningnan ko kung sino yung tumatawag dahil pamilyar sa akin yung boses niya.

"Ren, are you there?" tanong niya ulit ng itapat ko sa tenga ko ang telepono.

"Rein? Bakit ka napatawag?" takang tanong ko.

"Why? Can't I call my baby brother?" pang-aasar niya pa.

"I'm not baby anymore, kuya," apila ko.

"But you're still mimi's and paps' baby, so you're my baby too,"

"Ayst, stop being cheesy, kuya Ashton," puna ko sa kanya.

"Fine, fine. Naglalambing lang eh. Anyway bro, I'm going back home to Manila, as in tonight. Can you pick me up at the airport?" tanong niya.

"Eh!? Sorry, kuya, I'm not in Manila. I'm in the province with my friends," sagot ko.

"Oh, it's okay. I'll just ask Mikey to pick me up. Also wanna catch up with him,"

"Okay, take care. Pabalik na rin naman kami ng Manila in three days, so I'll see you soon, Rein?"

"I'll be waiting, Ren."

"Hmm. Bye, kuya," paalam ko.

"Bye, bro,"

Matapos n'on ay ibinulsa ko na rin ang telepono ko. Nabanggit ko naman sa inyo na may kuya ako, 'di ba?

He's Ashton Rein Domingez. He's 25 years old and he's been staying in Korea for some business related matters na hindi ako interesado kung ano. Bestfriend niya si kuya Miro na kapatid ni Maki. Close rin siya sa mga kaibigan ko kahit hindi siya madalas sa Pilipinas dahil bukod sa ibang bansa siya nag-aral ay may bahay din siya doon.

Pagbaba ko ay naabutan kong nagluluto pa lang si Yahen. Naliligo pa raw yung tatlo kaya naupo na lang muna ako sa sala. Napangiti na naman ako ng maalala ko yung tagpo naming dalawa ni Mia kagabi. At first nagulat ako ng makita kong nakayakap siya sa akin and I hate myself for waking her up but I would hate myself more if she gets sick kapag in-enjoy ko ang scene na 'yon.

"Are you planning to kill someone? Why are you grinning like that? Grinning like a lunatic. It looks idiotic," dinig kong sabi ni Maki kaya nilingon ko siya.

Tinasan ko siya ng kilay. "I don't care, Makz. Can't help it," saka ako natawa.

Binigyan naman niya ako ng tingin na 'you're-crazy-Ram' habang umiiling at napapa-tsk-tsk. Napapailing na lang akong natawa dahil sa ugali ng kaibigan ko.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon