Ram's POV
I was awoken by a painful headache. Sabi na e, pagsisisihan ko ang paglalasing. Bakit kasi kailangan sumakit ang ulo kapag may hangover? Napahawak ako sa ulo ko dahil sa parang pumipindig na sakit nito. Pakiramdam ko din ay masusuka ako at kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang pagkahilo.
Knock! Knock!
I heard someone knocked on my door but I am so sleepy to respond. Ang sakit ng ulo ko.
Knock! Knock!
"It's open," inis na usal ko ng muling may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
I heard my door opened but followed by another silence. I was so lazy to open my eyes rather that to talk. I let that someone stay in silence because I'm not interested in anything because of this stupid headache.
"Ren," kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.
"Hmm?" I moaned.
"Why are you naked?" I didn't answer his question because I don't think it was for me. "Ashren, why are you sleeping without putting some clothes on?" I forcefully opened my eyes nang ulitin niya ang tanong at banggitin ang pangalan ko.
"Who's naked?" I asked still sleepy.
"You," turo niya sa akin kaya napatingin ako sa katawan ko.
"SHIAA!!" halos hindi ako magkanda-ugaga sa paghablot ng kumot para takpan ang katawan ko nang mapagtanto ko na wala akong suot na kahit ano!
"I remember telling you last night to take a shower before sleeping but I do not remember telling you to sleep naked," aniya pa.
"Arrgg!! I don't even remember that I took a shower, kuya," napapakamot ng ulong tugon ko.
"Be thankful that I'm the one who entered your room and not mimi," sambit pa ni kuya.
"Hayst! Am I that drunk last night?" that was supposed to be a question for myself pero si kuya ang sumagot.
"By the scenario I've just witnessed? The answer is yes, baby brother,"
"Just forget it, kuya. Anyway, why did you come to my room this early?" tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.
"Early? It's already nine o'clock baby brother, I'm just here to tell you that breakfast is ready," napabaling ako sa orasang nasa side table ko at gaya ng sabi ni kuya Ton Ton, alas-nuebe na nga.
"Okay, susunod na lang ako sa baba, kuya. I'll just take a bath," sagot ko.
"Okay..." aniya saka lumabas na ng kwarto ko.
Tatayo na sana ako sa kama ng biglang bumukas ulit ang pinto ko at sumilip si kuya.
"What else?"
"Don't forget to put some clothes on," biro niya na ikinasimangot ko.
"Kuya!"
"Hahaha. My apologies, baby brother!"
"Iwasan mo ang pag-i-english, pilipino ka! Tss!" inis na ani ko pero tumatawa lang niyang muling isinara ang pinto ko.
Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwede kong malimutan dahil sa kalasingan eh yung magsuot pa ng damit?
Ang naalala ko lang ay pumasok ako sa kwarto tapos mainit.
Umiling-iling na lang ako at tinatamad na bumangon mula sa kama saka ako dumeretso sa banyo para maligo. Matapos kong gawin ang morning routine ko ay nagsuot na lang ako ng simpleng white shirt at black sweatpants saka ako bumaba para sumalo sa pagkain. Pagbaba ko ay nakahanda na lahat sa lamesa at hinihintay na lang akong bumaba.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...