Chapter 33

142 51 3
                                    

Ram's POV

Christmas day has come at abala kami sa paghahanda ng mga pagkain ngayon. Nandito na rin sina Maki, Yahen, Jayden, Iyen, Tito Raf at Keisha, yung girlfriend ni Yahen. May pinuntahan naman sina kuya Miro at kuya Ton Ton kaya maya-maya pa sila uuwi. Inimbita ko rin si Keigne dahil nga mag-isa lang siya sa condo at ayoko namang malungkot siya kaya pinakiusapan ko si kuya Ton. Noong una ay hindi siya sumang-ayon pero dahil pinilit-pilit ko siya ay napapayag din siya sa huli. Naiintindihan ko rin naman kasi yung concern ng kapatid ko. Kinausap ko na lang din si Keinge na sana ay isantabi muna nila kung anong meron dahil pasko naman at gusto rin siyang makilala ng mga magulang ko.

Kararating lang din ni Misty kasama ang isang kaibigan niya. Alas-tres pa lang nang hapon pero abala na kaming lahat para sa gaganaping selebrasyon mamayang alas-siyete hanggang alas-dose ng gabi. Ganito naman kami lagi eh. Dito sa bahay nagpupunta ang mga kaibigan ko at sina tito Raf para makisalo dahil mas marami, mas masaya. Business partners din kasi sina paps at tito Raf, childhood friends din sila nina mimi kaya close talaga sila sa amin.

"Ram, t-thank you for inviting me here despite of what happened," nakangiting ani Keigne.

"Ano ka ba? No need to thank me, kaysa naman magpasko kang mag-isa sa condo mo," tugon ko.

"Still thanks to you, pero ayos lang ba kay Rein na nandito ako?" bigla siyang nalungkot.

"Kinausap ko na siya at ayos lang sa kanya kaya don't worrying, okay? Set aside muna natin lahat dahil pasko," sambit ko, tumango naman siya.

"Ashren!" napalingon ako sa gilid ko nang tawagin ako ni Misty.

"Hi, Misty!" nakangiting bati ko.

"Oh? Who's this cutie?" nakangiting tanong niya habang nakatingin kay Keigne.

"Ah... he's Keigne Park, kaibigan ko— Keigne, this is Misty, Maki's twin sister," pakilala ko sa dalawa.

"Hi, cutie guy. Nice to meet you," nakangiting inilahad ni Misty ang kamay niya sa harapan ni Keigne.

"Me too," nahihiyang inabot ni Keigne ang kamay niya.

"You look so handsome."

"Ha?"

"Hmm?"

"Maiwan ko muna kayo riyan ah. I'll just have to check the drinks para mapalamig ko na," nakangising paalam ko sa kanila.

"Ram—"

"Go on, Ashren. Take your time." kindat pa ni Misty, napailing na lang ako.

Pumasok ako sa bahay at tumungo sa kusina para inspeksyunin ang mga inumin. Nang makita kong ayos na lahat ay isa-isa ko nang inilagay sa loob ng styrofoam box na may lamang ice para palamigin. Nang matapos ko ang ginagawa ko ay lumabas na ulit ako para asikasuhin naman ang ibang bagay.

Nakita kong nag-sasalansan ng mga halamang pangdisenyo sina Keisha at Mimi kaya lumapit ako sa kanila para tumulong.

"Oh, tapos mo na ba yung mga pinagagawa ko sayo, anak?" tanong ni mimi habang kinukuha ko ang buhat niya.

"All done, 'mi..." sagot ko. "Hi, Kei, ayos ka lang ba riyan?" baling ko kay Keisha.

"Yeah, tinutulungan naman ako ni Kris eh, umalis lang siya saglit para kumuha nang iba pang halaman," sagot niya.

"Okays, I'll help you na rin," saad ko saka siya tinulungan.

Sa may bakuran namin gaganapin ang party slash celebration dahil maluwang naman doon. Si mimi ang nakaisip na maglagay ng mga halamang may bulaklak sa paligid dahil maganda raw tingnan. May tig-isang mahabang lamesa sa magkabilang gilid para sa lagayan ng mga pagkain mamaya. May inilagay rin na mini-stage sa harapan at mga speakers. May anim na table na good for six people na maayos ding nakahilera.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon