Chapter Five

567 281 76
                                    

Mia's POV

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi talaga ako makatulog. May kung anong bumabagabag sa akin. Hindi maalis sa isipan ko si Ram at yung kakaibang tibok ng puso ko noong makita ko siya kanina.

Sino ba siya? Tumagilid ako sa kama saka ginawang unan ang isang braso ko.

Bakit paniwalang-paniwala siya na ako si Venice? Muli akong tumagilid sa kabilang gilid.

Sino nga kaya talaga si Venice sa buhay niya? Huminga ako ng malalim at saka tumihaya.

Totoo kayang magkamukha kami ni Venice? Tumitig ako sa bubungan naming kugon.

Pero paano nangyari 'yon? May mga nabasa na akong libro tungkol sa mga taong magkakamukha at kung ano pang may kinalaman doon dati.

Bakit kaninang tinawag niya ako sa pangalang iyon ay may kung anong saya sa dibdib ko? Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang bawat pindig mula dito.

Nakaramdam ako ng saya na nay halong lungkot kaninang yakapin niya ako. Kahit kaninang umaga ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nang makita ko siya ay sa kanya ako tumakbo kahit pa hindi ko siya kilala. Naisip ko na magiging ligtas ako sa kanya. Nang saluhin niya ako, pakiramdam ko ay walang panganib sa paligid ko.

Nakakahiya talaga yung ginawa ko kanina! Napatakip ako sa mukha ko saka muling pumaling patagilid.

Ano bang nangyayari sayo Mia!?

Bumuntong-hininga ako at muling tumagilid ng higa. Mabuti na lang ay medyo malayo sa akin sina lolo at kuya kung hindi nagising na sila sa kalikutan ko. Hinawakan ko ang puso ko at normal naman ang tibok nito ngayon pero kapag nakikita ko si Ram ay biglang nagiging kakaiba ang pakiramdam ko.

Kanina nang yakapin niya ako, ang normal na reaksyon dapat ay itulak siya pero iba ang naramdaman ko.

Pinaghalong saya at lungkot.

Pakiramdam ko ay nami-miss ko siya.

Pero bakit ko naman siya mami-miss eh ngayon ko lang naman siya nakita at isa pa sa Maynila siya nakatira?

Isang beses pa lamang naman ako nakakarating sa Maynila at sigurado naman ako na hindi ko pa siya nakikilala doon. Hindi rin naman kasi ako nakalabas noon dahil sa kondisyon ko.

Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong malalim na ang gabi dahil mga kuliglig na lamang ang naririnig ko bukod sa mahinang hilik ni lolo Isko.

Dahil hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok ay dahan-dahan akong bumangon para hindi magising sila lolo at kuya saka ako lumabas. Napatingin ako doon sa puno na inuupuan namin ni Ram kanina at inalala yung mga sinabi niya sa akin.

"Sino si Venice?"

"She's my childhood love and so-called my destiny,"

"Kung gan'on espesyal pala siya sayo,"

"Oo,"

"Pero bakit mo ako tinawag sa pangalan niya? Magkamukha ba kami o naaalala mo siya sa akin? May bagay ba sa akin na nakapagpapaalala sayo tungkol sa kanya?"

"Mia, paano kung sabihin kong naniniwala ako na ikaw at si Venice ay iisa?"

"Ram, ako si Mia Jeign Lazaro at iyon lang ang nag-iisang pangalan ko. Kung ano man ang nakikita mo sa akin na nakita mo din noon kay Venice, maaring nagkataon lang iyon at walang kinalaman sa aming dalawa,"

"Iyon din ang gusto kong sabihin sa sarili ko pero puso ko mismo ang nagsasabi sa akin na iisa lang kayo,"

"Pero Ram, magkaibang tao kami at iyon ang totoo. Ano man ang sinasabi ng puso, hindi ibigsabihin n'on ay iyon na ang totoo,"

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon