Mia's POV
(After 3 years...)
"Mj, what are we doing here?" kunot-noong tanong ni Yaster dahil dinala ko siya sa isang bookstore.
"Bibili tayo ng libro. Kasi may book akong nabasa from one of my students na talagang nagustuhan ko. Gusto kong mabasa ng buo yung story," nakangiting sagot ko.
"What kind of book is that?" kunot-noong tanong niya ulit.
"Ahm... it's a love story that reminds me of someone," wala sa sarili akong napangiti matapos kong maalala ang isang tao.
"Tss! And who is that someone, anyway?" nakangiwing tanong niya na naman.
"Someone who taught me that true love can wait," nakangiting sagot ko.
"Ugh! Corny. Fine, kung hindi lang kita mahal hindi talaga kita sasamahan pero dapat ako na ang someone na 'yan next time," binulong niya ang iba pero dinig na dinig ko pa rin.
It's been five years since I met this guy. First time niya noon dito sa Pilipinas. Mabait siya at masayang kasama. Mas bata siya sa akin ng isang taon and he keeps on telling me that he likes me pero hinahayaan ko na lang dahil mukha naman siyang hindi seryoso. Marami na ring nanliligaw sa akin pero wala naman akong magustuhan sa kanila dahil nasa iisang tao pa rin ang puso ko. Here you go again, Mia. Ito namang si Yaster ilang beses sinabing manliligaw pero hindi naman niya ginagawa and I'm happy kasi mas mapapahalagahan namin ang meron kami ngayon.
Na-love at first sight daw siya sa akin. Loko 'di ba? Pero at least noong makilala ko siya nakakatawa at nakakangiti na rin ako. Tinulungan niya akong makalimot kahit papaano. Nakalimot ka nga ba, Mia? Nainis ako dahil sa sarili kong tanong. Simula kasi noong umalis si Ashton para pumunta rin sa America, naramdaman ko ulit yung lungkot dahil parang kuya ko na din si Ashton. Nalungkot talaga ako nung malaman kong umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin kaya si Yaster na lang ang lagi kong nakakasama. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit biglaan ang naging pag-alis ni Ashton pero sigurado ako that it has something to do with... Ram. Tatlong taon na simula ng matapos ako sa kurso kong Education at nakakapagturo na rin ako. Kasama ko ring nagtuturo si Yaster dahil music major siya. Maraming estudyante ang nagkakagusto sa kanya dahil talagang gwapo siya at sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang taga-ibang bansa dahil sa appearance niya. Sabagay, taga-ibang bansa naman talaga siya dahil may lahi siyang amerikano at sa America siya lumaki. Masasabi kong may mga achievements na rin ako sa buhay dahil may sarili na din akong bahay kahit pa hindi sang-ayon si kuya Ken na bumukod ako noong una. Iba pa rin kasi kapag may sariling bahay.
"Ano bang title nung book na 'yon, Mj?" tanong niya habang abala sa pagsipat sa mga libro.
"Our Written Love Story by X," sagot ko.
"Ano ba 'yan, ang corny naman nung title," bulong niya pero dinig ko pa rin.
"Anong corny ka diyan! Ang ganda nga eh," depensa ko.
"Whatever!" napapailing na lang ako dahil para talaga siyang bata sa tuwing magkasama kami. "Oh? Here! I found it!" itinaas niya ang isang kamay na nay hawak na librong kulay violet at may mga bulaklak ang cover, napangiti ako.
"Yiehh! thanks, Yaster!" pasasalamat ko.
"I prefer I love you than thanks," may diin pang biro niya kaya pinalo ko siya sa braso.
"Sira," natatawang sabi ko.
Matapos kong bayaran ang libro ay namasyal kami sa isang mall hindi para mag-shopping kundi para maglaro. Isa ito sa naging impluwensya ng City sa akin. Games and movies. Kapag free time ay nanonood kami ni Yaster o ni kuya Ken ng sine. Pero kadalasan ay si Yaster talaga ang kasama ko dahil bukod sa iisa ang paaralang pinagtatrabahuan namin ay abala rin si kuya sa pagtulong kay kuya Miro sa kumpanya nina Ashton dahil sa kanila iyon iniwan pansamantala.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomansaAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...