Ram's POV
Maaga akong bumangon dahil ngayon ang araw ng graduation namin. Ilang araw din akong nagpupuyat dahil nagsusulat ako. Inayos ko muna ang laptop ko at ang mga piraso ng papel na nakakalat sa kama ko bago ako nagtungo sa banyo. Mga ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng makapatanggap ako ng tawag mula sa hindi ko kilalang tao na siyang bumabagabag sa akin at nagpapagulo ng isip ko hanggang ngayon, kaya upang mawaglit ang aking mga isipin ay sinimulan ko na lang na isulat ang kwento ni Indigo na ipinangako ko kay Mia noong nasa probinsya pa kami.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin at gaya ng dati ay napangiti ako dahil ang gwapo ko talagang nilalang. Matapos kong pagsawaang tignan ang gwapo kong mukha ay naligo na ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto at bumaba para kumain. Nadatnan kong nakabihis na rin ang pamilya ko at naghahain na ng pagkain sa table si mimi kaya dumeretso na ako sa pwesto ko at bumati sa kanila.
"Good morning, mimi! paps! kuya!" nakangiting bati ko.
"Morning, baby brother," tugon ni kuya.
"Magandang umaga, binata ko," bati naman ni paps.
"Good morning, anak," bati pa ni mimi saka naupo na rin matapos ihanda ang pagkain.
Napansin ko nakangiti sina mimi at paps at halatang hindi nila maitago ang saya. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti dahil alam ko na proud na proud sa akin ang mga magulang ko. Alam kong masaya sila para sa akin. Masya rin ako dahil sa wakas ay magagawa ko na rin na suklian ang lahat ng sakripisyo nila para sa akin. Nag-uumapaw din ang tuwa na nababasa ko sa mga mata nila at ikinagagalak ko iyon.
"We're so happy for you, baby brother," turan ni kuya Ton habang kumakain kami.
"And you should stop calling me baby brother from now on dahil ga-graduate na ako, kuya Ton Ton," reklamo ko pa pero nakangiti pa rin ako.
"Anak, anong plano mo pagkatapos ng graduation mo?" tanong naman ni mimi habang nakangiti pa rin.
Huminto naman ako sa pagkain at huminga ng malalim saka tumingin ng deretso sa kanila.
"I already told you my plan five years ago mimi, paps. I'm going to America and search for Venice," sagot ko na ikinatahimik naman nila.
"You think you'll be able to find her there, baby bro?" tanong naman ni kuya sa akin.
"I can't be sure that I could find her but everything's worth a try, hindi ba, kuya?" nakangiti ko sagot na ikitango naman ng kapatid ko.
"I just hope that you'll be strong in every obstacle you may face. Life is short and time is gold, Ashren. Never let pain stop your world from spinning," makahulugang pangaral niya, napangiti na lang ako at hindi na nagsalita.
Matapos naming kumain ay pinauna ko na sila sa school dahil nagtext sa akin yung apat na mokong at gusto raw nila na sabay-sabay kaming pumunta sa school at isa pa kailangan ko ring daanan pa si Keigne dahil sasama siya sa amin para masaksihan ang pagtatapos namin. Sa ilang buwan na pamamalagi ni Keigne dito ay naging malapit na rin siya sa amin lalo na nang maging okay na sila ni kuya. Nasabi rin ni Via na sasabay na siya kay Misty at kuya Miro kaya hindi ko na siya kailangang sunduin pa.
Habang naghihintay sa pagdating ng mga kaibigan ko ay napatingin ako sa wrist ko at napagtanto na hindi ko pa pala suot ang relo ko kaya tumayo ako at naglakad ulit paakyat at papasok sa kwarto ko. Nakita ko namang nakapatong lang pala sa laptop ko yung relo ko kaya agad ko na iyong kinuha at isinuot. Napatingin naman ako sa mga papel na nakatupi at nakapatong din sa lamesa ko. Mga papel 'yon na pinagsulatan ko ng characters at kung ano-ano pang may kinalaman sa nobelang isinusulat ko.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...