Chapter Fourteen

272 141 12
                                    

Mia's POV

Ilang araw ko ng nakakasama si Kian.

Ilang araw ko na ring iniiwasan si Ram.

Medyo mahirap kasi medyo napalapit na rin sa akin si Ram pero kailangan talaga. Kailangan ko na siyang iwasan hangga't kaya ko pa. Hangga't hindi pa ako tuluyang nahuhulog sa kanya. Dahil masasaktan lang ako.

Ngayon kasama ko na naman si Kian.

Nandito kami sa ilalim ng puno ng mangga at nagpapahinga. Kanina pa kasi kami naglalakad.

"Do you miss him?" tanong ni Kian kaya napayuko ako.

"Medyo, pero gaya nga ng sabi mo kailangan ko siyang kalimutan dahil masasaktan lang ako," napapabuntong hiningang sagot ko.

"I didn't ask you to forget him, Mia," aniya pa. "What I ask is for you to avoid your feelings him para hindi ka tuluyang mahulog at masaktan lang," paliwanag niya.

"Hmm... sabi nga ni lolo Isko lagi niya akong pinupuntahan sa bahay," ani ko.

"Kilala ko si Rameigh, hindi ka niya titigilan kaya medyo mahihirapan kang iwasan siya kapag wala ang tulong ko," wika niya pa.

"Hindi pa naman ako hulog na hulog eh, kaya pang pigilan," sagot ko.

"Good. May alam ka bang lugar na pwede nating puntahan-yung tayo lang?" napatingin ako kay Kian.

"Pero hindi ka pa kumakain ng umagahan at tanghalian dahil pinuntahan mo agad ako," nag-aalalang sabi ko.

Baka kasi magkasakit na siya. Ilang araw na rin niya akong pinupuntahan ng maaga at hinahatid ng gabi para hindi ako makausap ni Ram..

Minsan hindi na siya kumakain katulad ngayon.

"That's alright. I have something to tell you," nakangiting usal niya at 'yon...

Namangha na naman ako sa mga ngiti niya.

Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to lalo na kapag nakangiti?

Siguro dahil bihira niyang ipakita yung ngiti niyang iyan..

"Sige, tara! May alam akong lugar na tayo lang..." sabi ko saka tumayo.

Tumayo rin siya saka kami sabay na naglakad.

Dinala ko siya sa dating playground pero hindi na nagagamit ngayon kaya sira-sira na yung iba.

"Parang haunted naman dito," sabi niya habang napapalinga-linga.

"Bakit? Takot ka ba sa mga multo?" natatawang tanong ko.

"Hindi," tipid na sagot niya.

"Doon tayo," turo ko sa bukas na pinto ng dating basement.

Medyo mainit kasi kaya kailangan namin ng silungan. Sumunod naman siya sa akin papunta doon.

Pagpasok namin ay naupo kami sa upuan. Magkaharap kami ngayon.

"Sigurado kang walang multo dito?" tanong niya na naman.

Natatawa naman akong tumingin sa kanya..

"Sigurado ka bang hindi ka takot sa multo?" natatawang tanong ko.

"Hindi nga!" tanggi niya.

"Hindi daw," pang-aasar ko pa.

"I'm telling you the truth," mahinahon ng sabi niya kaya tumango-tango na lang ako.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon