Ram's POV
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil excited akong makasama si Mia ngayong araw. Pagbangon na pagbangon ko sa kama ay dumeretso na ako sa banyo at naligo. Matapos magpalit ay bumaba na ako at tumingin sa relo na suot ko.
7:05 am pa lang kaya tulog pa yung iba at si Yahen pa lang ang nadatnan ko sa kusina habang abala sa pagluluto ng—you got it right— hotdogs!
"Hey! Aga mong nagising ah?" Nakangiti siyang humarap sa akin.
"Maaga naman talaga akong nagigising eh," nakangiting sambit ko.
"Alright, hindi ka na ba kakain?" tanong niya ng akmang pipihit na ako patungo sa pinto.
"Hindi na, busog pa naman ako," sagot ko.
"Busog o excited?"
"Hahaha. Bye, Kris!"
"Mm."
Matapos kong magpaalam kay Yahen ay lumabas na ako. Sinalubong naman ako ng hangin. Talagang nakaka-relax ang hangin dito sa probinsya. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong dumating kami dito. Tapos ngayon, one week na lang ay aalis na kami. Parang nakakalungkot na iwan ang lugar na 'to. Nakakalungkot ang iwan siya kung sakaling malaman kong mali ako pagkatapos ng isang linggo.
Ano ba, Ram, man up!
Napapabuntong-hininga na lang ako ng mga isipin ko pero hindi dapat muna ako magpaapekto. Sa ngayon ay may pitong araw pa ako para hindi magsisi sa huli. I need to get things right. Maki and Yahen are right. I need to be fair. Kaya kailangan hindi ako magkamali.
Nakangiti akong naglakad patungo sa bahay nila Mia. Nakasalubong ko naman si lolo Isko na kalalabas lang ng bahay.
"Magandang umaga po, lolo Isko," masiglang bati ko sa kanya.
Napangiti naman siya at bumati din sa akin. "Naimbag nga bigat met, balong," (magandang umaga din binata)
Sa maikling panahon na pamamalagi namin dito ay may mga naiintindihan na kaming mga salitang ilokano. Kaso nakakatawa talaga yung accent namin kapag sinusubukan namin itong banggitin. Lalo na ako dahil mas sanay ako sa salitang bisaya kaysa iloko.
"Pwede ko po bang ilabas si Mia?" tanong ko.
"Aba'y pwede kung nais niya, basta't iingatan mo ang apo ko," napangiti naman ako ng malawak habang tumatango. "Oh siya sige at kailangan ko pang dalawin ang aking bukid dahil mag-uumpisa na ang pag-aararo ngayong linggo, mauna na ako balong," paalam ni lolo.
"Sige po, lolo,"
Sa November pala nag-uumpisa ang taniman dito ng palay at mais kaya last week ng October sila nag-aararo. Modern na ang gamit ng iba pero karamihan dito ay kalabaw pa rin ang pinang-aararo nila.
Agad akong kumatok ng matapat ako sa pinto nina Mia. Nakangiti naman niya akong pinagbuksan. Nakabihis na siya ngayon. Nakasuot siya ng blue na bestida na umaabot hanggang sa tuhod niya, manipis yung manggas at may laso sa bandang tiyan. Simpleng sandalyas lang din ang suot niya sa paa pero ang lakas ng dating. Madalas namang bestida ang suot niya pero ang ganda niya pa ring tingnan kahit na simple siya kung manamit. Pareho sila si Venice na kahit anong isuot ay babagay sa kanila.
Hey, Ram! No comparison, okay?
Nakatali ng buo ang mahaba niyang buhok at nakasuot din siya ng hikaw. Napangiti na lang ako dahil mukhang pinaghandaan niya rin ang araw na 'to.
"So, saan tayo pupunta ngayon?" tanong niya habang nakangiti.
"Basta. Sumama ka na lang sa akin para makita mo," nakangiti ring sagot ko.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...