Ram's POV
"Ram, bakit ba nakatitig ka na lang diyan kay Mia?" Pabulong na tanong ni Yahen.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Venice. Napakaganda niya pa rin. Malaki man ang ipinagbago niya, nakikilala pa rin siya ng puso ko. Hindi ako maaring magkamali. She's here, standing in front of me.
"Ram, you're making Mia uncomfortable," naramdaman kong hinawakan ni Yahen ang braso ko kaya nilingon ko siya pero agad ko ring ibinalik kay Venice.
"M-Mia? Who's Mia?" kunot-noo, naguguluhan kong tanong ng hindi man lang inaalis ang titig kay Venice.
Ipinaliwanag sa akin ni Ken kung sino ang babaeng kaharap ko kaya naman medyo nahiya ako. Pero kahit anong sinabi niya sa akin. Kahit anong hiya ang nararamdaman ko. Mas nangingibabaw ang saya at pagkamangha sa damdamin ko. Wala akong ibang nakikita kundi si Venice lang.
"Ah! Hindi mo nga pala alam na Mia ang pangalan ko? Pasensya na kung nakalimutan kong nagpakilala sayo," nakangiting ani Venice.
Huminga ako ng malalim saka paulina lumunok. Kumalma na din ako at ngayon ay nakakaramdam na ako ng hiya dahil sa inasal ko kanina. Lahat sila ay nakangitin sa akin at puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha. Pati si Ken ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin habang nagpapaliwanag.
"Hindi ka siguro niya nakilala kasi ayon sa kwento mo kanina ay puno ng putik ang mukha mo ng tumalon ka sa kanya. Dapat kasi ay hindi ka tumatalon kung kani-kanino," ani Ken.
"Kuya naman e!" napapahiyang reklamo naman ni Venice.
"H-Hindi ikaw si Venice? Kung gan'on..." napapalunok na tanong ko.
"Hindi, ako si Mia Jeign Lazaro—teka, sino ba si Venice? Bakit mo naman naisip na ako siya?" balik tanong niya sa akin. Hindi ko naman agad nagawang magsalita.
Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko ay sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Paanong hindi siya si Venice gayong magkamukhang-magkamukha sila!? Napahawak ako sa ulo ko dahil parang sasabog na ito sa gulo ng iniisip ko. Ang dami kong tanong pero wala akong maisawika kahit isa.
"Mga apo, kain na tayo," dinig kong aya ni lolo Isko.
"Tara, kain na. Pwede nating pag-usapan ang mga bagay-bagay mamaya." nakangiting sabi ni Veni—Mia.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil kamukhang-kamukha niya talaga si Venice. Lahat ng parte ng mukha ay si Venice ang nakikita ko. Maliban na lang sa ayos niya, lahat na, kahit anong anggulo ay si Venice ang nakikita ko.
Ano ba talagang nangyayari?
Wala sa sarili akong sumunod sa kanila at naupo. Isda at gulay ang ulam na inihanda ni lolo Isko. Mukha namang masarap dahil mabango yung gulay pero ngayon lang ako nakakita ng ganyang luto. Sabi ni lolo Isko ay diningdeng na ampalaya daw yan pero hindi naman mapait.
Nagkukwentuhan sila habang kumakain pero pakiramdam ko ay lumulutang ang utak ko at tanging si Mia lang ang nakikita ko. Ayokong maniwala na hindi siya si Venice. Dahil sinasabi ng puso ko na ang babaeng minamahal ko at ang taong nasa harap ko ngayon ay iisa lang. Maaring nakalimot lang siya at may magagawa pa ako para makaalala siya. Kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Venice at kung bakit Mia ang ipinapakilala niyang pangalan sa akin.
Pero paano kung mali ako? Paano kung ganito lang ang nararamdaman ko dahil gustong-gusto ko na siyang makita?
Nakaramdam ako ng panlulumo dahil sa sariling naisip. Nahahati sa dalawa ang isip at puso ko, gan'on na din ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung alin dito ang tama at dapat kong sundin.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomantizmAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...