Ram's POV
Ilang araw nang hindi ko nakikita si kuya Ton Ton dito sa bahay. Noong una nga akala ko ay bumalik na naman siya ng Korea o kaya America. Mabuti na lang at nasabi sa akin ni Maki na doon sa kanila nag-s-stay ang kapatid ko.
Bakit kaya?
Katatapos lang ng final rehearsal namin para sa Christmas presentation dahil sa isang araw na 'yon gaganapin kaya rest day na namin bukas. Nakaupo ako nga dito sa bleacher habang hinihintay ko yung apat na hindi ko alam kung saan pumunta.
Puno na nang dekorasyon ang paligid ng SB University kaya nakakatuwa na itong tignan. May isang malaking Christmas tree na nakatayo sa pinakagitna ng unibersidad na puno rin ng iba't ibang dekorasyon. Hindi ko alam kung saan ba nagpunta yung mga kaibigan ko dahil hindi naman sila nagpaalam sa akin kaya nang makaramdam ako ng gutom ay nagtext na lang ako kay Yahen na mauuna na akong kumain.
Pagkatapos ay tumayo na ako at lumabas ng University papuntang parking lot para kunin yung kotse ko. Sa isang mall na ako kumain dahil hindi ako sanay mag-isa kaya mas okay kung sa mall na lang. Matapos kumain ay tiningnan ko ang telepono ko pero wala pa ring reply o text mula sa mga kaibigan ko kaya nagpasiya akong maglibot-libot na lang muna.
Habang naglilibot ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako sa banyo para umihi. Papalabas na ako nang biglang may bumangga sa akin!
"Oww! Mianheyo," usal niya.
Korean?
"Nah, it's okay," nginitian ko siya.
Matapos n'on ay lumabas na ako. Bumili ako ng pasalubong para kina mimi at paps saka kay kuya pagkatapos ay nagtungo na ako sa parking lot. Malapit na ako sa kotse nang bigla akong mapahinto dahil may tatlong lalaking humarang sa akin. Nakasuot sila ng takip sa mukha at tanging kilay at mata lang ang nakikita sa kanila.
"Hold-up 'to!" the other guy declared.
"..."
"Ibigay mo sa amin lahat ng gamit at pera mo," para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang tutukan ako ng kutsilyo nung pinakamatangkad.
"Wallet mo saka yung relo mo amina!" sigaw pa nung isa kaya lalo akong kinabahan.
"Huwag kang sisigaw bata kung ayaw mong gripohan kita," banta pa nung nasa likuran ko.
Napalunok ako habang nakataas ang dalawang kamay ko. Bakit 'pag sa pelikula hindi naman nakakatakot?
"O-Okay. Take whatever you want," kinakabahang usal ko pero nang akma nang lalapit sa akin yung may hawak na kutsilyo bigla na lang natumba yung nasa magkabilang gilid ko.
Gulat namang napatingin yung pinakamatangkad sa likuran ko. Nagulat na lang ako ng may tumulak sa akin paiwas sa kutsilyong iniamba nung holdaper. Parang kisap-mata lang ay nakabulagta na rin siya sa sahig. Wala na ngayong malay yung tatlong holdaper.
What the hell did just happened?
"Get up," bahagya pa akong nagulat nang may maglahad ng kamay sa harapan ko.
Dahan-dahan ko siyang tinignan saka ko inabot yung kamay niya. I know him. He's that guy from earlier, yung nakabangga ko sa banyo.
"Neo, gwaenchanayo?" tanong niya saka niya inabot yung mga gamit na nalaglag ko.
"A-Ayos lang ako, thank you," usal ko saka ko kinuha yung mga gamit.
"You should learn how to protect yourself, maybe some other day no one's gonna be there to save you," sambit niya pa kaya tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...