Chapter 52

93 28 0
                                    

Ram's POV

Isang taon na ang lumilipas simula nang magtungo ako dito sa America at wala akong sinayang na oras sa paghahanap kay Venice. Matagal na akong naghihintay at handa naman akong maghintay kahit gaano pa katagal gaya ng pangako ko sa kanya pero hindi pwedeng basta maghintay lang ako. Kahit pa paulit-ulit sinasabi sa akin ni Mr. Elwood na hayaan sila sa trabaho nila ay ipinipilit ko pa rin ang pagsama sa tuwing may malalaman silang bagong impormasyon patungkol sa kinaroroonan ni Venice ngayon. Kahit pa kakaunti pa lang ang natutuklasan namin ay napakalaking pag-asa na niyon para sa akin dahil alam kong hindi magtatagal ay magkikita na kaming muli.

Sa loob ng isang taon na pamamalagi ko dito sa America ay medyo nakabisa ko ang bawat lugar. Nakatulong din iyon para sa akin at sa paghahanap ko kay Venice. May mga clue na kami at malaking tulong iyon. Napag-alaman ko ding nasa Pilipinas na nga sina tita Violet ngunit hindi nila kasama si Venice dahil hindi naman siya nakita doon nang mga tauhang ipinadala ni Vince Elwood. Nalaman ko din na bumalik na sila sa dati nilang bahay.

Isa pang achievement na maituturing ko ay ang pagkakapili sa nobelang isinusulat ko upang ipublish sa isang publishing house dito sa America na nakaugnay din sa Pilipinas kaya kahit nakasulat ito sa wikang tagalog at ingles ay ayos lang. Isa sa pangarap ko talaga noon ay ang magsulat at ma-publish ito at ngayon ay magkakatotoo na nga dahil sa oras na matapos ko ito ay ipadadala ko na via email at pagkatapos ay ipapublish na nila.

Ring! Ring!

Napalingon ako sa paanan ko nang tumunog ang telepono ko. Nandito ako ngayon sa sala dahil wala namang nasabi sa akin si Vince na pupuntahan about kay Venice kaya wala akong magawa at nagsusulat lang. Naging libangan ko na din ang pagsusulat at tuwing gabi ay nakakawentuhan ko si Esang though wala naman akong nakukuhang response sa kanya bukod sa tango, iling at pagngiti niya. Nakakatuwa siyang bata.

"Hello, Vince?" bungad ko sa telepono.

"Ashren, we found a perfect lead of Venice's whereabouts," pakiramdam ko ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba matapos marinig iyon.

"Are you sure?" napatayo at napapalunok na tanong ko.

"Yeah, a hundred percent sure. I just found it out earlier when I was talking to a friend. I accidentally dropped the picture you gave me and she asked me who it was and I told her everything. Sabi niya she knows someone who could tell us kung nasaan na ngayon si Venice dahil kilala niya yung taong kakilala umano ni Venice," mahabang litanya niya.

"K-Kung ganoon ay puntahan na natin siya. I wanted to see Venice, I wanted to talk to her," hindi ko maitago ang excitement ko habang nagsasalita, napatingin tuloy sa akin sina Manang Soleng, Trixie at Esang na naglilinis ngayon dito sa sala.

"We'll go there bukas na bukas din. I'm sure na matatapos na ang paghahanap mo tomorrow and I'm happy for you, Ram. I hope that you get to say what you wanna tell her. Finally, you'll see your girl," I can sense na nakangiti rin si Vince ngayon.

"Yeah, after twelve years, I can finally see her again. I wonder what she'd say pero hindi iyon ang mahalaga ngayon, what's important is I'm going to see her again!" I exclaimed. "Teka, bakit bukas pa kung pwede namang ngayon na?" kunot-noong tanong ko.

"Well, we got an urgent meeting at hindi kita masasamahan kaya bukas na lang so I can be with you and witness the reunion of you and that lucky girl," biro niya, natawa naman ako ng bahagya.

"Okay, I'm so excited, Vince," tila ba puso ko ang nagsalita para sa akin.

"Yeah, Yeah. I know, okay. I'll hung up now. See you tomorrow, Ram," aniya.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon