Chapter One

1.8K 378 359
                                    

Ram's POV

"Hello?" papasakay pa lang ako sa kotse ko nung biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hoy! Nasaan ka na?" tanong ng kaibigan kong si Iyen sa kabilang linya.

"I'm on my way, just wait and don't rush me, okay?" sagot ko sabay sara ng pinto ng sasakyan.

"Fine! Fine! We'll be waiting for you on the parking area, bye,"

"Bye!" ibinato ko sa katabing upuan yung telepono ko.

Hindi ko alam kung bakit pinagmamadali niya akong pumasok samantalang ngayon lang naman siya naunang nagising sa akin. Nagmaneho na lang ako ng tahimik hanggang sa makarating ako sa University na pinapasukan namin. Malapit lang ang South Beige University o mas kilala sa tawag na SB University sa bahay. Mga twenty minutes drive lang kaya madali rin akong nakarating.

"RAM!!" tawag ni Iyen sa akin pagkababa ko ng kotse. Patakbo siyang lumapit sa akin at umakbay.

"What?" tanong ko.

"It's friday, finally! Sa lunes na mag-uumpisa ang one month semester vacation natin!" excited na sabi niya.

"Hey, popcorn! Baka naman pwede mong hinaan yang boses mo, Ram is just an inches away from you," sita naman ni Maki sa kanya.

Kasunod naman niya ang dalawa pa naming kaibigan na sina Yahen at Jayden. Nakapamulsa si Yahen habang si Jayden naman ay may hawak na libro.

"Hey, Ram—"

"Wazup, Ram!" sabay nilang bati sa akin.

"Hey!" bati ko rin.

"Hoy! Makinig naman kayo sa akin!" parang batang reklamo ni Iyen habang nakanguso pa.

Kahit kailan talaga may pagka-isip-bata ang isang 'to. Napapailing na lang ako dahil sa ugali ng kaibigan ko.

"Makinig man kami o hindi, maririnig at maririnig ka namin dahil sa lakas ng boses mo," sambit ni Maki na lalong ikinanguso ni Iyen.

"Hey, guys, stop that," saway ni Yahen sa dalawa. "We can talk about the vacation after class pero sa ngayon kailangan na nating pumasok dahil baka mapagalitan pa tayo," dagdag pa ni Yahen.

"Fine."

"Tss!"

"Let's go," aya ni Jayden sabay hila kay Maki na nang-aasar pa rin ang tingin kay Iyen.

Sabay-sabay kaming naglakad papasok ng University. Some girls are looking at us as we passed them. Hindi na namin pinansin dahil araw-araw naman nangyayari 'yon. Naglakad na lang kami ng deretso hanggang sa classroom namin.

Pagpasok namin ay sumunod na ring nagsipasukan yung iba naming classmates kaya umingay na naman yung paligid. Habang wala pa yung prof. namin, let me introduce myself and my friends...

I am Ashren Rameigh Domingez. People often call me Ash, Rameigh or most commonly, Ram. I'm 20 years old and fourth year college. Journalism ang kursong kinuha ko dahil nga mahilig akong magsulat. I love writing poems and novels.

Business Management ang gusto ni paps na kunin ko pero wala talaga sa utak ko ang pagpapatakbo ng negosyo namin. Meron naman yung kuya ko kaya siya na ang bahala doon. Isa pa, kung sakali mang mag-shift ako ng Business Management, mas gugustuhin ko na lang na magtayo ng sarili kong kumpanya with the help of my brother.

I have four special friends and all of them were my classmates. Hindi naman sa nagsusunuran kami sa isa't isa pero sadyang iisa lang ang gusto namin at iisa lang din ang balak namin. We don't consider ourselves as best friends because we prefer being special friends. We treat each other like brothers.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon