Ram's POV
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising dahil sobrang sakit ng ulo ko. This is what I hate about drinking. Napipilitan akong bumangon at nagtungo sa banyo. Nakapikit kong hinubad ang mga damit ko saka ako dumeretso sa shower at hinayaang bumuhos sa katawan ko ang malamig na tubig mula dito.
Tiningala ko ang tubig kaya malaya itong bumabagsak sa mukha ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko kaya dumilat na ako. Bumungad sa akin ang puting pader ng banyo. Nagsimula na akong maligo at pagkatapos ay lumabas na ako at nagpalit.
Paalis na sana ako sa loob ng kwarto ng mahagip ng paningin ko ang isang papel na nakapatong sa side table. Kinuha ko iyon at inilagay sa bulsa ng bag ko. Doon ay nakapa ko ang cellphone ko na ngayon ko na lang ulit bubuksan.
Ting!
Ting!
Ting!
Ting!
20 unread messages
Sunod-sunod na nagpop-up ang mga message notification ko. Si mimi, si paps, si Misty at isang unknown number.
Una kong binasa yung kay mimi dahil siya naman yung may pinakamarami. 10 unread ba naman mula sa kanya.
From: Mimiqoeh
Ren, anak... kamusta kayo riyan sa probinsya?
From: Mimiqoeh
Anak, kumain ka na ba? Huwag papalipas ng gutom ha?
From: Mimiqoeh
Anak, bakit hindi ka nagrereply? Tinamad k na naman ba magpaload ha?
Natatawa na lang ako sa mga text ni mimi. Minsan kasi talaga ay tinatamad ako magload kasi wala naman akong tinatawagan o tinetext. Binasa ko na lang ulit yung iba pang message ni mimi.
From: Mimiqoeh
Ren, kalimutan mo muna lahat ng problema mo habang nandiyan ka. Enjoy your vacation, okay?
From: Mimiqoeh
Anak, text back ka naman diyan, baka naman sa sobrang enjoyment nakalimutan mo na ang mimi mo.
From: Mimiqoeh
I love you anak... Happy birthday
Napangiti na lang ulit ako dahil paulit-ulit na I love you anak na yung ibang text ni mimi. Sunod ko namang binasa yung mga text ni paps.
From: Paps
Anak, tawagan mo raw ang mimi mo dahil ako ang kinukulit, sabi ko sa kanya hintayin na lang ang balik mo pero ayaw niya talaga. Kahit pa sabihin ko na baka naghahanap ka lang ng chix diyan, hinahampas-hampas lang ako. Tawagan mo siya anak para hindi ma-murder ang paps mo, ayos?
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
Roman d'amourAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...