Chapter Nineteen

234 119 2
                                    

Ram's POV

Pagkatapos naming magpunta sa puno na super weird na nga ang itsura sobrang weird pa ng pangalan ay kumain kami sa isang restaurant na nadaanan namin. Napansin ko na tahimik lang si Mia habang kumakain.

Tinitigan ko siya habang kumakain kami. Nakalugay ang buhok niya ngayon. Kahit ano yatang ayos ang gawin niya ay maganda at babagay pa rin sa kanya. Maganda kasi siya.

Mahaba ang pilikmata niya at mapupula rin ang mga labi niya. Kung sa Maynila ko lang siya nakita baka napagkakamalan ko na siyang koreyana. Pero kahit pa sabihin na sa probinsya siya nakatira ay makinis at maputi ang balat niya. Malambot din ang mga palad niya.

"Baka naman matunaw ako sa kakatitig mo diyan?" biro niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Masyado ka kasing tahimik eh," palusot ko.

"Wala naman akong maisip sabihin kaya hindi ako nagsasalita," sagot niya.

"Okay," maikling usal ko.

Matapos naming kumain ay napagpasiyahan na naming bumalik. Halos tumakas na naman sa katawan ko ang kalukuwa ko nang maalala ko kung saan ang daan pabalik.

Shit naman! Ayoko ng dumaan pa sa tulay na 'yon!! Bata pa lang kasi ako ay takot na takot na ako sa nga hanging bridge. Pakiramdam ko kasi ay bigla na lang iyong babagsak sa tubig habang naglalalakad ako.

"Oh, bakit napapalunok ka na naman diyan?" natatawang tanong ni Mia habang pabalik kami sa tulay.

"K-Kasi naman..." hindi ko magawang ituloy yung sasabihin ko kasi baka pumiyok ako sa kaba.

"Huwag kang mag-alala, hindi na tayo d'on dadaan pabalik," natatawa pa ring usal niya.

"But you said earlier that it's the only way here," usal ko.

"Oo nga pero pwede naman tayong dumaan sa iba dahil sa ilog naman tayo pupunta," sagot niya.

"Sinabi mo lang ba 'yon para mapatawid ako?" kunot-noong tanong ko.

Bahagya naman siyang natawa.

"Hindi ah, 'yon lang talaga ang nag-iisang daan papunta sa murong pero kapag sa ilog tayo pupunta mula dito ay may iba nang daan," paliwanag niya pa. "Saka hindi na kita pwedeng pabalikin dahil nakaalis ka na at nagawa mo ng lagpasan ang takot mo, kaya sa iba na tayo dadaan," dagdag niya pa.

"That's good. Ayoko na rin kasi ulit dumaan doon dahil para akong hinihila pababa," usal ko habang tinatahak namin ang direksyon taliwas sa tulay.

"Bakit ba kasi takot na takot ka sa mga hanging bridge?" takang tanong niya.

"Paano mo ba nalaman na takot ako?" balik tanong ko din.

"Sinabi ni Kian,"

"Teka—pinagkukwentuhan niyo ba ako?" kunot-noong tanong ko.

"Hindi naman, minsan lang, bakit nga?" tanong niya pa.

"Ewan ko rin, ang alam ko hindi naman ako takot dati pero isang araw paggising ko takot na ako. Hindi lang ako sa hanging bridge takot kundi sa lahat ng uri ng tulay na kailangan kong daanan ng naglalakad, pero 'pag nakasakay naman ako sa sasakyan ayos lang naman ako." mahabang paliwanag ko.

Mas malapit ang nilakad namin ngayon papunta sa ilog kesa kaninang papunta kami sa murong. Tahimik lang din kaming naglalakad. Hindi na gaanong mainit dahil alas-kwatro na ng hapon. May mangilan-ilan din kaming nakakasalubong na tao at bumabati sila sa amin.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon