Ram's POV
"Ano ba kasing plano mo, Makz? Sabihin mo na sa amin," kanina ko pa kinukulit si Maki para sabihin sa akin kung ano ang ipagagawa niya kay Iyen.
Alam kong interesado rin ang mga kaibigan ko na malaman iyon pero wala lang silang lakas ng loob magtanong dahil alam nilang makakakuha lang sila ng iisang sagot.
"It's a secret, Rameigh, mamaya ko na lang sasabihin," sagot ni Maki na abala sa pagsusulat nang kung ano.
Nandito na kaming tatlo ngayon sa room namin dahil maaga kaming pumasok kasi nga final exam na namin. Sinundo ni Kris si Iyen dahil iyon naman madalas ang ginagawa niya. Kanina ko napapansin na tahimik si Jayden. Noon pa naman siya tahimik pero parang doble ang pagiging tahimik niya ngayon.
Gotta find out Maki's command first.
Masyadong napaaga ang pasok namin kaya wala kaming magawa kundi maupo lang at hintayin 'yong dalawa. Ilang oras lang ay dumating na rin yung dalawa kaya gaya ng dati ay nalingawngaw na naman ang..
"RAM!!" sigaw si Iyen saka patakbong lumapit sa akin.
Ewan ko bakit laging pangalan ko ang naiisip niyang isigaw tuwing darating siya?
"Lower your voice popcorn," saway naman ni Maki sa kanya saka isinara yung notebook.
"Talo na ako sa deal natin kaya mag-iingay ako hangga't gusto ko!" parang batang ngiwi ni Iyen.
"Okay, I'll tell you my command this afternoon before we go home and make sure to start doing it after our final exam," nakangising sambit ni Maki.
"Tss, eh 'di pahirapan mo lang ako wala akong pakialam. Basta itutuon ko muna ang atensyon ko para makapasa sa exam," determinadong sagot ni Iyen.
"Kahit naman hindi ka magseryoso ay papasa ka pa rin dahil matalino ka Iyen," nakangiting sabi ni Yahen.
"Oh! Jayden bakit hindi ka na naman nagsasalita diyan?" baling ni Iyen kay Jayden na halatang nagulat pa dahil sa lalim ng iniisip.
Napakamot naman siya sa patilya niya habang awkward na nakangiti.
"Wala naman akong sasabihin eh," sagot nito.
"Sige na, balik na tayo sa mga pwesto natin dahil baka dumating na si sir Eyo, ayokong mapagalitan," paalala ni Yahen kaya nagsibalikan na kami sa mga upuan namin.
Gaya nga nang sabi ni Yahen, ilang saglit lang ay pumasok na si sir Eyo sa loob ng room at ibinigay sa amin ang exam sheets namin. Literature ang exam namin ngayon at isa ito sa mga subject na masasabi kong hindi mahirap pero hindi rin naman madali. Si Jayden ang may pinakagusto nito pero nang lingunin ko siya ay napansin kong hindi siya makapag-concentrate sa pagsagot. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari sa kanya dahil parang tuliro siya.
May problema kaya ang isang ito? I focused on my paper as I observed my friend.
Inabot siya ng isang oras bago niya tuluyang natapos ang pagsagot. Nang makapagpasa siya ay bumalik din siya sa upuan niya at huminga nang malalim. Mukha siyang kabado, hindi ko alam kung dahil ba sa exam o may iba pang dahilan. Napansin ko rin na parang kanina pa alerto sa paligid niya na para bang may aatake sa kanya anomang oras.
I have to find it out. Bahagya kong iniusog ang upuan ko palapit sa kanya.
"Jayden," tawag ko sa pangalan niya.
"..."
"Jairus?" tawag ko ulit pero wala pa rin akong nakuhang sagot.
"..."
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
Roman d'amourAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...