Chapter Seven

460 244 55
                                    

Mia's POV

Gaya nga ng sinabi ni Ram ay araw-araw niya akong pinupuntahan sa bahay tuwing hapon para kwentuhan. Lagi ko naman siyang dinadala sa mini garden na pinagawa daw ni papa noon para kay mama. Tinotoo niya talagang ikinuwento niya sa akin bawat detalye ng naging samahan nila ni Venice.

Mga paborito niya.

Mga kinatatakutan niya.

Mga ayaw niya.

Pati mga gestures ni Venice nakwento na niya sa akin.

Siguro nga totoo yung sabi nila na kapag mahal na mahal mo talaga ang isang tao ay malalaman mo lahat ng bagay tungkol sa kanya.

Kapag nagkukwento si Ram ay parang masayang-masaya siya sa pag-alala sa nakaraan nila ni Venice. Sayang nga lang at nagwakas sa malungkot ang kwento nila.

Isa din sa dahilan kung bakit hindi ako tumatanggi kapag nag-aaya siya ay dahil doon sa sinabi sa akin ni Kian noong unang beses ko silang makilala.

Bakit naman kaya nasabi niya na hindi na babalik si Venice? Nagtataka pa rin talaga ako dahil parang siguradong-sigurado siya na hindi na babalik yung tao.

Bakit kaya gusto niyang ipamukha ko kay Ram na hindi ako si Venice? Hindi ko talaga maintindihan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong ko na iyon.

Nakaka-enjoy din makinig sa kwento ni Ram kaya okay lang sa akin na kahit parang serye na ang kwento niya sa sobrang haba. May isa lang talaga na bumabagabag sa akin tuwing magkasama kami.

Parang nakakaramdam ako ng lungkot at sakit sa dibdib ko.

Parang may guilt sa puso ko na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling.

May kung ano sa akin na laging gustong humingi ng tawad kay Ram, pero syempre hindi ko ginagawa kasi baka mamaya ay lalo niyang isipin na ako si Venice.

Halos isang linggo na ring paulit-ulit lang kaming nagpupunta dito sa garden tapos makikinig lang ako sa kwento niya.

September 25 noong una kaming pumunta dito at iyon din ang unang beses na narinig ko kung paano nagsimula sina Ram at Venice. October 4 na ngayon at birthday na ni kuya Ken sa susunod na araw. Tapos babalik na siya sa Maynila pagkatapos. Sina Kian ang laging nakakasama ni kuya dahil kasama ko si Ram. Sabi niya tinuturuan niya daw mamingwit yung apat.

"Ilang taon ka ulit noong una mong makilala si Venice?" tanong ko matapos niyang magkwento.

"Eight, six naman siya noon," sagot niya.

Magkasing-edad lang pala kami ni Venice. Kakatwa lang talaga na magkamukha kami tapos nagkasing-edad pa kami. Maging ang kaarawan namin ay iisa rin. Kung ako si Ram, mag-iisip din talaga ako.

"Sabi mo sa akin iniisip mo na ako si Venice, may pagkakatulad ba kami?" tanong ko.

Curious lang talaga ako kasi ipinipilit niyang ako si Venice eh. Baka marami kaming pagkakatulad. Bukod sa edad, mukha at kaarawan, ano pa kayang pareho sa amin?

"Lahat ng nakikita ko kanya noon ay nakita ko sayo ngayon," simpleng sagot ni Ram.

"Pero ang sabi mo ay eight years old lang siya nung magkahiwalay kayo, paano mo naman nasisiguro na magkamukha nga kami? Paano kung iba na ang mukha niya ngayon?" tanong ko pa.

"Imposible, Mia, puso ko mismo ang nagsasabi sa akin na ikaw siya eh,"

"..."

Feeling ko sobrang desperado na talaga siyang makita ulit yung Venice na 'yon. Nakakaawa si Ram na minsan ay pumasok na sa isip kong sabihin sa kanya na ako talaga si Venice kaso alam ko namang hindi ko pwedeng gawin iyon dahil lalo lang siyang aasa at masasaktan.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon