Chapter 38

117 39 2
                                    

Iyen's POV

Hanggang ngayon ay pinagagalitan ko pa rin ang sarili ko dahil sa pagpayag sa command ni pandak eh. I don't do great with girls at hindi pa ako nagkakaroon ng crush sa babae ever since, lalong hindi sa lalaki! Hindi ako bakla 'no.

Abnormal na kung abnormal, eh sa wala pa nga akong natitipuhan. Maraming magagandang babae sa University pero hindi sila ang type ko. Wala naman akong specific type na babae dahil hindi naman mahalaga sa akin ang pisikal na kaanyuhan basta mabait at tunay ayos na. Wala rin akong kaibigang babae dahil si Misty lang naman ang nakakausap kong talaga bukod kay Keisha na kailan ko lang naman nakausap ng mas matagal dahil nga girlfriend siya ni Yahen. Well, kumakaway at bumabati ako sa mga babae sa University pero hindi counted 'yon dahil ilang segundo lang naman 'yon. Hindi talaga ako marunong makitungo sa mga babae!

Gaya mga ng sabi ni pandak may pagkaisip-bata ako at mahilig din akong mang-asar kaya imposibleng magagawa kong pakitunguhan ng maayos at akma yung babaeng 'yon. Ayokong mapahiya. Kaso gusto ko rin nung deal at condition na binigay ni Maki.

Ughhh!! What should I do!?

Siguradong mahihirapan akong makipagkaibigan sa babaeng 'yon kahit pa sabihin nating bulag siya. Agreeing with Maki's command is the most stupid thing to do—pero jusko naman customize basketball court ang kapalit! Matagal ko nang pangarap magkaroon ng sarili kong basketball court, yung akin talaga! Kaya nang marinig kong sabihin ni Maki na papagawan niya ako n'on kapag napagtagumpayan ko ang misson slash command niya hindi ko pwedeng palampasin 'yon!

I let my desire defeat my brain.

Pero anak ng mais naman! Bakit ba ngayon ko lang na-realized na duwag ako pagdating sa pakikipag-usap sa babae. I never experienced having a crush, girlfriend or even just a girl bestfriend kaya paano ko lalapitan yun? Paano ako makikipagkaibigan sa kanya? Sagutin mo nga ako author. Paano?

Sure, I fell in love with her music and I have this something for her but it doesn't count to my courage at all!

Ngayon na ang last day of exam at kanina pa ako nakapagpasa ng huling test sheet namin kaya heto ako at mukhang gunggong na kamot ng kamot sa ulo habang gulong-gulo ang utak. Ang hapdi na ng anit ko! Bukod kasi sa command ni pandak ay may isa pang gumugulo sa isip ko. Yung magiging score sa exam at kung makakapasa.

Huminga ako ng malalim pero hindi pa rin naman iyon nakatulong para malaman ko kung paano kakaibiganin yung babae sa resto. Sa dami ng diaadvantages ko, iyon ang pinaka-worst sa lahat.

Nasapo ko ang noo ko gamit ang likod ng palad ko saka ko ipinikit ang mata ko at sumandal sa upuan. Huminga ako ng malalim para ibsan ang kung anomang nararamdaman ko.

I am about to lose my sanity!

Gusto ko na lang matulog tapos paggising ko graduation na agad tapos maraming-maraming pagkain. Mahabang lamesa tapos sa gitna may letchon baboy, letchon manok. Tapos maraming-maraming popcorns at nilagang mais. Kaldera, adobo, sinigang at maraming barbeque tapos ako lang lahat ang kakain.

Hindi ko bibigyan si Maki dahil masungit siya at sakit sa ulo ang command niya na napilitan akong tanggapin dahil sa customized basketball court na 'yan. Akin lang lahat ng pagkain. Uubusin ko lahat ng nasa lamesa kahit wala nang pinggan-pinggan o kutsara't tinidor. Kakamayin ko na lang dahil mas masarap kapag kinamay. Yum! Foods!

"Anong inginingiti-ngiti mo diyan?" gulat akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Ram.

"He's gone crazy," sambit ni Maki.

"Masama bang ngumiti? Smiling is the best medicine, you know?" sagot ko kina Ram at Maki.

"Laughter is the best medicine 'yon, Iyen," sambit naman ni Jayden.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon