Mia's POV
"Buti hindi sumama sayo yung buntot mo?" biro ni kuya habang naghihintay kami dito sa airport.
Ngayon kasi ang uwi ni Kian galing France. Alam kong posibleng darating din dito ang mga kaibigan niya including Ram. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung si Ram nga ba yung nakita at nakausap ko kahapon dahil pakiramdam ko ay ibang tao iyon. Nasabi sa akin ni kuya na kahapon nga daw dumating sina Ashton at Ram pero posible rin namang ibang tao yun.
"May seminar kasi siyang kailangang puntahan, kuya," nakangiting sabi ko.
"Grabe yung batang iyon. Minsan magkamukha na kayo dahil sa sobrang dalas niyong magkasama," biro niya pa.
"Sira ka talaga, kuya!" umiiling kong sabi habang nakangiti.
"Oh? Nandiyan na pala sila eh," ani kuya kaya napalingon ako sa bandang likuran ko at sakto namang tumama kay Ram ang paningin ko.
Medyo mahaba na yung buhok niya. Mas mahaba kumpara noong una ko siyang makita sa probinsya. Ibang-iba yung itsura niya ngayon kumpara noong nasa probinsya kami. Ang gwapo-gwapo niya talagang tignan. Ngumiti ako pero nagbaling siya ng tingin sa ibang direksyon. Pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa puso ko dahil tila ba iniiwasan niya ang paningin ko. Akala ko sa loob ng limang taon na hindi kami nagkita ay mabubura ang nararamdaman ko para sa kanya dahil akala ko ay isang normal na crush lang yung naramdaman ko pero hindi eh. Kahapon, nung makita ko siya nandoon agad yung kakaibang tibok ng puso ko. Narinig kong bumati sila sa amin ni kuya at ganoon din naman kami pero kay Ram lang nakatutok ang atensyon ko. Hinihintay ko siyang magsalita at bumati gaya noon pero hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa baba kung hindi naman ay sa kung saan-saan. Ikaw pa rin ba 'yan, Rameigh?
"Kamusta ka na?" tanong ko na halatang ikinagulat niya pa.
"I'm good," walang emosyong sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit pero ibang-iba ang Ram na kaharap ko ngayon sa Ram na nakilala ko five years ago. Parang bato ang kausap ko ngayon dahil hindi ko siya mabasahan ng reaksyon o kahit na anong emosyon.
"Kahapon nga pala... pasensya ka na sa nangyari," paumanhin ko dahil sa nangyari kahapon.
Sa totoo lang ay hindi ko inaasahang magkikita kami kahapon at sa ganoong sitwasyon pa. Kinulit-kulit pa ako ni Yaster kung anong koneksyon ko kay Ram. Nalaman ko rin na magkaibigan pala si Ram at ang kapatid niya doon sa America.
"I already told you that it's okay," wala pa ring emosyong sabi niya.
"Bakit... Bakit parang nag-iba ka na Ram?" hindi ko na napigilan pang itanong iyon. Bumuntong-hininga naman siya saka humarap sa akin.
"Because I was hurt and seeing you hurts me more. Kaya please... please, Mia, just stay away from me because I'm no longer that guy anymore," halos tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. "And besides hindi naman talaga tayo close. So there's no need to talk to me," dagdag niya pa.
'Because I was hurt and seeing you hurts me more... And besides hindi naman talaga tayo close. So there's no need to talk to me.'
'Because I was hurt and seeing you hurts me more... And besides hindi naman talaga tayo close. So there's no need to talk to me.'
'Because I was hurt and seeing you hurts me more... And besides hindi naman talaga tayo close. So there's no need to talk to me.'
Umulit iyon ng ilang beses sa pandinig ko. Hindi ko siya maintindihan pero batid kong napunit ang puso ko dahil sa nga salitang binitawan niya. Ganun pa man ay nagawa kong pigilan ang mga luha ko sa pagtulo saka pilit ang ngiting muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomansaAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...