Chapter 48

104 29 4
                                    

Ram's POV

Tanghali na akong nagising dahil madaling araw na naman akong nakatulog kagabi. Medyo marami din kaming napag-usapan este medyo marami rin akong naikwento kay Esang kagabi kahit na puro tipid na ngiti at tango lang ang nakukuha kong sagot mula sa kanya. Ilang araw na rin akong narito sa America at sa tuwing hindi ako makatulog ay nagtutungo ako sa pool para doon magsulat at magpalipas ng oras. Hindi ko alam kung nagkakataon lang o talagang inaabangan ako doon ni Esang para bigyan ng gatas. Noong una ay gusto ko siyang tanggihan dahil hindi naman talaga ako mahilig sa gatas, para akong baby kapag ganun pero naisip ko na nag-eeffort siya para sa akin kaya nakakahiya namang tumanggi. Masarap siguro sa pakiramdam na may babaeng kapatid. Bukod kasi sa lalaki si kuya ay wala siya lagi noon sa bahay o maging sa bansa kaya hindi ko siya gaanong nakasama. Magkagayunman ay malapit pa rin kami sa isa't isa ni kuya. Hindi ko pa naranasan na magkaroon ng younger sister o 'di naman kaya ay ituring na older brother ng isang babae dahil mula ng umalis sila Venice ay tanging sina Misty at mimi na lang ang babaeng kinakausap ko kahit na maraming lumalapit na babae sa akin.

Nang bumangon ako ay kumuha na ako ng susuoting damit at dumeretso sa banyo para maligo. Ang alam ko ay fifteen hours na nauuna ang Pilipinas kaysa dito kaya malamang ay gabi pa lang doon. Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako sa relo na kakasuot ko lamang.

"It's already 7:23 in the morning, ibigsabihin 10:23 na ng gabi doon," sambit ko saka inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.

Isang simpleng black shirt at denim jeans lang ang isinuot ko. Itinack-in ko ang laylayan sa harapan ng shirt sa jeans ko para hindi gaanong makita ang haba nito saka ko binagayan ng puting rubber shoes na regalo sa akin ni kuya noong isang taon. Sinuklay ko lang konti at hinayaan ko ring nakaladlad ang buhok ko na halos matakpan na ang makakapal kong kilay. May pagkakulot ang buhok ko pero hindi siya yung kulot na masyadong halata, wavy kung tawagin nila, kaya maganda siyang tignan lalo na at bagay sa akin dahil gwapo ang nagmamay-ari.

Balak kong pumunta sa opisina ni Mr. Elwood para bisitahin siya at kausapin na rin tungkol sa matagal na naming usapan. Hindi ko kasi alam kung kailan ba siya dadalaw dito sa bahay gaya ng sabi niya sa text niya kaya ako na lamang ang pupunta sa kanya dahil ayokong magsayang ng oras. Kailangang mahanap ko na si Venice sa lalong madaling panahon.

Matapos masulyapan ng isa pang beses ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa pa lang ako ng hagdan ay naamoy ko na ang mabangong luto ni Manang Soleng. Kasing-sarap ni mimi magluto si Manang Soleng kaya parang si mimi na rin ang nagluluto ng pagkain araw-araw para sa akin. Mabait din siya at may pagkajoker kaya hindi ako nayayamot dito sa bahay. Maging sina Miana at Trixie ay lalo ko na ding nakikilala kahit paunti-unti dahil halatang nahihiya pa rin sila sa akin. Halos si Esang ang lagi kong nakakausap kahit na wala naman akong nakukuhang tugon mula sa kanya ay masaya ako dahil nakikinig siya sa lahat ng kwento ko.

"Good morning everyone!" masayang bati ko. Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin.

"Magandang umaga din po sayo, kuya Ren," sabay na bati nina Trixie at Miana, nakangiti.

"Magandang umaga rin sa iyo, hijo, saan ka paroroo't nakagayak ka ng ganyan?" nakangiting tanong ni manang Soleng ng tuluyan akong makalapit at maupo sa harapan ng hapag.

"May imi-meet lang po akong kaibigan kaya baka po hapon na ako makauwi mamaya. Hindi na po kasi ako makapaghintay na dumalaw siya dito kaya ako na lang mismo ang pupunta sa kanya," mahaba, nakangiti kong sagot.

"Tungkol ba ito sa sinasabi mong misyon mo at pangunahing dahilan ng pagpunta mo dito Estados Unidos?" tanong ni Manang Soleng.

"Opo, ayoko po kasing magsayang ng oras dahil gusto ko ng makita ang kaibigan ko sa lalong madaling panahon," nakangiting sagot ko.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon