Chapter Nine

429 234 56
                                    

Maki's POV

Ngayong tanghali ang dating ni Miro dahil kahapon ng gabi siya bumiyahe. Naghanda na ako ng isusuot ko at saka ako dumeretso sa banyo para maligo. Hindi ko pa nakakausap si Rameigh pagkatapos n'ong usapan namin kagabi. Halos wala din akong tulog dahil alas-dose na ng gabi ng makatulog ako dahil sa unan na pinatong ko sa mukha ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Naabutan ko naman sina Yahen at Jayden na nakaupo at nanonood sa sala. Si Iyen naman ay nasa kwarto daw at natutulog na naman. Hindi ko alam kung nasaan si Ram, maaring nagpunta na naman siya kina Mia.

"Dito rin ba tutuloy si kuya Miro?" tanong ni Yahen ng makita niya ako.

"I'm not sure, pero siguro dito rin kasi wala naman siyang kilala dito bukod kay Kenny at sa atin," sagot ko.

"Ahh... siguradong matutuwa si Iyen dahil makikita na naman niya ang kuya mo," nakangiti pang sabi ni Jayden.

"Yeah, I think so. Pa'no aalis na ako, he hates me being late," paalam ko sa kanila.

"Ingats!"

Ginamit ko yung van nina popcorn papunta sa bus station na bababaan ni Miro. Pagdating ko doon ay agad ko siyang hinanap dahil medyo marami ang tao. Ipinarada ko yung sasakyan sa kabilang parte ng kalsada dahil doon lang naman ang maluwang at may sign na parking.

"Hey, brother!!" bati niya sa akin sabay akbay.

"Tsh! Let go of me, Miro," saway ko sa kanya.

"Tss. Sungit," angil niya saka ako binitawan.

Tinulungan ko na lang siyang buhatin yung mga gamit niya papunta sa van. Bakit ba ang bigat ng dala niya?

Para siyang titira dito sa dami ng gamit na bitbit niya.

"Hindi ko akalain na maganda pala dito," aniya ng magsimula akong magmaneho.

"Mm,"

"Makz, bakit hindi mo sinama yung iba sa pagsundo sa akin, especially, Vien?" tanong niya.

"Busy sila," maikling sagot ko.

"Talaga? Nakapasyal na ba kayo dito?"

"Oo,"

"Maganda ba dito?"

"Hm. You just said it earlier, didn't you?"

"How was your vacation?"

"Good."

"Bakit ba ang tipid mong sumagot!?" reklamo niya.

"Bakit ba kasi ang dami mong tanong? Mukha ba akong tour guide sayo?" inis na tanong ko naman.

"Aish! Hindi ka na talaga matututong maglambing sa kuya mo 'no, Mayro Kian?" sambit niya pa sa buong pangalan ko.

"Mga aso lang ang naglalambing, Mikey Roshean," sambit ko din.

"Grabe ka talaga sa akin! Kuya mo kaya ako,"

"Oo nga, pero mas bata ka mag-isip kesa saken," pambabara ko sa kanya.

Ang dami niya pang inireklamo sa akin tungkol sa trato ko sa kanya at sa ugali ko na hindi daw maganda.

Tinatanong niya pa kung kulang daw ba ako sa asukal sa katawan dahil hindi daw ako sweet.

Malay ko ba?

Hindi lang talaga ako katulad nila ni Iyen na punong-puno ng ka-cheesy-han dahil sa pagpapak ng popcorn na cheese flavor.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon