Ram's POV
Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga narinig ko at nakita ko. Pumasok naman sa tenga ko pero hindi pa rin ito pumapasok sa sistema ko. Tinanggap ng tenga ko pero hindi matanggap ng utak ko.
Paano nangyaring isang bakla ang kapatid ko?
Tapos si kuya Miro pa ang boyfriend niya?
Tiningnan ko si Keigne na nakatayo lang at nakatanaw sa dinaanan nina kuya Ton Ton at kuya Miro. He look so much in pain. Hindi rin ako makapaniwala na gay rin siya. I mean, mas gwapo pa siya sa akin!
And he's not just gay, he also likes my brother!?
Ang sakit sa ulo. Ilang beses akong lumunok bago maglakas loob na magsalita.
"Keigne, ihahatid na kita pauwi," usal ko.
"Hindi ka galit sa akin?" Nag-aalangang tanong niya.
Galit nga ba ako?
Wala naman akong maramdamang galit o inis. Gulat, oo. Hindi ako galit sa kahit sino dahil wala naman akong dahilan para magalit. I'm just shocked dahil sa mga narinig kong ewan.
Nginitian ko siya. "Hindi. Hindi ako galit, kaya halika na dahil inaantok na rin ako," saad ko.
Bahagya pa siyang naguluhan sa sinasabi ko pero ngumiti rin at tumango kalaunan. Nang makasakay kami pareho ay pinaandar ko na ang kotse ko pauwi sa condo niya. Tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo. Nang maihatid ko siya ay umuwi na rin ako.
Gaya ng dati ay tulog na sina mimi at paps nang umuwi ako. Umakyat na agad ako sa kwarto ko at nagpahinga ng ilang minuto. Tumitig lang ako sa pader habang nagpapahinga. Wala akong maramdamang kahit na ano kundi pagkagulo.
My brother is gay.
Alam kaya nila mimi at paps 'to?
Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila?
Kadalasan sa reaksyon na napapanood ko sa telebiyon ay nagagalit sila, nagugulat o nananakit. Pero wala naman akong dahilan para gawin 'yon. Kahit ano pa ang kapatid ko, he's still my brother and I love him as he is.
Pero si Maki kaya?
Alam niya kaya ang tungkol sa kapatid ko at sa kapatid niya?
Ito ba yung sekretong hindi nila masabi sa akin?
Ipinikit ko ang mga mata ko. Matapos magpahinga ay naligo na ako at humiga sa kama ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako gising dahil sa pag-iisip ng maraming bagay.
Nang makaramdam ako ng antok ay ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyang natulog.
~~~
"Ren, anak? Gumising ka na riyan," naramdaman ko ang pag-uga ni mimi sa balikat ko.
"Hmm..." ungol ko.
"Wake up, sleepyhead, nandiyan sina Miro at Maki sa baba," agad akong napamulat nang marinig ko ang pangalan ni kuya Miro.
"Bababa na po ako, maliligo lang ako saglit, 'mi," saad ko saka bumangon at dumeretso sa banyo.
Marami silang kailangang ipaliwanag sa akin. Marami rin akong gustong itanong at malaman kaya kailangan ko rin makausap si kuya Miro dahil naguguluhan pa rin ako. Naproseso na nang utak ko lahat nang narinig at nakita ko kagabi pero hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]
RomanceAshren Rameigh Domingez never set his eyes on anyone ever since he made a promise ten years ago. Isang pangako ng bata niyang isipan ngunit labis niyang pinanghahawakan kahit na walang kasiguraduhan kung magkakaroon ng katuparan. Isang pangako na ma...