Chapter 69

229 44 12
                                    

Ram's POV

"Ashren... Ashren..." nagising ako dahil sa mahinang tapik sa balikat ko.

"Mia, how are you feeling?" agad akong umayos ng upo at hinawakan ang mga kamay niya.

Ngumiti siya sa akin kahit halatang nanghihina. "I'm sorry..." usal niya.

"Sshhh... What are you apologising for?" I caress her chicks.

"Sorry kasi nakalimutan kita. Sorry kasi hindi kita nakilala, sorry kasi mukhang maiiwan na naman kita..."

"Please, Mia, don't say that. You will live, you have to live," pumatak na naman ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko.

"Magpakasal na tayo, Ashren. Gusto ko ng maikasal sayo," hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Magpagaling ka muna tapos magpapakasal—"

"Hindi. Gusto ko ngayon na tayo magpakasal, habang may lakas pa ako," halos pabulong ng sabi niya.

Mukha siyang pagod at namumula rin siya. Kahit na wala naman siyang ginagawa ay tila ba hapong-hapo siya. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Ayokong makita siyang nahihirapan.

"Mia, I love you, you know that, right?" tanong ko saka hinalikan ang kamay niya.

"Alam ko..." tumatangong aniya.

"Mia..."

"Please, Ram... magpakasal na tayo, gusto ko ng maikasal sayo," nakikiusap na sambit niya.

Wala naman akong ibang magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Tumutulo ang mga luha ko pero hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot, kaba o saya. Ngayon ay natagpuan ko na ang babaeng matagal ng hinahanap ng puso ko, pero hindi naman ako binibigyan ng pagkakataon para bumawi sa lahat ng oras na nawala sa amin.

"I love you so much, Mia..."

"Magpakasal na tayo, Ram, s-sige na..."

"Oo, magpapakasal na tayo,"

"K-Kahit simple na lang, b-basta ang mahalaga... k-kasama kita..."

"I'll always be with you, I promised,"

"M-Magpakasal na tayo, o-okay?"

"Hmm." tumango ako habang yakap siya ng mahigpit.

Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi ko maitatangging natatakot ako. Natatakot akong muli na naman siyang ilayo sa akin ng tadhana.

"Mj! Thank God, you're awake!" pagpasok na pagpasok ni Ken ay agad siyang lumapit sa amin kaya humiwalay ako sa pagkakayap.

"K-Kuya, t-tulungan mo akong m-maghanda para sa kasal namin ni A-Ashren," mahinang pakiusap ni Mia, ngumiti naman si Ken kahit na halatang gusto niyang umiyak.

"Tutulungan kita, basta magpagaling ka—"

"Ngayon na... N-Ngayon ko gustong magpakasal, kuya..."

"But your body is weak, Mj, hindi ka—"

"N-Nakikiusap ako, kuya..."

"S-Sige. Ram, magbihis ka tapos hintayin mo kami sa simbahan," wala ng nagawa si Ken kundi ang sumang-ayon.

Tumango na lang ako at nagtungo sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba at takot na nararamdaman ko. Walang habas din ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon