Chapter Two

952 343 255
                                    

Ram's POV

Maaga akong gumising at naghanda dahil ngayon ang alis namin papuntang probinsya. Van nila Iyen ang gagamitin namin papunta doon. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at binuhat ko na ang gamit ko pababa. Kumain lang ako ng kaunti dahil paniguradong madaming dalang pagkain si Iyen mamaya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbusina ng van na sasakyan namin kaya lumabas na ako. For sure tulog pa sila mimi at paps kaya nag-iwan na lang ako ng note sa lamesa na umalis na ako. Paglabas ko ay nakita kong kumpleto na sila. Napangiti naman ako ng makita kong nakaakbay na si Jayden kay Yahen dahil ibigsabihin n'on ay ayos na sila.

"Saan ba ang punta natin?" tanong ko habang inilalagay ang gamit ko sa likod ng van.

"Isabela, marami daw magagandang lugar dun sabi ni dad," sagot ni Iyen.

Sumakay na rin ako. Katabi ko sina Jayden at Maki dahil si Yahen ang driver at si Iyen naman ay nasa likuran namin.

"Talaga? Doon ba galing si tito Raf?" tanong ko at tumango naman siya.

"But I've never been to my dad's birth place kaya naisipan ko na doon na lang tayo magbakasyon," ani Iyen.

"Okay, pero karamihan yata doon ay palayan?" usal ko.

"Yeah. Sabi din ni dad ay mga ilocano ang nakatira doon,"

"But we don't speak ilocano," ani Jayden.

"Don't worry, they can also speak tagalog in Isabela, karamihan lang sa kanila ay ilocano ang mother tongue pero nakakaintindi at nakakapagsalita din sila ng tagalog," paliwanag ni Maki. Napatango-tango naman ako.

"Then nice, hindi tayo mahihirapan makipag-communicate sa kanila," si Jayden.

Pagkatapos ng usapang 'yon ay wala na ulit umimik sa amin. Medyo malayo ang biyahe mula Maynila hanggang Isabela. Kung sa biyahe daw ng bus ay aabutin kami ng sampung oras pero dahil personal na sasakyan ang gamit namin ay aabutin lang kami ng pito hanggang walong oras.

Marami din kaming stock na gas para hindi na kami tumigil-tigil sa mga gasoline station. Umidlip muna ako dahil kulang yung tulog ko kagabi. Isa pa medyo mahaba din ang biyahe kaya mabuti pang matulog muna.

"Hey, popcorn!! Bakit ba ang damot mo!?" nagising ako dahil sa ingay nina Maki at Iyen.

"Marami namang pagkain diyan, bakit kasi 'tong kinakain ko pa ang gusto mong kunin!?" reklamo naman ni Iyen.

"Tss. Pahingi lang naman ng konti!!"

Iminulat ko na lang ang mata ko at umayos ng upo. Tumingin ako sa labas at puro bundok na ang nakikita ko. Maaliwalas ang paligid na nadadaanan namin. Binuksan ko amg bintana at sumalubong sa akin ang payapang hangin mula sa labas.

"Ikaw na lang, Jayden, give me some of your strawberries," rinig ko na namang sabi ni Maki.

"Dalawang kilo lang ang binili ko kaya iba na lang ang hingiin mo," tanggi naman ni Jayden.

Dalawang kilo? Is he even serious? Mauubos niya ba yun?

"Hayst! Ang dadamot niyo talaga! Yahen..." tawag naman nito kay Yahen na abala sa pagmamaneho.

"Bakit Maki?"

"Pahingi ng hot--"

"Makz, spare my hotdogs please," putol ni Yahen sa sinabi ni Maki.

Nagpipigil ng tawa akong lumingon sa katabi ko at halatang naiinis na dahil pinagdadamutan siya. Hahahaha. Naglaho ang pagkakangiti ko ng bigla siyang tumingin sa akin. Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

SBS 1 : One Last Cry [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon