Chapter 1: Collide

283 8 3
                                    


"Pwede bang wag nalang pumasok?" Tanong ko sa sarili ko pagkamulat ko mula sa aking mahimbing na pagtulog.

Same old bullshit naman kasi. Sa totoo lang, di pa nagsisimula ang araw pagod na ko.

"Miss Bella? Bangon na daw po kayo at sabayan mag-umagahan sila Sir Alfred."

"Five minutes pa please!" sagot ko kay Jana na aming matagal nang kasambahay.

Bigla naman nag-alarm ng cellphone ko. Naiirita pa rin ako pero napilitan akong bumangon at nagbihis ng uniform. Sakto naman naabutan ko sila Papa kumakain sa baba.

"Bella, can't you look decent for once! You're a Fontanilla for God's sake!"

"Good morning to you too, Pa." Dagot ko sa kanya.

"Dad just let her be, she's still young and has so much to learn." Pagpigil ni Kuya Alfred.

"Third year college na yang kapatid mo! She's 18, halos di na yan teenager! Konting maturity naman!" singhal niya.

Ang toxic naman sa bahay.

"Ay natandaan ko, kelangan ko pala agahan ngayon sa school, need ko na umalis now. Bye Pa! Bye Kuya! Bye Ma!" sabi ko sabay biglang alis.

Siyempre hindi totoo yon, I just like to get away from them. Nakaabang na sa labas yung chauffeur ko pero sinabihan ko si Manong na pass muna sabay kuha ng bike ko. Biking distance lang naman yung university ko eh.

"Good morning class, welcome to Research 101. Obviously, thesis to so group yourselves in 2 and start discussing on your research topic."

Hay! Eto nanaman. Group yourselves into two. Kitang kita ko ang mga epal kong kaklase masayang namimili ng partner nila sa thesis. Sa groupings mo lang makikita yung tatag ng pagkakaibigan. Mahahalata mo kung sino yung isang iaalay sa limang magkakatropa pag partner o tatluhan yung groupings. Naaakawang nilalang. Ako? Ayoko magmukhang kawawa kaya wala akong kaibigan. Naramdaman kong may kumalabit saken.

"Oh pano tayo na ah?" ngisi ni Judith saken.

"Sorry girl di tayo talo." Pilosopo kong sagot.

"Ikaw talaga, joker ka. Mag-isip na tayo ng topic." Tawa ni Judith.

Benta kay Judith yung sagot ko. Akala niya kasi joker ako pero di naman talaga ako nagbibiro. Sino tong taong to? Ewan ko ba. Irreg siya sa class namin last sem at napatabi saken kasi tabi ko lang yung vacant. Kaya ayun, galawang irreg, ako kinakausap tungkol sa homeworks and quizzes.

"Hoy Bella! Nag-iisip ka nanaman. Meron ka ba nyan?" tatawa-tawang sagot ni Judith.

"Eh ikaw, tawa ka nang tawa diyan. May pagtakip ka pa sa dibdib mo. May tinatakpan ba?" Seryoso kong sagot.

Natawa lang lalo si Judith, "Siraulo ka talaga!" tawa ni Judith.

 Ang babaw talaga ng babaeng to, lahat ng pwedeng tawanan, tinawanan. Ewan ko nga ba't saken natabi to, eh napakadilim kong tao

"Guys, anong topic niyo?"

"Yung dede ni Judith, flat." Agad kong sagot.

Biglang natahimik ang lahat. Pati yung mga chismosang daldal nang daldal sa klase, shookt yung mukha.

"Stupida ka talaga girl, prof natin nagtatanong." Pabulong na sabi ni Judith.

Oh shit. I'm fucked.

"Well, seems like very interesting ng usapan niyo. Is that in any relation to your thesis, Ms. Barcellano and Ms. Fontanilla?" mataray na tanong ng Prof ko. What a nice first day for me.

"Sorry po, Ma'am." Agad kong sabi. "Proceed with your meeting." Ani ng professor ko.

"My God, first day of class, bad shot agad. Nice one, Bella. Wala ka talagang mintis." Sarkastikong sabi ng tropa nila Trixie Garcia. Ang aarte ng mga to, ang papangit naman. Buti sana kung kagandahan. Wala bang salamin tong mga to sa bahay nang umarte naman sila ng naayon sa ganda? Hays.

"Bayaan mo na yang mga yan, hindi naman suso nila yung sinabihang flat." Sabi ni Judith.

"If I were you Judith, lumipat ka na ng grupo naming. Don't hang with that loser, I can partner you up with one of my girls." Sabi ni Trixie.

"No thanks girl, ayoko sumama sa pangit." Sagot ni Judith. Shookt na shookt ang mga chaka. Diyos ko! Hindi pa ba nila alam yon? Like really?

Pagkatapos ng klase, naglunch kaming dalawa ni Judith. "Same class na tayo this sem. Ayos ba?" sabi ni Judith.

"Sakto lang." sagot ko.

"Wow choosy ka pa, dami mo friends teh?" sabi ni Judith.

I rolled my eyes, "Ewan ko sayo." Sabi ko.

"BTW, may pa-audition ang theater arts, sali tayo!!!" sabi ni Judith. Bagay siya dun, napaka-free spirited niya.

"Ikaw nalang, wala akong interes sa mga ganyan." Ani ko.

"Lokohin mo lelang mo!" sabi ni Judith sabay hablot sa sketch pad ko.

"Anong tawag mo ditto, ha?!" sabi ni Judith sabay pakita sa mga sketches ko. "Ang ganda-ganda ng designs mo! Pwede kang costume-designer. Pag ako naging Princess, gawan mo ko ng magandang gown, ha?"

"Psshh ayoko nga! Tsaka pampalipas oras ko lang yan. lagi kasi akong bored. Boring mo kayang kasama." Sabi ko.

"Wow teh! Wag ka ngang feeling dyan, last sem lang tayo magkasam. First year pa tong sketch mo. Baka yung first year friends mo ang boring." Sabi ni Judith. As if, wala akong kaibigan. Pero okay lang ako, sanay na ko.

"Tara na kasi mag-audition tayo! Start na kasi ng audition nila in 30 minutes. Pretty please?" pakiusap ni Judith with puppy eyes.

"Wag mo ko gamitan ng puppy eyes, mukha kang may rabbies." Sabi ko.

"Hay nako, ayaw talaga papilit. O sige na, see you later. Muwah." Bineso ako ni gaga, medyo nagulat ako pero hinayaan ko nalang, naga-adjust padin ako na may kasama.

FINALLY! Some time to myself. Nagkaron din ako ng katahimikan at sobrang daldal ni Judith. Nasa garden ako ng school, naghihintay matapos ang lunchbreak. Boring. Kinuha ko sketchbook ko at nagsimula magdrawing ng dress, di ko namamalayan, dress ng prinsesa ang nado-drawing ko. Nako masamang impluwensya talaga tong si Judith. Di ko na sana itutuloy yung pagdo-drawing pero may narinig akong tugtog. Tunog ng gitara.

Mas lalong narerelax ako habang nakikinig. Bukod sa tunog ng gitara, tahimik ang buong garden. Para kong sinipag magdrawing ulit. Ewan, sige na nga pampalipas oras. For the first time, natahimik ang maingay kong isip. Nagkaron din ng peace of mind. Nakapag-drawing din nang maayos. I gently stroke on my sketchpad as I felt the calm ambience around me. I'm quite satisfied with my design today, Princess ballgown with modern touch. Nakangiti kong nilagyan ng pirma ang babang parte ng design ko, ibigs sabihin natapos ko na. After a very long time, I felt happy with my work.

Tuwang-tuwa kong tinitingnan ang artwork ko habang naglalakad palabas ng garden. Itinaas ko pa to para matingnan nang ayos pero sa isang iglap, biglang may nakasagi sa kamay ko. Parang nag-slow motion ang mundo ko habang pinapanuod kong tumalsik sa putikan ang sketchbook ko. Parang nagunaw ang mundo ko nang makitang napuno ng putik ang bagong design ko. Halos paiyak na ko nang pulutin ko ang sketch book ko. Tinanggal ko ang putik sa sketch book ko, mariing nakatitig sa design ko na ngayon ay kulay brown na sa putik.

"TANGA KA BA?!" Sigaw ko sabay harap sa nakasagi sa akin. Napawi ang galit sa mukha ko nang makita ko ang isa sa pinkaguwapong mukha na nakita ko sa tala ng buhay ko.

Wow.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon