Chapter 54

22 2 0
                                    

Bella's POV

"Beatrice, kamusta na pala ang application ko?" tanong ko sa kabilang linya.

"Nako Bella, wait lang ha? Bigla kasing dumagsa yung applicants namin, tinatapos pa ang interviews, then tsaka pa ang screening process. I'll let you know agad if short-listed ka ha?" paliwanag saken ni Beatrice.

"I see, okay. Salamat Beatrice." Sabi ko at ibinaba na ang call.

Pano kung hindi ako matanggap? Sayang ang sinakripisyo ko. Isinalampak ko ang mukha ko sa desk nang dumating ang Secretary ni Kuya.

"Another workload for you, Bella." Sabi nito sabay naglapag ng sandamukal na papeles sa table ko.

"Fighting!" sabi nito sabay umalis na.

Isang tingin pa lang sa tumpuk-tumpuk na mga papeles, alam ko nang mapipilitin akong magovertime. Ugh! gusto ko na talaga makaalis dito.

Sinisimulan ko magtrabaho nang tumawag si Liam. "Hello Babe!" Bati nito.

"Aba! Mukhang masaya ka, ha?" sabi ko.

"Rest day lang kaya nakaka-relax. Guess what? Nasa rest house kaming buong pamilya yung tabi ng beach, baby shower ni Ate Janine. Ilang weeks nalang manganganak na siya." Masaya niyang sabi.

"That's good to know." Ngiti ko sa kanya.

"Liam, let's go! Magsisimula na ang party!" narinig kong sabi ng pamilyar na boses sa background.

"Liam, sinong kasama mo?" naga-alala kong tanong.

"Si Lianne, Babe. Niyaya siya nila Mama dito. Sorry hindi ko nasabi agad." Sabi niya.

Mapait akong napatawa. "Una, nakalimutan mong banggitin na sinorporesa ka niya sa work at ngayon nakikipag-bonding na siya sa pamilya mo? Samantalang akong girlfriend mo, ni hindi pa sila nakilala. Ano nalang sa susunod? Kayo na pala nang hindi ko nalalaman?" galit kong tanong sa kanya.

"Babe, wag ka naman magalit. This is not my party, sila Mama ang nag-aya. Iiwasan ko nalang siya."

I snorted at his reply. "As if naman maiiwasan mo yang babaeng yan." Sabi ko.

"Liam, ikaw nalang hinihintay, let's go!" malanding sabi ni Lianne.

"Babe, usap ulit tayo mamaya ha? I need to go now. I love you so much!" sabi ni Liam, hindi ko na siya sinagot at binaba ko nalang ang call.

Lagi nalang ganito. Minsan na ngalang kami mag-usap, ganito pa. Hindi ako sanay nang hindi ako ang priority ni Liam. Dati saken lang umiikot ang mundo niya, sobrang panatag ako na saken lang siya nakatutok at sa pag-aaral niya. Hindi naman sa pinagdadamot ko siya, pero iba na pag nasa malayo ang mahal mo tapos may iba pa siyang source of happiness.

Samahan pa ng palagiang pagdikit sa kanya ni Lianne. I can't help but feel insecure. Nagfocus nalang akong tapusin ang sangkaterbang trabaho na nasa harapan ko. Pagkatapos ng trabaho ay tiningnan ko ang Social Media ni Liam.

"Aba, nakapost na agad ang party." Sabi ko.

Sobrang saya ni Liam sa mga pictures. It was the first time he looked that happy for a while. Sobrang daming shots nila ng pamilya niya pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay isang family picture nila na close close silang lahat at nasa tabi ni Liam si Lianne.

Alam kong hindi sadya yon, pero sobrang lapit itong si Lianne kay Liam. 'Sa picture pa ngalang, malapit na, pano pa kaya behind the cam?'

Nago-overthink nanaman ako. Imbis na mag-isip, ininom ko nalang ang sleeping pills sa bedside table ko para makatulog.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon