Chapter 4: Do you remember?

63 5 1
                                    

Bella's POV

Nakatitig ako sa puting panyo na hawak ko. Paulit-ulit kong iniisip kung anong nangyari. Sino yung kasama ko?

"Girl, natanggap ako sa theater arts!" Judith snapped me out of my thoughts.

"Congrats, Judith." maligaya kong bati sa kanya.

Isang lingo na ang lumipas, tanging panyo lang ang clue na meron ako sa taong iniyakan ko. Napansin ko rin na mayroong embroidered na letter L sa panyo.

"Huy nakikinig ka ba? Sabi ko, open ulit yung org. You should join." sabi niya.

"Wag na, girl. Wala akong interes." sambit ko.

"Eto isipin mo, sabi mo bawal ka magtahi ni sketch man lang, tama?" ani niya.

Napahinga lang ako ng malalim habang pumasok ulit sa utak ko yung pinagawayan namin ni Dad, "Oo. Gusto ko nalang umiwas sa gulo, better yet, gusto ko nalang umiwas sa bahay."

"Pag sumali ka sa theater arts club, makakapagsketch ka ng costume ng casts, matatahi mo pa, makakaiwas ka pa sa bahay mo at dagdag extracurricular activity." sabi ni Judith.

"Even so, wala akong talent na maipapakita sa audition. I'm too introvert para mag-audition." sagot ko.

"Girl, nahahati sa dalawang grupo ang org, isa ay para sa mga casting artists which needs audition, yung isa naman is for Visual arts and costume design, which only needs an interview at pakita mo works mo." ani ni Judith.

"Di ko alam girl, ayaw ko." sabi ko.

"Pag-isipan mo, please? You have the potential." sabi ni Judith.

"Kelangan ko nang umalis at may org meeting ako. Uwi ka na." paalam niya sa akin.

Nang makauwi ako, pinag-isipan ko yung sinabi saken ni Judith. Isang magandang oportunidad nga ito para takasan ang realidad ng buhay ko.

Judith's POV

"Miss Fontanilla, can you tell me, what is the difference between SWOT Analysis and TOWS Analysis?" tanong ng professor namin sa Strategic Marketing.

"Ma'am, SWOT Analysis is used to analyse the Internal Strengths and Weaknesses as well as the External Opportunities and Threats of the company." Sagot ni Bella.

"How about the TOWS Analysis?" tanong ng Professor namin.

"Uhhmmm..." nag-iisip na sambit ni Bella.

"Psst girl, sabihin mo same lang, binaligtad lang spelling para maiba naman." Lokong bulong ni Trixie para pagtawanan si Bella. "Dumb girl." kumento ni Trixie.

"Pst Trixie, maganda lang daw pwede sumagot, manahimik ka!" depensa ko kay Bella.

Nagtawanan naman ang klase. "May nakakatawa ba, Miss Barcellano?" tanong ng Professor ko.

"May naligaw lang na nagmamagandang frog, Ma'am." Sabi ko.

"Please behave yourself and keep quiet." Sabi niya.

Lagi nalang wala sa focus si Bella. Masyado siyang apektado sa ginawa ng Daddy niya. Last sem pa yang ganyan, pero isa to sa pinakamalala. Pinagtataka ko lang talaga, kung sino nagcomfort sa kanya.

Sa totoo lang, nakita ko sa malayuan yung kasama niya. It was a guy wearing white. Akala ko kakilala niya. Bago pa ko nakalapit, eh nakaalis na siya. Ayoko lang sabihin sa kanya kasi baka dumagdag pa sa anxiety niya na lalaking di niya kilala yung nasandalan niya. I know her, she won't stop thinking about it.

"Guys, nabalitaan niyo ba, dadating daw yung Vice President ng organization natin." my co-trainee said, snapping me out of my thoughts.

"Kasing year lang daw natin pero VP agad. Super galing daw. Ang guwapo pa! OMG!" Tilian ng mga babae sa tabi ko.

"Psshhh ang hihilig sa pogi." ani ko nang biglang natahimik ang lahat. 

"Sorry guys, I'm late." Sabi ng baritonong boses sa likod ko.

"Newbies, this is Liam Castillo, our Executive Vice President." Pakilala ni Maine.

"He will be accompanying us in interviewing applicants, so kayong newbies, will be given a chance na panuorin ang interview process." dagdag ng VP Talent and Recruitment na si Maine.

I rolled my eyes as I heard the other trainees gushing about our EVP (Executive Vice President).

"Oh my gosh friend, wala pang role play pero nauna na yatang dumating ang Prince Charming ko!!!"

"Wag kang feeling friend, ako ang forever niyan."

"Tama talaga tayo ng sinalihang org, kahit araw-araw akong gabihin, okay lang." Tilian ng mga babae sa tabi ko.

Ewan ko ba dito sa mga to. Mga parang ngayon lang nakakita ng pogi. Though, guwapo naman talaga. Yung mga mata niya parang nangungusap but at the same time nakakaintimidate, his aristocratic nose, towering height of 6"0+ yata to, tapos ang puti. In fairness kay kuya mo, naka-puting uniform pa, bumagay.

The interview process was long, ang daming applicants. May mga designs major din na nag-apply for costume designing and artist pero puro pa-cute lang ginawa kay Liam. He seems unimpressed though, yung hitsura din naman kasi ng mga designs nila, mas magaling pa si Bella. Speaking of, asan na kaya siya?

"Okay guys, since until 6:00 lang si Liam, we'll wrap up by then, pag naubos applicants before 6, we'll close the application na." inannounce ni Maine sa grupo.

Chineck ko yung time, 5:45 pm. Last applicant na kami. Kinuha ko phone ko sa bulsa ko para itext si Bella, ' '

Hindi siya nagreply. I deeply sighed. Wala na. Natapos na yung last interview nang saktong 6:00. Hays wala na talaga. Nagpack-up na yung mga interviewer.

"Pwede pa po ba mag-apply?" tanong ng isang pamilyar na boses. Si Bella! Oh my gosh! yes girl!

"Sorry but closed na kami" ani ni Maine.

"Please po, I don't want to regret this moment." pakiusap ni Bella. Napatingin lahat ng interviewer sa kanya. Halatang hingal siya sa kakatakbo.

"May I ask why you were late?" tanong ni Maine.

"I made my portfolio for presentation. I'm sorry." nahihiyang sabi ni Bella.

"Bakit? Wala ka ba talagang portfolio?" Maine suspiciously asked.

Napatungo si Bella, and halatang nahihiya siya na nalulungkot. "It got ruined sorry."

I can't do anything. As a newbie, hindi kami pwede makisali sa ganitong desisyon. Kaya mo yan, Bella!

"Sorry din Miss, but we're really closed dahil ang aming EVP needs to go-"

"Proceed." mariin na ani ni Liam, naputol na ang sasabihin ni Maine.

"Huh? But you said-" nagtatakang sabi ni Maine.

"Let's proceed, Maine." Liam charismatically smiled at her. I swear hindi lang pisngi ni Maine ang namula, pati ng buong sambayanan, except saken. Di ko siya type, masyado siyang matangkad for my dominant personality at ayoko ng lalaking mas maputi saken.

Bella introduced herself and Maine asked questions about her. They seem impressed with her drawings, talented naman kasi talaga si Bella sa design, nagtataka nga ako bakit hindi siya nag-Fashion.

"I think that's all for our questions today, Miss Fontanilla." Ani ni Maine.

"Wait, I have one question for you." Liam firmly said. I swear I saw Bella gulped out of nervousness. Napatingin ang lahat kay Liam. 

"Yes po?" kinakabahan niyang tanong. Nakakaintimidate talaga tong lalaking to. Bella can barely see the faces of the Executive Board, sa stage lang kasi may ilaw. From the darkness, our EVP leaned into the lighted part to show his face.

"Do you remember me?" seryosong tanong ni Liam. Wait, what?!

***

Author's Note: Hello! Nice to meet you! I'm Charms :)

 Interesting fact about Beautiful Goodbye:

-DNS University Theatrical Arts Club EXISTS IN REAL-LIFE. YES! They do exist during my college days and I've always wanted to join <3


Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon