3rd Person's POV
Sa posisyon ni Bella, kitang-kita niyang magkayakap si Liam at Lianne sa dilim. Kung hindi siya nagpanic, hindi siguro nila siya mapapansin pero sa kanyang gulat, nahulog ang baso sa kanyang kamay at nabasa ng alak ang kanyang pantalon.
Parehas nakatingin si Liam at Lianne kay Bella at hindi niya alam ang gagawin niya, "Ahhh... eh sorry po," nautal siya habang nagisip siya ng excuse kung bakit hindi niya sinasadyang makasira ng moment, "Lumabas lang po ako kasi tumatawag Daddy ko. Aalis nalang po ako –"
Biglang sumingit ang lasing na Judith, "Bella!! SIIIISS!" excited na tawag niya habang umakbay sa kanyang kaibigan, "Here's our plan na aack –"
Hindi na nasabi ni Judith kung ano mang plano na yun dahil bigla siyang sumuka pero imbis na sa simento niya ibinuga, sa t-shirt ni Bella siya sumuka.
'Ughh! Ang malas ko naman, nabasa ng alak yung pantalon ko, nasukahan pa yung t-shirt ko' sabi ni Bella sa isip niya 'Baka oras na para umuwi.'
She was about to walk away when Liam grabbed her by her wrist and dragged her away.
"Liam, where are you going? Get back here." Sigaw ni Lianne.
Pagkatapos ng nakita ni Bella, hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya ngayon nakakapit si Liam. Hindi ba dapat si Lianne yung inaasikaso niya? "Liam, san tayo pupunta? Uuwi nalang ako." Sabi niya
"We're gonna get you cleaned up." Sabi ni Liam, habang hawak padin si Bella.
Nakarating sila sa kotse nito. Pinagbuksan niya ng pinto si Bella at inalalayan makaupo nang maayos tsaka ito umupo sa driver seat. "Okay lang po este – okay lang ako." Sabi ni Bella.
Inabutan siya ng panyo at alcohol ni Liam "Wipe it off." Seryosong sabi ni Liam.
"Okay lang po talaga ako, promise." Sabi neto.
"Wag ka nang makulit, Bella. Are you going to do it by yourself or do you want me to wipe it off for you?" Namula si Bella sa tanong ni Liam.
Nagsimula nang punasan ni Bella ang suka nang i-start ni Liam ang kose at nagmaneho papalayo. Panandaliang natahimik silang dalawa.
"It's not what you think." Liam said out of nowhere.
"Ha? Alin?" napatanong si Bella. Biglang narealize niya kung anong sinasabi ni Liam. "Aaahh... iyon po? Whatever's going on between you two is none of my business po."
"I just don't want you to get the wrong idea." Paliwanag ni Liam.
Nakarating sila sa Mini Mart na malapit sa bar. "We're gonna buy clothes for you to wear, so that you'll be comfortable." Sabi ni Liam.
"Kaya mo pa ba? Are you drunk?" buong pag-aalalang tanong ni Liam. "No, I'm okay."
Maliit lang ang tindahang napuntahan nila. May basic necessities lang na paninda ito at wala halos mapagpipiliang damit. Kinuha ni Liam ang isang puting T-shirt na medyo maluwag kay Bella.
"Miss, wala po ba kayong ibang pangbaba bukod dito sa shorts na to? Medyo maiksi kasi eh tapos gabi pa." sabi ni Liam.
"Nako sir, wala na po eh, mukha naman pong sakto lang sa size ng girlfriend niyo." Sabi ng saleslady.
Nagulat si Bella sa sinabi ng saleslady, tiningnan niya si Liam at hinintay na indeny ang sinabi ng saleslady pero parang wala itong kakaibang narinig.
"Ay Miss, hindi ko siya boyfriend." Depensa ni Bella.
Naramdaman niyang napatingin sa kanya si Liam. Umiwas ng tingin si Bella at dali daling nagbihis sa may CR ng tindahan. Tahimik na naghihintay si Liam sa labas. Binabantayan ang labas ng CR at nagmamasid. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng mga gantong bagay. Maski siya ay naguguluhan sa nararamdaman, hindi niya alam kung bakit ganon siya kay Bella.
"Uhhmm Liam? Okay na ko." Sabi ni Bella paglabas niya.
Tiningnan ni Liam ang dalaga. Simpleng T-shirt at shorts lang ang suot nito pero sobrang lakas na ng dating sa kanya. Ngayon niya lang nakitang naka-shorts si Bella dahil lagi itong naka-pantalon. He composed himself upon seeing her flawless legs.
Bella looks undeniably sexy. Lalo na't nagpony tail pa ito. Mas lalo niyang gustong protektahan ang dalaga. Hinubad niya ang suot niyang black bomber jacket.
"Eto suotin mo, malamig na." sabi ni Liam. Pero pinasuot niya rin talaga ito kay Bella para maitago ang hubog ng katawan nito.
"Hatid na kita sa inyo pauwi, delikado na." sabi ni Liam habang nagmamaneho.
"Hindi na Liam, maraming salamat. Susunduin ako ng driver namin. Makikisabay nalang sana ako sa bar. Kelangan ko bumalik at naiwan ko bag ko." Sabi ni Bella. Sobra na ang pag-aasikasong ginagawa sa kanya ng binata kaya nahihiya na siya.
Agad na nagsisi si Bella sa desisyon niya pagkabalik sa bar para kunin ang bag.
'LUPA KAININ MO NA KO. SANA DUMIRETSO NALANG AKO SA BAHAY.' Sabi neto sa sarili.
Andun padin ang mga kasamahan nila at gulat na nakatingin sa kanila. "Sis, san kayo galing? Bigla kayong nawala dalawa tsaka iba na ang suot mo? Suot mo pa Jacket ni Liam, may pa-shorts ka pa ah?" sabi ni Judith.
"Nagbihis lang ako and got cleaned up. Sinukahan mo ko diba?" sagot ni Bella.
"Oo nga pala. Sorry, sis. Hehehe!"
Hindi naisip ni Bella ang maiisip ng orgmates niya pag nakita sila ni Liam sa ganoong situwasyon.
"Liam, san kayo galing? I was still talking to you." Tanong ni Lianne kay Liam na nakatitig kay Bella.
"Just somewhere near to get her cleaned up." Sabi ni Liam.
"Don't tell me dinala mo siya sa place mo?" tanong ni Lianne.
"No." sagot nito. Lianne released a sigh of relief.
Hininaan ni Judith ang boses niya paglapit niya sa tenga ni Bella, "Sis, selosa mode maigi ang ate mo Lianne. Gigil siya nung hinila ka ni Liam palayo at sinakay sa kotse. Hinanap nga kayo ng mga orgmates natin eh."
"Did she get the wrong idea kaya? Sana hindi." Nag-aalalang sabi ni Bella.
"Of course! Yes. She was crying her heart out to him. Eh ikaw nasukahan pero mas pinili ka niya. Tapos bumalik ka pa ganyan hitsura mo, ano nalang iisipin ng orgmates natin." Sabi ni Judith.
Bella groaned in frustration. Di niya kasalanan kung may white knight complex si Liam. Sana hindi maging hostile si Lianne sa kanya dahil sa kabaitan ni Liam.
"BTW, effective ba ang Oplan: Confirm the identity of L? Were you able to get his handkerchief?" tanong ni Judith.
Ayun lang ang clue nila sa Secret Admirer ni Bella, ang iniyakan niya sa garden, ang nagpapadala sa kanya ng notes sa locker at nagbigay sa kanya ng puting panyo na may embroidery na letter L para punasan ang luha niya.
'Oo nga pala' naisip ni Bella sabay nilabas ang puting panyo na inabot sa kanya ni Liam.
"Hanapin mo na yung embroidery." Ani nito.
Hinanap ni Bella ang patunay na si Liam si L ngunit walang bakas ng letra ang panyo "Wala Judith." Bigong sabi ni Bella.
"Ano? Wala talaga? Ibig sabihin hindi siya si Liam si Mr. L kundi si –"
"Lucas." Tinapos ni Bella.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomanceOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...