Chapter 53: Fix you

25 2 0
                                    

3rd person's POV

Kabadong nakatayo sa entrance ng ospital si Liam na pagmamay- ari ng pamilya niya. Isa itong sa pinakabagong Ospital na tinayo ng tatay niya at ang pinakamalaking Ospital sa Mactan.

Pagpasok niya ay naglingunan sa kanya ang mga tao. Sa tikas at tangkad palang ni Liam ay mararamdaman mo na ang presensya niya sa lugar. Lalo pang napukaw ang atensyon ng mga tao sa angking kaguwapuhan ng binata.

Nakaabot na ang pagdating ni Liam sa mga nagkukuwentuhang mga nurse sa di kalayuan na nurse's station. "Girl! May nahagip akong chika! Kasama sa batch ng Junior Interns natin ngayon ang anak ng Boss. Bagets na bagets pa, pero in training na for VP position." Chikahan nila.

"Oo nga eh. Sabi sa chismis snobber daw." Sabi pa ng isa.

"Ay bayaan mo na! Iwasan nalang natin." Bulungan nila.

"Hello, excuse me. Ask ko lang po kung san po ang assembly for Junior Interns?" Tanong ng boses ng isang lalaki.

Naglingunan ang mga Nurse at napapigil-hininga sila sa kanilang nakita. "Junior Intern ka dito?" tanong ng isang nurse.

"Yes." Nakangiting sagot nito na lalong kinakilig ng mga nurse.

"Pahiram muna kami ng ID mo, to confirm." Sagot nito pero gusto niya lang makita ang pangalan ng guwapong binata.

Binigay niya ang kanyang ID at sabay-sabay ito inabot ng dalawang nurse. Nagtinginan silang lahat bago naglakas loob ang pinakabata sa kanila at dali-dali itong kinuha sa kamay ng binata.

"Please wait here, check lang namin sa system." Sabi nila at nagtipon-tipon sa lugar na malayo sa bagong intern.

"I CALL DIBS ON THIS GUY AH?! Ako kumausap!" sabi ni Eliza, ang batang nurse ng Ospital.

"Ang guwapo na, mukhang mabait pa. Choya aning bat-ana uy! (This guy is awesome) Mukhang magkakajowa na ko! Thank you, Lord!" sabi naman ni Bea.

"Tingnan mo na kasi yung ID, para ma-add na natin sa Social Media." Dagdag pa ni Bea.

Agad nilabas ni Eliza ang ID na nasa bulsa at binasa ang pangalan. "Liam... Liam Castillo." Sambit ni Eliza. "Hala! Ang guwapo din ng name, Sis!!!"

"Pero teka, bat parang narinig ko na yun?" tanong ni Bea, nagkatinginan silang dalawa at nanlaki ang mga mata nila nang makilala ang binata at agad silang napatakbo pabalik.

"Sorry po, Sir Liam. Hindi po namin kayo nakilala." Sabi ni Eliza.

"It's okay. I was just asking for directions anyway." Nakangiting sagot ni Liam.

Itinuro ng dalawa ang direksyon, "Salamat!" sabi ni Liam bago naglakad papalayo.

"Sis, hanapin mo na sa Social Media dali!" sabi ni Bea.

"Ito! Found it! Grabe ang guwapo day!" sabi ni Eliza.

"Ay shet. Relationship Status: IN A RELATIONSHIP. May jowa sis!" Iyak na sabi ni Bea.

Halos mabali ang leeg ng mga tao maging mga pasyente man o Doktor sa paghabol tingin kay Liam. Unang araw palang pero nagsimula na ang madugong training ni Liam. Sumabak sa 24-hour duty agad ang binata at sumakto rin na madami ang pasyente sa ospital. He tried his best to survive the day no matter how hard it was.

Lumipas ang mga araw hanggang sa ilang linggo na ang lumipas at halos wala nang pahinga si Liam. Hindi na rin ito nakakakaen nang ayos. Halos laging puno ang Emergency room kaya batak siya sa trabaho, sinabayan pa ng madugong pag-aaral. Ang natitirang oras na dapat para sa pagpapahinga ay ginugiol niya para tinawagan ang kanyang girlfriend. Pasimple siyang umupo sa labas ng Emergency room.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon