Chapter 3: Cry

81 4 1
                                    

Bella's POV

"Kamusta na yung dress na gagawin mo?" Tanong sakin ni Judith habang naghihintay kami sa late namin professor.

"Still trying." Sagot ko. Hindi pala ganun kadali gumawa ng dress kapag wala kang basic background.

"Alam mo, meron akong friend na Major in Fashion, may mabait daw silang Professor, very passionate, pwede daw mag-sit in sa class niya. Pero mga once or twice lang. Gusto mo try natin mag-sit in?" tanong ni Judith. Magandang ideya nga yon.

"Subukan mo lang, wala namang mawawala eh." Pilit ni Judith.

"Sige." Mahina kong sagot.

"Ayun! I think may class yung friend ko around 5 pm, wala na tayong class non." Sabi ni Judith.

Liam's POV

"Mr. Castillo got the highest score in this class again. Wala na bang iba? You guys should work as hard as Liam for your Prelim Exams. Class dismissed." Saad ni Mr. Garcia sa klase.

"Liam, congrats nga pala sa exams. Galing mo." Bati ng kaklase kong babae. "Thank you." Sagot ko nang di tinitingnan ang kausap ko. Lumabas na ko ng classroom at nakasunod parin itong kaklase ko.

"Would you mind if I invite you out for coffee, magpapatutor sana ako." Nahihiyang tanong ng kaklse ko.

I don't even know her name. She was still talking when I saw someone behind her passing by. She looks familiar. Si Sketchpad girl! I remember nasa locker ko pa yung sketchpad and this might be a good time to give her that so that it won't bother me again.

"I have a group study later, you can join." I told my classmate.

"But I have something important to tell you, really important." She said softly as she bit her lip and tucked her hair behind her ear.

"Please, Liam?" tanong niya saken.

"I only teach in groups to be time-efficient. If you don't like it, try mo sa iba magpatutor. Bye." Sabi ko then I ran away, but sketchpad girl was already gone. I saw her heading towards the College of Fashion before she was gone, maybe she really majors there.

Bella's POV

"That class bored me to death. My gosh, mas complex pa yata gumawa ng dress kesa sa Business Strategy." Saad ni Judith. Ginabi na kami, 3-hour class pala yun.

"Somehow, that's true, depende sa tao, ikaw kasi business-minded that's why, it is easier for you to understand the Business Language compared to Dress-making." sagot ko.

"Bella ikaw ba yan? Sobrang may sense yang sinasabi mo ah? Kinikilabutan ako, di ako sanay." Pabirong sabi ni Judith.

"Kaya ka kinikilabutan kasi may babaeng nakaputi sa likod mo." Sabi ko

"Oh my gosh wag ka manakot! Super gabi na, pasara na ang school!" sigaw ni Judith sabay tumakbo ako palayo para iwan siya.

"Hoy Bella! Wag mo ko iwan!" Hinabol ako ni Judith habang tinatawanan ko lang siya.

Wait, masaya nanaman ako. This day is too good to be true. Baka mamaya, may hindi magandang mangyari. Ganun kasi sa buhay ko, pag masyado akong masaya, nagiging suspicious ako na baka may bullshit na mangyari later on.

Nasa kuwarto ako, ginagawa ang red cocktail dress. Mas madali na siya ngayon dahil malaking tulong ang pag-sit in ko sa class ng Fashion kanina. Alam ko na ang tamang "Know-how" and basics of dress-making. Unti-unti ko nang nabubuo yung dress. Nakikita ko na siya. Ang saya ko. Maybe, just maybe, I can be genuinely happy. Suddenly, there was a knock on my door.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon