Bella's POV
"Hi guys! Welcome to B&J's channel! We're now here at Sagada Mountain Province! And today, aakyat kami ng bundok for the first time! This is for our Outreach Activity and Teambuilding. So good luck to us. Charot!" sigaw ni Judith.
"Huy, feeling blogger ka nanaman dyan." Sabi ko. "Tulungan mo nalang ako magbitbit ng costume para sa story-telling, tsaka yung foods."
Sabi ko kay Judith nang magsalita si Lianne. "Okay guys, nasa bandang gitna ng bundok ang school na pupuntahan natin. So, di tayo masyado mahihirapan sa bitbitin to. Let's go." Sabi niya. Maski pang bundok na outfit ang ganda ni Lianne. She's wearing a black sporty shirt na medyo tight kaya naeemphasize ang curves niya.
After 2 hours of hiking, narating namin ang school. "Okay kids, ready na ba kayo maglaro?" masayang bati ni Liam na maligayang sinagot ng mga bata. Kitang-kita mo na magiliw sa bata si Liam at mukhang sanay na sanay siya makisama dito. Nakipaglaro agad siya sa mga bata at tawa sila nang tawa.
"Grabe. Daddy material no?" bulong ni Beatrice, isa sa mga ka-team ko sa costume design. "Gustong-gusto siya ng mga bata. Lakas ng charisma."
"Ah oo nga eh." Sagot ko.
"It's story-telling time na mga kids, upo muna lahat sa floor ikukuwento na namin ang... Kuwento ng Gamugamo ni Dr. Jose Rizal! Sino makakapagsabi saken kung sino si Dr. Jose Rizal? Bibigyan ko ng chocolate!" sabi ni Lianne at nagtaasan ng kamay ang mga bata para sumagot.
Si Chad ang gumanap na gamu-gamo. In fairness kay Chad, bagay sa kanya. Char! I mean ang galing niyang umarte. Masayang-masaya ang mga bata. Hindi kami nahirapan turuan sila at pagkatapos ay masaya nilang kinain ang inihanda namin sa kanila.
"Ate, maraming salamat po sa spaghetti ah? Sobrang sarap po." Lapit saken ng isang bata.
"Anong pangalan mo?" tanong ko.
"Ako po si Issa. Short for Alissa po." Sabi nito.
"What a beautiful name, Issa!" sabi ko, "Ilang taon ka na?"
"Seven years old po." Sabi nito. Magaan ang loob ko sa batang ito. Hindi kasi ako sanay makisalamuha sa kanila. Well, there's a first time for everything. "Ito po si Mia, kapatid ko po, 3 years old." Pakilala niya, isa pang napacute na bata.
"Hello Mia! Sino nag-aalaga sa kanya?" tanong ko.
"Ako po! Lagi po kasi nasa bukid sila nanay." Sabi niya.
"Sige. Ako muna mag-aalaga sa kanya ha?" Ani ko. Masaya kong sinubuan ng spaghetti si Mia.
This experience is so heartwarming. Sobrang saya sa feeling ang makatulong. "Hello, ako si Kuya Liam, anong pangalan mo?" biglang sumulpot si Liam sa tabi ko.
"Ako po si Issa, short for Alissa." Sabi ni Issa bago ituro ang kanyang kapatid, "Eto naman po si Mia, kapatid ko."
"Kumaen ka nang maayos ha?" tanong ni Liam kay Issa.
"Opo! Maraming salamat po!" ani nito.
"Mukhang nasisiyahan ka maigi ah?" ngiting sambit saken ni Liam.
"Oo, masaya pala yung ganitong feeling. Kakaibang satisfaction." Sabi ko.
"The kids seem to like you." Sabi niya saken.
"Ay haha thank you." Sabi ko kay Liam at napangiti kami sa isa't-isa.
"Ate Bella, boyfriend niyo po ba siya?" tanong ni Issa.
"Ay hindi." Tanggi ko bago ako lumapit kay Issa at nagpanggap na bumulong, "Boss ko siya."
Natawa si Liam sa kanyang narinig at siya naman ang bumulong kay Issa, pero hindi niya naman pinarinig sa akin at nagtawanan silang dalawa, "Liam, anong sinasabi mo?" tanong ko habang pinapakain si Mia. Nakakanlong saken si Mia habang si Liam ay nakaupo sa tabi ko. Si Issa naman ay nakaupo sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
Storie d'amoreOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...