3rd Person POV
"I can't do it." Nag-aalangang sabi ni Bella. Hindi niya kaya.
"Do it Bella, break it." Mariing sabi ni Lianne.
"But this part of you is too precious. I can't break it." Sabi ni Bella.
"Bella, it's okay. I promise. Okay lang ako. Gawin mo na." Lianne smiled reassuringly.
"Uhmm...Sure po kayo ha?" tanong ni Bella.
"Bella, it's just hair. Brush it upwards and we're done." Sabi ni Lianne.
Unang araw ng event nila na "The Possession" at si Lianne ang gaganap na sinapiang babae na nagngangalang "Anna".
"My hair needs to look completely disheveled." Sabi ni Lianne habang naglalagay ng ghost make up.
"Sobrang ganda po kasi ng buhok niyo, sobrang silky, parang model ng Cream silk." Sabi ni Bella.
Natawa si Lianne. Kahit tawa niya maganda. "You're funny, Bella. Okay lang yan, may appointment na ko sa salon after ng event." ani nito.
"Lianne, handa na daw po ba kayo?" tanong ni Judith pagkapasok sa dressing room.
"5 minutes more, please." Pakiusap ni Lianne.
Napangiti si Bella nang makita si Judith. "Bagay ba?" tanong sa kanya habang nagpopose.
"Bagay na bagay sayo, Judith. Masaya akong ikaw ang nagsuot ng damit na pinakauna kong ginawa." Masayang sabi ni Bella.
"I like it. It's so comfortable, I could wear this whole day!" sabi ni Judith.
Sumilip sila sa labas. Nagulat sila sa kanilang nakita. "OMG! Is this real?" tanong ni Judith.
"I'm so happy, look at those long lines. Hopefully, marami tayong malilikom na funds to be used on our Outreach Activity, 'Project Akap.'" Sabi ni Lianne. "Oh Lianne, pwesto na. Alam mo na gagawin ha?" sabi ni Maine. Siya ang project head ng event na to.
"Guys, two lines lang tayo ha? Careful, wag kayo magtutulakan." Nakangiting anunsyo ni Liam na na-assign sa registration.
"Kuyang pogi, baka pwede naman samahan mo kami sa loob? Matatakutin kasi ako." Sabi ng kinikilig na participants.
"Sorry girls, sa registration lang siya nakatoka eh. Gusto mo ako? Samahan kita." Nakangising sambit ni Chad sa mga babae.
"Landi talaga neto ni Chad, nakakairita." Sabi ni Judith sabay may pag-irap.
"Oh, eh bakit asar na asar ka? Single naman siya eh." Sabi ni Bella.
"Kahit na no? Sus!" sabi ni Judith.
"Aba, Judith Barcellano. May hindi ka ka yata sinasabi saken." Pangangantyaw ni Bella sa kaibigan.
"Wala no! Ayoko lang sa ganyan. Lahat nalang ng nakapalda nilandi." Nakairap na sabi ni Judith.
"Judith, heto na first participant natin. Paki-guide sa story room para ma-briefing sila." Anunsyo ni Liam. "Got it!" sabi ni Judith.
"Alas-tres ng madaling araw nang magising si Anna sa kanyang pagkakatulog. Pawis na pawis siya at hinihingal na tila ba siya'y may tinatakbuhan. Agad niyang sinindihan ang lampara sa tabi ng kanyang kama. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, unti-unti niyang itinaas ang lampara upang bigyang ilaw ang napakadilim na paligid. Nabalot ng takot ang puso niya nang makita ang babaeng nakaitim sa paanan ng kanyang kama.
Papalapit ito nang papalapit sa kanya, at habang nang malapit na ito, nakita niya ang itim at duguang mata nito na nanlilisik. Umalingawngaw sa buong mansion ang sigaw ni Anna. Nagsitakbuhan ang mga tao papasok sa kuwarto upang hanapin si Anna, ngunit hindi na si Anna ang kanilang inabutan. Hindi na kaluluwa ni Anna ang nasa katawan nito.
Sa loob ng kanyang kwarto,
Ay inyong maiisip at mapagtatanto
Bagay na kumakatawan sa espirito
Wasakin nang mawala ang sumpa
"Hala nakakatakot! Huhu! Guys tutuloy pa ba tayo?" tanong ng participant sa kasama niya.
"Oo naman, tara na! Hahanapin lang naman yung sinumpang bagay tapos wawasakin. Eh di wasakin natin lahat."
"Hindi maaari. Mayroon lamang kayong isang bagay na maaring wasakin. Ibig sabihin ayun na ang inyong pinakasagot, kaya pag-isipan niyo maigi. Gamitin ang isip. Handa na ba kayo?" ani ni Judith.
"Yes! Let's go!"
Maya-maya lamang ay merong sumigaw na contestant, "SHET! DI KO NA KAYA! NAKAKATAKOT SI ATE!!!"
"BILISAN MO JOHN!!!! MATATAPOS NA ANG ORAS!" ani ng kasama nito.
Biglang namatay ang mga ilaw hudyat na tapos na ang oras.
"Solid grabe, nakakatakot. Hindi natin na-solve, gusto niyo ulitin guys?" usapan ng contestant. Pagalis ng mga contestant ay naghanda na ulit ang org members para sa susunod na maglalaro.
"And that's a wrap, guys!" inanunsyo ni Liam. Palubog na ang araw ng natapos na nilang itabi ang gamit nila. Halata sa mga mukha nila ang pagod kaya pinaikli niya lang ang meeting para madismiss na sila agad, "Thank you so much! Pahinga na kayo. May bukas pa."
Nagpalakpakan ang lahat. "Okay ka lang?" tanong ni Liam kay Lianne.
"Yes, I just need a water." Sabi ni Lianne.
"Grabe hinang-hina yung President natin." Nag-aalalang sabi ni Bella.
"Ikaw ba naman saniban buong araw, paulit-ulit. Ako ngang nagkukuwento lang, maloloka na eh. Yung sinapian pa kaya?" sabi ni Judith.
Inabutan ni Liam si Lianne ng bottled water, "Here, drink it up."
"Chad, pakihatid si Lianne sa pick up point ng chauffeur niya. Kami na bahala magligpit dito." Sabi ni Liam.
Liam radiates the aura of a true leader. He seems passionate in what he's doing, and he cares for the people around him. That's what she admires about him.
"Sis, pakisara yung bibig mo. Baka pasukan ng langaw hahaha." Biro ni Judith sa kanya.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Bella.
"Kanina ka pa kasi nakanganga kay Liam. Sabagay, hindi kita masisisi. Guwapo naman siya, matalino, responsible, mabait. Boyfriend material." kantyaw ni Judith habang nagmo-mop ng floor.
"Boyfriend ka dyan?!" Gulat na hiyaw ni Bella.
Natigilan ang lahat ng tao sa kuwarto pati na si Liam. Bigla siyang siniko ni Judith, "Sis, joke lang yun. Act normal dali. Nakakahiya ka." Bulong sa kanya.
"Huyyy! Anong boyfriend yan ah? May boyfriend ka na, Bella?" Pabirong tanong ni Maine. Nakatingin ang lahat kay Bella. Lahat sila ay naghihintay ng sagot ng dalaga. Napatingin siya kay Liam at maski ito ay naghihintay ng sagot niya.
"Uhmmm...."
"Ahh eto po kasing kaibigan ko, nabigla sa chismis ko, yung blockmate po kasi namin may boyfriend na hehehe." Pagdadahilan ni Judith.
"Well, di na ko magtataka kung may boyfriend na si Bella, like if you'll look at her closely, she's really pretty. Right, Liam?" saad ni Maine.
"Yes, she's beautiful."
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomansaOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...