Chapter 10

46 2 0
                                    

Bella's POV

Hell week! Nakalimutan kong one week before ng "The Possession" ay Prelim Exams pala. Kung pwede lang hatiin katawan ko, nagkapagaral na ako at nakapagtahi pa. Though, masaya naman ako kasi tinuturuan ako ni Mom magtahi, bonding time na din. I'm just tired but happy tired.

"Earth to Bella, please." Sabi ni Judith habang nasa classrom kami.

"Ay, Sis. Ano yun?" ani ko.

"Sabi ko, kelangan na natin mafinalize ang draft natin next week sa thesis, exam week na di ba?" paalala nito.

"Ay oo nga pala. Hehe sorry nakalimutan ko." nakangiti kong sabi.

"Anong meron sayo? Parang nag-iba ka." Ani ni Judith.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" sabi nito.

"Basta parang, umaliwalas mukha mo, di tulad nung first week ng school. Naging blooming ka." Paliwanag ni Judith.

Totoo ba? I just feel very light recently. Yung mabigat at madilim kong mundo parang umaaliwalas na. Na parang nagkasundo na kami ni tadhana after 18 years of being at war with each other. My mind finally made peace with the devil inside my head.

"Masaya lang ako, na wala nang kabullshit-an na nangyayari saken. Sana magtuloy-tuloy na." sabi ko kay Judith.

"Magtuloy-tuloy ang ano?" biglang may maarteng sumabat sa usapan namin.

"Trixie, katok ka muna." Sabi ni Judith.

"Katok?" ani nito.

"Katok ka muna bago ka manghimasok sa usapang di ka naman kasali." Sabi ni Judith.

"Ha.Ha. Ha," sarkastikong pagtawa ni Trixie, "Funny ba yon, Judith? Ang cheap mo talaga. Magsama kayo ng friend mong mukhang ewan. Balita ko member na kayo ng theatrical arts?"

The girl even had the gall to direct her raised eyebrow at me before snorting out. "Naligaw ka ba, Bella?"

May mga tao talagang bubuwisitin ka kahit nananahimik ka eh. Yung mga bullies na to. Kala mo naman pantay magdrawing ng kilay.

"Eh ano naman kung naligaw lang ako, at least natanggap diba? Eh ikaw Trixie, di ba nag-apply ka din dun? Halos magmakaawa ka pa nga. Sabi mo kahit ikaw lang yung puno sa background masaya ka na." sagot ko sa kanya.

"Hoy Bella, shut up!" nanggagalaiting sabi ni Trixie, dahil na rin siguro sa kahihiyan.

"Gusto mo maging puno ha? How ironic. Eh ikaw nga siguro ang main cause ng deforestation sa mundo. Ang hilig mo kasing pumapel!" dagdag ko pa.

"You bitch." Sasampalin na sana ako ni Trixie nang pigilan siya ni Judith.

"Subukan mong ituloy yan. Baka nakakalimutan mo, isa kaming Fontanilla at Barcellano. We can close your family's company if we want to, so don't you dare fuck with us, Trixie. Kung insecure ka, manahimik ka nalang." Mariing sabi ni Judith.

"We are not yet done, Bitch." Banta ni Trixie saken.

Way to ruin my beautiful day girl!

"Kaloka talaga! Simula nung natanggap tayo sa Theatrical Arts, dumami ang inggitera sa mundo. Wag na nga lang tayo pastress sa kanila, girl! Kain nalang tayo sa labas, we should treat ourselves. Somewhere nice." Sabi ni Judith.

"O sige na nga." Sabi ko. Naglalakad kami sa labas ng Business Administration Building nang may makita kaming pamilyar natao.

"Diba si Liam yun at Lianne? Silang dalawa lang?" bulong ni Lianne.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Bella. Isang linggo na ang nakalipas mula nang huli niyang nakita si Liam nang samahan siya neto mamili ng tela.

"Grabe ang close na nila noh? Ba't kaya hindi pa naging sila?" sabi pa ni Judith.

"Oo nga eh, maski pangalan nila, bagay. Liam and Lianne." Sambit ni Bella.

"Alam mo girl, ang chika daw eh in love daw si Ate mo Lianne kay Liam. Eh syempre, classy si Lianne kaya naghihintay lang daw yan na ligawan siya." Ani ni Judith.

"Eh... si Liam ba?" tanong neto.

"Ay yan ang di ko confirm, sis. Pa-mysterious effect ang kuya mo Liam, hindi mo mabasa kung anong iniisip niya." Ani ni Judith.

"Uy guys, kayo pala yan!"

"Ay kabayo-" gulat na sabi ni Judith.

Nakita kami ni Lianne at saka naman napalingon si Liam. Hindi ko alam kung bakit pero parang nahihiya ako. Kaya napatungo nalang ako.

"Kumaen na kayo?" tanong ni Liam.

"Pakain palang po, nag-iisip palang po kami kung saan kami kakain." Sagot ni Judith kay Liam.

"Sabay na kayo samin guys. For us to get you know better." Yaya ni Lianne. Halata mo sa kanyang disente at mabuti siyang tao.

"Aahh sige po." Sagot ni Judith.

Sumunod lang kami sa kanila at dinala nila kami patungong parking lot. They were casually talking to each other, Lianne is laughing pero si Liam pangiti-ngiti lang. Nakarating kami sa black Mazda 3 ni Liam. Naunang sumakay si Judith sa kanang parte ng kotse at ako naman sa kaliwa. Pasakay na sana ako nang maramdaman ko si Liam sa likod ko.

"Here, let me open the door for you." Sabi niya sabay inalalayan ako makapasok ng kotse.

He's so close to me, amoy na amoy ko ang pabango niya. "Thank you." Sabi ko.

Tsaka ko napansin na nasa labas pa rin si Lianne ng passenger seat at tila naghahantay na pagbuksan din siya.

"Girl ano yon?" nagtatakang tanong ni Judith dahil sa pag-alalay saken ni Liam.

"Di ko din alam." Bulong ko.

Habang nasa biyahe, kinausap kami ni Lianne. "So girls, how are you adjusting to acads with org life balance?"

"Okay naman po, masaya naman po sa ginagawa kaya hindi po alintana ang pagod." Sagot ko.

"That's good to know. I remember din 3 years ago, nung newbie ako. Oh my gosh! Naalala ko yung audition. Me and Liam were asked to do a scene where we were pretending to be- "

"Lianne, I don't think they need to know that." Sabi ni Liam.

"I see, sorry I got carried away. Alam niyo kasi itong si Liam sobrang seryoso at mahiyain. Ewan ko nga pano ko naging kaibigan to eh." biro niya.

Makuwento din pala tong si Lianne. Ang amo ng mukha niya, akala mo di masyado pala-salita. Sobrang daming kuwento, nakaabot na kami sa restaurant, may kinukuwento padin siya. Nakapasok kami sa isang restaurant na parang garden. Hanging orchids sa wall, may maliit ng falls sa may reception and very relaxing yung lugar, mukhang mahal naisip ko.

Nakita kong inalalayan ni Liam sa pag-upo si Lianne. Nasobrahan naman sa pagka-gentleman to.

"Excuse me, I need to take this call." Sabi ni Liam.

"So yung kuwento ko kanina, I think he's just too shy to hear this story. Pero nung audition namin, first year siya, second year ako, tinest ng Executive Board kung gaano kalakas yung loob namin gumanap sa scenes and Liam was so nervous."

"They asked us to pretend to be lovers breaking up then sa last scene, we'll bid each other goodbye with a kiss. So me being an actress wannabe, I agreed to do it since gusto ko maging Professional." She giggled a bit before continuing with her story.

"But si Liam, OMG! It took us hours to convince him to do the scene, he was almost rejected by the EBs. And nung gagawin na yung last scene, he suddenly angled me and did the scene without really kissing me but the way he angled me fooled the EBs. The kiss looked real. I was fascinated on how he handled sa situation, and it turns out, he's sentimental about those things. Kaya he can do all sorts of acting but no kissing daw."

As she finished her story, I learned that hindi lang siya maasikaso, Liam is a very sincere guy who's quite sentimental when it comes to romance.


Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon