Bella's POV
'What?! No!!! Don't leave me!'
I wanted to scream it at the top of my lungs, but I bit my lip from saying so. I didn't want him to go, not after giving me the best night of my life. Yinakap ko siya nang mahigpit.
"Mamimiss kita." Sabi ko sa kanya.
"Me too babe, sobrang-sobra." Sabi niya.
Paglabas namin ng kuwarto ay nakaabang na si Dad at Mom sa Dining table. Buti nalang talaga naka-coat ako.
"Tuloy na tuloy ka na talaga, Hijo?" tanong ni Mom.
"Yes po, Tita. I'll keep in touch po." Sabi ni Liam.
"Bella, Liam booked two tickets going to Cebu, para sa inyong dalawa. Hindi ka ba sasama?" tanong saken ni Dad.
"Hindi na po, Dad." Sagot ko.
"Are you sure?" No.
"Yes." Sagot ko.
"Hatid ka na namin sa airport." Sabi ni Dad.
Nakasandal ako sa braso ni Liam habang papunta kami sa airport. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Kakayanin ko kaya? Baka masyado lang ako nagpakain sa pride ko, sumama nalang kaya ako sa kanya?
Gulong-gulo ang isip ko nang makatanggap ako ng tawag kay Beatrice. "Hello?" sagot ko.
"Hello Bella! Si Beatrice to. Natanggap ko na portfolio mo. Sinend saken ni Judith. Nung college pa pala 'to pero ang gaganda. Pinakita ko kay Miss Margaux and she's really impressed. She wants to have an interview with you tomorrow." Sabi niya.
"What? Ha? Sige sige, magreready ako para bukas. Salamat Beatrice!" masayang sabi ko at tinapos na namin ang call.
"Ano yun, Babe?" tanong ni Liam.
"Si Beatrice, naka-set ako for videocall interview bukas." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Liam pulled me into his arms and kissed the top of my head. "Good luck, babe. I know you can make it." Sabi niya.
Napalitan ng lungkot ang ngiti ko nang ma-realize ko na wala na siya bukas paggising ko. I hugged him back, savoring the last moments that we're together.
"We're here." Sabi ni Dad.
Pagkarating sa airport ay saka lang nag-sink in saken ang realidad. After five years naming magkasama, mawawala na si Liam sa tabi ko. The person who was always by my side, through the good and the bad. Ang source of happiness ko. Ang taong kasama ko araw-araw. All these times, I took him for granted kasi alam kong hinding-hindi niya ko iiwan pero dadating din pala tong araw na to.
"Tito Jaime, Tita Amelia, maraming salamat po sa pagtanggap saken bilang anak niyo po sa loob ng limang taon. Makakaasa po kayo na lalo ko pong pag-iigihan ang pag-aaral ko po sa Cebu para pagdating po ng araw, panatag niyo pong ipapaubaya saken ang anak niyo, ang babaeng pinakamamahal ko." Sabi niya.
Hindi ko na mapigilan ang umiyak. "Babe, wag ka na umiyak, mahihirapan ako umalis niyan." sabi ni Liam nang pinahid niya ang luha sa mga mata ko.
"Go make me proud, okay? Don't let our sacrifices go to waste." Sabi ni Liam.
Niyakap ko nalang siya nang mahigpit na mahigpit, naramdaman kong niyakap din ako ni Liam. "Aahh... Mamimiss kita sobra, Mahal ko. Sobrang hirap iwan ang pinakamamahal kong Prinsesa dito. Wag ka mag-alala. Tumawag ka lang saken kapag kailangan mo ko ha? Kahit nasa Cebu pa ko, pupuntahan kita dito pag kailangan mo ko, mahal ko."
I took a good look at his face. Mangiyak-ngiyak na rin ang mata niya pero sobra niyang pinipigilan yon. "Wag ka mambabae ha?" sabi ko nang umiiyak.
Natawa si Liam. "Ayan pa talaga naisip mo ha?" He said as he playfully pinched my nose. "Eh sa iyakin mong yan, hinding-hindi kita sasaktan no."
Natawa siya pero after a few minutes, his face became serious. He stared at me for a long time like he's memorizing every details of my face. "I love you, Bella." He firmly said.
"I love you too, Liam." Sagot ko.
"Paalam, mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita." Sabi niya at tuluyan na siyang bumitaw saken at unti-unting naglakad palayo.
Hindi ko mailarawan ang sakit na nararamdaman ko ngayon habang pinapanuod si Liam maglakad papalayo. Basta napakasakit. Para bang unti-unti akong namamatay habang papalayo siya nang papalayo saken.
Nang malayong-malayo na si Liam, bumigay na mga binti ako. Sumalampak ako sa lapag at humagulgol ng iyak. "Ma, umalis na siya. Umalis na si Liam, parang hindi ko kakayanin." Sabi ko.
"Ssshhh anak, it's going to be okay." Pagpapatahan saken ni Mom.
1 week later...
I stared blankly at the white ceiling above me. Isang linggo na lumipas pero I still feel empty and lifeless. Everyday, I feel like I was wandering the world without a purpose. I can barely smile. I miss him so bad.
I dragged myself into the shower then I stared at myself in the mirror. Nababalot ng lungkot ang puso ko tuwing nakikita ko ang mga markang iniwan ni Liam sa katawan ko. Ngayon na unti-unti na itong nawawala, lalo lang akong nakaramdam ng pagkalumbay.
The days dragged on. My routine revolved around work and home. It was so monotonous, parang nastuck lang ako sa loob ng time loop. I can feel my depression getting worse, lalo na wala na ang happy pill ko para yakapin at kantahan ako hanggang sa makatulog.
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso ako sa bahay. I survived another dreadful day. Nagpalit ng pangbahay and dragged myself to bed. Hindi ako makatulog kaya tumulala lang ako sa kisame, iniisip kung tama pa rin ba tong desisyon ko.
Iiniisip ko kung ganito pa rin ang mararamdaman ko kung sumama ako kay Liam sa Cebu. Ganito pa rin ba ka-miserable ang buhay ko o magiging masaya ako dahil kasama ko siya?
I was lost in my own thoughts when my ringtone saved me from drowning in my misery. I felt my heart flutter when I saw that it was a video call from Liam.
"Hi Babe! Kamusta ka na? Tulog ka na ba?" tanong nito. Ang ganda ng ngiti ni Liam, it was bright and happy.
"Okay naman ako. Ikaw kamusta ka na dyan?" tanong ko.
"Look! Ultrasound ni Ate Janine. It's a baby girl! Our family is very happy right now, Babe. Sana nandito ka ngayon kasama namin magcelebrate." Sabi ni Liam.
"Buti naman sobrang saya mo dyan." Sabi ko with a forced smile.
"Hhmmm malungkot ba yang baby kong yan? Halika dito cuddle tayo." Sabi niya
Umuga ang camera niya habang humiga siya sa kama. Kumuha siya ng una at niyakap ito na tila ba ako ang kayakap niya. It felt weird pero nacomfort ako nang makitang yakapin ni Liam ang unan. I think I'll just watch him fall asleep and if that's not enough, I'll just have another iyak session after the call.
"Let's keep the call on until we fall asleep." Sabi ni Liam.
"Huh? Why?" tanong ko.
"So it would be like we're still sleeping together. Tsaka para mabantayan kita, I know you. Sa gabi umaatake ang anxiety mo. Babatayan lang kita para masiguro kong you won't have those anxiety attacks. I'll sleep once I'm sure that you're asleep." Sabi niya.
I freaking love this guy. I was having a hard time these past few days, pero isang tawag lang sa kanya, gumagaan na loob ko. He really is the only source of my happiness, I hope it's not a bad thing.
"Kakantahan din kita ng favorite mo, para makatulog ka nang mahimbing." Dagdag niya.
Unti-unti nang napapapikit ang mata ko hanggang hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi na ako nakaabot sa chorus ng kanta ni Liam. Finally, I felt at peace. I slept like a baby that night.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomansaOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...