3rd Person POV
"CUT!" sigaw ni Lianne. "I said cut! Stop! Stop it, right now!!!" dagdag pa nito.
"Lianne, why are stopping them? They were really about to kiss." Galit na tanong ni Mr. Santos.
"That's it for today." argue ni Lianne. Hindi ang galit ni Mr. Santos ang kanyang concern ngayon. "Liam, can I talk to you for a minute?" sabi ni Lianne
Nagtungo siya sa backstage na sinundan naman ni Liam. "What the hell was that, Liam? Were you really about to kiss her huh?" Di mapigilang tanong ni Lianne. She doesn't care anymore. She can't stop the emotions that has been bothering her for weeks.
"I-I couldn't help it. I just lost it." Sabi ni Liam.
Ang dami niyang gustong sabihin, gustong itanong pero walang lumalabas sa kanyang labi, "Let's not talk about this."
Ayaw na niyang pag-usapan ito. Di niya napigilang sumalampak sa sulok. Yakay-yakap niya ang kanyang tuhod atsaka siya umiyak. Hindi alam ni Liam kung anong gagawin, ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Lianne pero wala siyang magawa.
Narinig ni Liam na tinatawag siya ni Mr. Santos. Panandalian sanang aalis si Liam para magpaalam kay Mr. Santos. "Liam, don't leave. Please stay." Sabi ni Lianne sa gitna ng mga hikbi niya.
In the end, he just chose to be there for her. He sat beside her and lent his shoulder for her to cry on. Isinubsob ni Lianne ang kanyang mga mata sa balikat ni Liam at dun iniyak lahat. Na-realize ni Liam kung gaano siya kamahal ni Lianne at hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas na saktan pa ang kaibigan. He can't be selfish now.
Lianne cried for a long time until she fell asleep in Liam's shoulders. Maingat na binuhat ni Liam si Lianne sa kanyang bisig at lumabas ng backstage. Konti nalang ang natirang magligpit.
"Chad, kindly get my car keys and Lianne's bag. I'm taking her home." Bulong ni Liam para hindi magising si Lianne.
Nakita niya si Bella sa malayo, nagwawalis sa theatre seats. Nakita sila neto at napatigil sa pagwawalis. Hindi mabasa ni Liam ang emosyon sa mukha ni Bella dahil malayo ito.
'I'll talk to her next time.' Sabi ni Liam sa isip niya.
"Pare, eto oh. Hatid mo nang maayos yan si Lianne ha? Mukhang pagod na pagod." Naaawang sabi ni Chad. Tumango si Liam kay Chad at hinatid na pauwi si Lianne.
Bella's POV
What was that? What happened?
"Bella, grabe that was a close one! Na-shookt kaming lahat! Akala namin hahalikan ka talaga ni Liam, it was very close, like super duper lapit na, feeling ko kung di sumigaw ng cut si Lianne, nahalikan ka na talaga eh." sabi ni Beatrice pagkaalis ni Liam ng stage para sundan si Lianne sa backstage.
I can't believe at what just happened. Napatingin ako sa puwesto na inalisan ni Liam nung kissing scene. May naiwan siya, nakita kong nalaglag mula sa bulsa niya nung sinundan niya si Lianne.
Pinulot ko ang panyong nalaglag. Isasauli ko na sana nang may mapansin ako sa panyo. Nagulat ako sa nakita ko at hindi ako makapaniwala. I stared at it for a few minutes before it sinked in.
"Ay kay Liam yan, pansin ko ganyan lagi panyo niya eh tapos may nakaburdang L, binurda daw ng mommy niya bago siya umalis ng Cebu." Sabi ni Beatrice.
Ibig sabihin, siya ang iniyakan ko, siya ang nagpapadala ng notes lagi sa locker ko. Siya si L. Pero bakit? Lalong nagulo ang isip ko. Kaya ba iba niya ko tratuhin dahil naaawa siya saken? Or does he have feelings for me? Suddenly narinig kong umiyak si Lianne mula sa backstage. I can't hear what they're talking about but I'm sure she's crying.
"Bella, mas maganda kung magbihis ka na sa CR tas magligpit na tayo. Wag daw muna pumunta ng backstage at nag-uusap ang dalawa." Sabi ni Beatrice.
Kahit ang daming tumatakbo sa isip ko, sinunod ko nalang ang sabi ni Beatrice at pagkalipas ng isang oras, lumabas ang dalawa mula sa backstage.
I saw Liam, holding Lianne in his arms, lover's carry style. "OMG! Ang sweet talaga ni Papa Liam, sila na ba? Kainggit!" tilian ng mga orgmates ko.
From that moment, alam ko na ang tunay na nararamdaman para saken ni Liam, Awa. Pinanuod ko maglakad si Liam palayo habang hawak si Lianne. He's holding her as if she's a porcelain doll that's very fragile to hold. I can see that he really cares for her.
San ba ko lulugar? Ano ba ko kay Liam? All these times, he made me feel special, pero seeing him another girl in his arms, may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Gusto ko silang pigilan pero hindi pwede, wala ako sa lugar.
"Girl, mauuna na ko umuwi. Medyo masama pakiramdam ko eh." Paalam ko kay Beatrice at dire-diretso na kong umuwi.
Nakita ko pa si Liampapunta ng parking lot habang buhat si Lianne. Hanggang sa pag-uwi ko, hindiyun mabura sa puso't-isipan ko. First time ko makaramdam ng ganito. Paulit-ulityon nag-play sa utak ko hanggang sa hindi ko namalayan, may luha nang pumatakgaling sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
RomanceOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...