Chapter 2: It's time

89 6 0
                                    

Liam's POV

"Andito ka lang pala, Bro! Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni Lucas saken.

Naguunwind ako sa garden ng school habang nagpapatugtog ng gitara. Dito lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan.

"Nagpapahangin lang bro, alam mo naman gano ka-hectic yung subjects natin. Bakit niyo nga pala ako hinahanap?" Ani ko.

"before Midterms exam week eh magkakaron kasi  University-wide Swimming Competition. We need you in the team." Sabi ni Lucas.

"Pass muna ako. Medyo madami-dami workload ko." Sabi ko.

"The great Liam Castillo! Please sumali ka na. Pag sumali ka, sure win na tayo. Bro, please." Pabirong pakiusap ni Lucas. "I'll think about it, okay?" Sabi ko.

Nagulat nalang ako nang hablutin niya ang gitara ko at tumakbo palayo, hinabol ko siya sa pathway ng Botanical Garden. "Akin na yan bro!" sigaw ko.

"Please bro, isasauli ko sayo to kapag pumayag kang sumali sa team." Sabi ni Lucas. Binilisan ko ang takbo, maaabot ko na sana ang gitara ko ngunit may babaeng biglang sumulpot sa harap ko at imbis na kamay ni Lucas ang makuha ko ay nasagi ko ang kamay niya. Tumalsik ang notebook na hawak niya sa putikan. I suddenly felt guilty when I saw her teary eyes. 

"TANGA KA BA?" sigaw niya saken.

She glared at me but then her anger turned into shock. "Miss, I'm so sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Paumanhin ko sa kanya.

"Let me replace it." Dagdag ko.

"You can replace the notebook, pero yung pinaghirapan ko sa loob, hindi yun napapalitan." Sabi niya.

Nakita ko puro drawings yung notebook niya. Baka Fashion Major? Though, I mean she's quite pretty and all but she looks different from the Fashion students that I usually encounter with. Despite her beautiful face, mukha siyang malungkot.

"Yo bro? You okay?" Lucas snapped me out of my thoughts.

"Ah yeah, I'm okay." sabi ko.

"Wala na yung kausap mo. Bigla kang tinalikuran. Quite feisty, I like it." sabi ni Lucas.

"Tigilan mo bro, we don't know her." depensa ko.

Tumawa si Lucas, "Okay bro, chill."

Bella's POV

"What the heck was that?" bulong ko sa sarili ko.

Bakit bigla akong tumakbo? Mukha akong tanga. Pagkatapos ko sigawan, bigla akong duwag na tumakbo palayo. I don't even know the guy. From his full-white outfit, my guess is he's from the Health Sciences Department. In fairness ah, his clothes suit him. Meh, forget it girl. At least hindi ko na siya makikita kahit kelan.

"Huy!"

Napaigtad ako sa pagkakaupo ko sa classroom, "OH MY GOD!"

"Got you!" tawa ni Judith.

"Nakakatawa yun, girl?" tanong ko.

"Well, in my case yes! You should've seen your face. Ang lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba yun?" tanong ni Judith.

"Wala, just an unfortunate encounter." I shrugged.

Kinuha ni Judith mula sa kamay ko ang sira kong sketchbook. "OMG, what happened to your sketchpad? Yung artworks mo since first year." Puno ng panghihinayang niyang sabi. Parang mas masama pa ang loob niya kaysa sa akin.

"Bayaan mo na, drawing ko lang naman yun pag bored ako, doesn't mean much." I lied bago ko kunin ulit ang aking sketchbook.

"Weh talaga ba?" tanong ni Judith.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon