Chapter 18: Just the way you are

37 3 0
                                    

3rd Person's POV

Ngayon lang nakita ni Liam na nag-ayos si Bella at hindi niya mapigilang mabighani dito. Napatitig siya sa dalaga. Mula sa mga mapupungay niyang mata, ang labi niyang nilagyan ng lipstick, ang buhok nito ay nakaayos at ang suot nitong damit. Napalunok si Liam. Di siya makapagsalita. Pinapakita ng itim na bestida ni Bella ang hubog ng balingkinitan nitong katawan at ang legs niya.

"Wow Bella. You look so beautiful." Di napigilang sambit ni Liam.

Nagulat ang buong klase, maging ang Professor nila. Di maikakailang sikat si Liam sa Unibersidad. Kaya ang pagbibigay niya ng compliment sa babae ay mas rare pa kaysa sa solar eclipse

Alam din nito ni Bella kaya lang di niya naisip kaagad dahil naflustered siya sa sinabi ni Liam, "Uhhmm... Thank you, Liam."

"Uhhm... Bella," Nagcut in si Lianne "Here's the pouch, kindly put the donations here ha?"

Binigay ni Lianne ang pouch kay Bella. "Liam, let's go now." Sabi ni Lianne pagkatapos ay lumabas na ito sa classroom.

Pagkalabas ng dalawa sa classroom nila Bella ay naghiyawan ng kantiyaw ang mga kaklase niya kay Bella.

"Aba Bella, mukhang effective yung lunod technique mo kay Liam ah? Ayiieeeeee!" kantiyaw sa kanya. "Nakakainggit, sana all napapansin ni Liam Castillo pag nalulunod!"

Nairita si Bella nung narinig niya yun. Lulunurin niya kung sino man nagsabi nun, tignan niya lang kung maiinggit pa sila. Unfortunately, meron pa siyang ibang problemang kailangan alalahanin. "Okay guys, narinig niyo sinabi nila. Abot niyo nalang sa akin donations niyo. Any amount will do."

Lianne's POV

'What was that?' I thought to myself.

Am I losing Liam to Bella? I always did my best to look perfect in front of Liam but he never looked at me the way he looked at Bella. She only dressed up once for Pete's sake! I felt my insecurities crawling in. I held back my tears. I wanted to confront him but I can't. Baka pag tinanong ko kung may gusto siya kay Bella, baka di ko magustuhan yung maririnig ko. Ano bang meron si Bella na wala ako?

"Liam?" Tawag ko sa kanya. He seems lost in his thoughts. "Hey!"

"Ah yeah?" Liam snapped out of his thoughts.

"Bella's really pretty, right?" biro kong tanong but deep inside, it hurts.

I saw him smiled. "Yes." Liam admitted.

"Ganyan din ako dati, remember? Hindi rin ako palaayos but look at me now, I dressed up for me to be noticed by the guy that I like." Sabi ko. I may seem insecure now, pero anong magagawa ko? I love Liam. I love him with all my heart.

"Lianne, you don't need to do that." sabi ni Liam.

"No, it's okay. This is me now, and I like it." Sabi ko nang nakangiti.

After namin mag-room to room ay naglunch na kami sa cafeteria. I stared at the guy in front of me. He's silently eating.

'Impossible ba talagang maging kami?' I wondered.

Liam is so kind, smart, responsible, charismatic and his face, my gosh. "Liam, may tanong ako." Sabi ko.

"Ano yun?"

"Ano sa tingin mo kulang saken?" sabi ko.

"Ano ba yang sinasabi mo, Lianne? You're perfect." Sabi ni Liam.

'Then why aren't we together? Isn't being perfect enough for you to love me?' Gustong-gusto kong sabihin yon sa kanya but I held back. Hold it in Lianne! Guys don't like desperate girls. Walang thrill yon sa kanila. Keep it classy, girl!

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon