Chapter 6- Runaway

54 2 0
                                    

Bella's POV

"I-uhmmm... may bibilhin lang po sana ako." sagot ko.

"Ano yun?" tanong niya.

"uhhhmmm..." Isip girl! Isip, wag ka matameme! Dali go isip! "NAPKIN!" Nice one, Bella. Dumb move.

"It's that time of the month huh?" napangiti niyang tanong. Lupa, kainin mo na ko, please.

"May flashlight ka ba?" tanong niya.

"Wala po eh." Sagot ko. We may be on the same year, but he's my Senior here kaya it is only right for me to show respect.

"Sabay ka na saken, may bibilhin din ako." Sabi niya, sabay naglabas ng flashlight.

We were walking along a pathway, medyo malayo bilihan dito. School is almost closing, we're alone in the dark street. Tanging mga mahihinang pathway lights lang ang gumagabay samin sa daan. Nice one girl, imbis na mapalayo, nakasabay mo pa. Very nice move, Bella.

Shut up thoughts!

"Okay ka na ba?" he suddenly asked.

"Po?" I asked.

"Ah. I mean are you okay?" He chuckled. "Yes po...

"I'm sorry po." I muttered.

"For what?" he asked.

"For the last time po." Sabi ko.

"Aahh okay lang yun, mahalaga okay ka na." sabi niya.

"For calling you stupid." Sabi ko.

"It's alright, it's my fault din naman. Loko kasi yung mga kaklase ko." Sabi niya.

"I really felt sorry that I ruined your drawings, you're quite talented. I admire your designs." Dagdag niya. I stopped in my tracks. Bukod kay Judith, sa kanya ko lang narinig na may pumuri ng gawa ko. I'm touched.

"Thank you po."

Tumingala ako sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan. "Ah eh, wala yun. Tara lakad na tayo." Sabi niya biglang talikod.

Napansin ko nasa bandang garden na kami, medyo mas madilim dito, nakakatakot. "Careful on your steps, baka may matapakan ka." sabi niya.

True enough, may malaking palaka sa paanan ko. I screamed. I'm scared of frogs. Nagtatatalon ako sa takot.

"Hey, calm down, are you okay?" sabi ni Liam, while tapping my shoulder trying to calm me down.

He bent down and tilted his face to look and check on me, damn his towering height. I looked up at him. Ang guwapo talaga. For a moment, nagkatitigan kami. He has such beautiful eyes. SNAP OUT OF IT GIRL! Biglang may umilaw sa likod ni Liam.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan sa dilim!" ani ng University guard. Pareho kaming nagulat.

Nasa malayo si Manong Guard, pero sa angle at posisyon namin, mukha kaming may ginagawang kababalaghan. "We have a situation here at the garden, meron nanaman dito sa dilim. Roger." Sabi ng guard sa radio niya.

"Ahhh shit." Liam muttered. Bigla niyang hinila yung kamay ko at tumakbo papasok sa garden. We were running while the guard is chasing behind us. Nakakalayo na sana kami pero dead end. We stopped on our tracks.

"Pano na? Lagot na pag nahuli tayo." nag-aalala kong sabi.

WHAT. THE. FUCK. Ano ba tong nangyayari, kung alam ko lang eh di sana pinakilala ko nalang talaga sarili ko sa Introduce yourself portion. I am internally crying.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Liam sa bushes at tinakpan ang bibig ko. We were seated on the grass, my back leaning against his chest while his one hand is covering my mouth. "Sshh tahimik ka lang, I can't get caught, bawal ako magkarecord, mawawala position ko sa Org." bulong ni Liam sa tenga ko.

I swear he's so close to me, I can feel his heart beating against my back. I can smell his musk and manly scent. "Oh, pare asan na hinahabol mo?" tanong ng isa pang guwardiya. "Nawala pre, panigurado dumiretso dun at dead end na dito. Tara."

Nung nakalayo na sila, tsaka lang kami nakahinga nang maluwag. Whew, that was a close one! I smiled at the thought that I'm safe. Then it hit me. I'm still leaning against his chest so I quickly stood up. "Sorry for that." Sabi ni Liam.

Nakabalik na kami sa meeting area. Pinauna na ko ni Liam dahil may call siyang sinagot. Papasok ako nang makasalubong ko si Lianne. "Hi, you're one of our new recruits, right?" she asked me.

Mas maganda siya nang malapitan, ang bango pa. Bat ang babango ng mga tao dito sa org, required ba yon? Charot. "Opo." sagot ko.

"Have you seen Liam? Our Executive Vice President." tanong niya.

"Ahhh nakita ko po siya sa labas." sagot ko.

"Okay, thank you so much!" ani niya at dali-daling lumabas.

"There you are. I've been looking for you everywhere. We need to talk about our upcoming events." bati ni Lianne kay Liam.

"Bagay na bagay sila no?" nagulat ako nang biglang nagsalita si Judith sa tabi ko.

"Kagulat ka naman Judith." sabi ko

"Malalim lang yang iniisip mo no! San ka ba galing at ang dumi ng puwetan mo, para kang umupo sa lupa." sabi ni Judith.

"Wala to. Napaupo lang sa kung saan." Sabi ko.

"Sus, ikaw talaga. Para kang bata. Pasok na nga tayo." Sabi niya.

Pero totoo nga yung sinabi niya, BAGAY SILA.

Beautiful Goodbye (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon