Bella's POV
Liam drove me to school today, using his Black Mazda 3. Napatingin ako sa kanya, mukhang malalim ang iniisip niya at bigla siyang napangiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ko sa kanya nang nakangiti nadin. Nakakahawa kasi yung ngiti niya eh, ang cute pa ng dimples niya.
"Masaya lang ako." Sabi niya at napangiti siya ulit. Mukha siyang ewan, nababaliw na yata to at tumatawa mag-isa.
"Dahil?" tanong ko.
"Dahil sayo. Dahil tanggap ako ng Dad mo." Sabi niya.
I hid my smile from him. Nakaupo ako sa shotgun seat at tumingin nalang ako sa bintana ng kotse, at dun binuhos ang kilig na nararamdaman ko. Lalo pa kong kinilig sa tugtog sa radio. Enebeyen Lord, baka po himatayin na ko sa kilig neto.
"Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
Coz baby you're the one, I don't know how
I love you til the last of snow disappears
Love you til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you, and now you know.""Nauna pa kong matanggap ng pamilya mo kesa sayo. Di bale, save the best for the last." Sabi niya sabay kindat saken.
Jusmiyooo wag kang ngumiti nang ganyan baka biglang bumigay na ko.
Papasok na kami sa entrance ng University at naghihintay sa checkpoint ng mga kotse sa Guard house.
"Pano ba yan approved na ko ni Tito Jaime, does this mean na hahayaan mo na kong ligawan ka?" tanong saken ni Liam.
Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko sa kilig, kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang panyo sa kamay ko at tumango bilang sagot.
"Talaga? Yes! Thank you, Bella." Masayang sabi ni Liam sabay hinawakan ang kamay ko.
Walang pagsidlan ang saya ko nang inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at dinampian ng halik. Buti nalang takip ko ang mukha ko kasi eeling ko maadmit na ko sa factory ng kamatis sa pula ng mukha ko. Nang makalagpas na kami sa checkpoint ay nagpababa na ko sa tagong parte ng parking lot.
"Sigurado ka, dito ka na bababa? Hatid na kita sa class mo." Sabi niya.
"Ay wag na, Liam. Dito nalang please, baka may makakita pa satin." Sabi ko.
"Bakit? Kinakahiya mo ba ko?" Parang bigla siyang nalungkot sa tanong niya.
Seryoso ba siya? Siya? Ikakahiya ko? Baka ako ang ikakahiya niya. "Hindi naman sa ganon, I just want to keep this secret, I don't know how to deal with this issue if people found out." Sabi ko.
His face lit up, "Okay, I understand. Ingat ka, Bella. See you later!"
Dali-dali akong bumaba at tumakbo palayo ng kotse niya para walang makakita. Nang nasa labas na ako ng building namin ay tsaka lang ako napanatag at naglakad nang maayos.
"May tinataguan ka, Bella?"
"Ay kabayo!" Gulat kong bulalas. Nang makita ko si Trixie pala nakasalubong ko, dinagdagan ko pa sinabi ko, "Ay literal na kabayo pala."
"Wala ka paring pinagbago. Still as cheap as ever." Sabi niya. Cheap my ass.
"Trixie, I don't have to deal with you bullsh- "
"OMG! Si Liam padaan!" Di na ko inintindi ni Trixie nang makitang padaan si Liam. Talas ng mata neto, ang layo pa ni Liam eh.
"OMG! Sis, ang hot niya sa suot niyang white polo at slacks ughhh." Sabi pa ng isa niyang tropa.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye (COMPLETED)
Storie d'amoreOn her path to self-discovery, introvert Bella Fontanilla doesn't know her purpose in life. But one thing's for sure, she likes Fashion Design despite majoring in Business Ad. Until one day, she found herself auditioning for the Theatrical Arts Orga...